Kabanata 10

2M 47.5K 21.5K
                                    

Warning: SPG

-----

Kabanata 10

You're Mine


Kung hindi lang naghirap si Chris para sa make up ko ay kanina pa ako naghilamos sa loob ng bathroom. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Namumula ang aking leeg at kahit hindi ko kita ay nakasisiguro akong pati ang aking dibdib ay pulang pula. Mabilis din ang aking paghinga.


Kinalma ko ang aking sarili. I don't know what to freaking do. With Logan watching me like that, hindi na ako makahagilap ng tamang oxygen para lang makahinga ng tama.


Nang sa wakas ay medyo maayos na ang paghinga ko ay lumabas ako ng bathroom. Hindi pa ako nakakahakbang ay natigilan na ako. Nakita ko si Logan na nakaigting ang panga habang naghihintay sa labas.


"What are you doing here?" tanong ko sa kanya.

"Let's go somewhere else..." aniya.


Nagulat ako sa biglaan niyang pagkalma. Hindi ko alam na kaya niyang kumalma. He looked so pissed kanina. Hindi ko inasahan na ganito ka kalmado ang magiging tungo niya.


"Where? What about the event? Your date?" tanong ko.

"Marina can go home by herself. Let's go..." utos niya.


So it was Marina, huh? Naglakad na siya palayo bago ako nagsimulang humakbang.


"Logan!" tawag ko nang napagtantong iiwan ko nga rin pala si Clyde. Magpapaalam ako, kung ganoon.


Nagpatuloy siya sa paglalakad palabas. Hinarang siya ng ibang mga reporters pero nagpatuloy lang siya sa paglalakad, suplado. Hindi ko alam kung babalik ba ako sa mesa para magpaalam kay Clyde o susunod kay Logan.


Dumiretso na lang ako kay Logan nang naisip na baka magtanong pa si Clyde kung saan ang tungo ko. Mamaya ay sasama pa iyon at hindi ako tatantanan.


Isang valet ang sumalubong sa amin para maibigay ang sasakyan. Binuksan niya ang pintuan at bumaling sa akin. His eyes were still pitch black. Nanginginig ang binti ko kaya hirap akong maglakad sa stilletos. I never thought I'll be this nervous around him. So nervous that I think I'm trembling.


"Saan tayo?" tanong ko pagkapasok sa Mustang.


Hindi niya ako sinagot. Sinarado niya ang pintuan at umikot na siya para sa driver's seat. Hindi ako nakaimik nang niliko niya ang sasakyan sa highway. Paalis na kami sa Convention Center kung saan ginanap ang event.


"What about the event?" tanong ko.

"The event's done..." malamig niyang sagot at pinaharurot bigla ang sasakyan.


Niliko niya ito sa isang malapit na hotel. The hotel was huge and almost golden. I've been here once to dine. Hindi ko nga lang alam kung ano ang gagawin namin dito. For sure, we won't dine here. Napalunok ako nang kinalas ni Logan ang aking seatbelts.

Give In To You (GLS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon