Kabanata 6

1.9M 43.6K 21.1K
                                    

Kabanata 6

I'm In


Maaga akong pinakawalan ng aming supervisor. Halos hindi ako nakapag paalam ng mabuti kina Jade at Tessa dahil sa kaba ko. They were both watching me curiously at wala akong maisagot sa mga tanong nila.


I guess Logan's right. We're adults. I guess I am attracted to him. What is it? Lust? I don't know. What with my life going down, ano pa ba ang pwedeng gawin, hindi ba? Kundi ang lumipad pataas. This is my escape. This is the joke. Sa kabila ng seryoso at mabigat kong buhay ay ito ang magpapagaan.


"I brought my car," sabi ko nang dire diretso ang lakad ni Logan sa valet.

"Just leave it here," aniya.


Magsasalita pa sana ako ngunit tumunog ang cellphone ni Logan. The valet opened the door for me. Tumango ako at ngumiti bago pumasok. Bumaling ako kay Logan na pumasok na rin sa kanyang sasakyan.


"I told you to cancel the meeting," aniya sa kabilang linya.


Sumulyap si Logan sa akin. Tumikhim ako at nag iwas ng tingin. I will pretend I didn't hear anything?


"What?" nagulat siya sa sinabi ng tao sa kabilang linya.


Binuksan niya ang pinto ng sasakyan para makalabas at makausap ng mabuti iyon. Tumayo siya doon, nakatalikod sa akin.


I opened the window of his Mustang for some air. Narinig ko tuloy ang boses niya habang kausap ang sino mang nasa kabilang linya.


"It's failing? I won't withdraw my shares yet. I need to see the reports tomorrow. I'll buy more shares if I need to."


Tiningnan ko ang sarili ko sa side mirror. Maayos na naka ponytail ang buhok ko at kitang kita ang high cheekbones dahil sa bronzer na nilagay ko kanina. I pouted my lips. I wish they were thicker.


"Merge? I don't want it. I don't need the Trion Security Services."


Nagulat ako sa narinig kay Logan. Hindi ba ay business ng pamilya nila ang Trion Security Services? Hindi ba ay business nila iyon? Napalingon ako sa kanya.


"Pagkatapos kong bilhin ang mga shares, I will make sure na nabawi ko ang capital kaya kailangan kong pataasin ang value, and then I'll sell my shares so the whole of TSS will fail."


What? He wants their business to fail? I don't get it!


"Brandon, if you want that company, bilhin mo kay daddy! I don't want it. I don't need it," aniya. "I don't care if dad wants me in it. If he expects me to save it, makikita niya kung paano ko ito palulubugin."


Nanlaki ang mata ko. Alam kong masama siya pero hindi ko naisip na ganito siya kasama. Ang alam ko ay ang Trion Security Services ay business ng pamilya niya, particularly his daddy, the retired General. Bakit gusto niyang bumagsak ito ngayon? How could he do that to his dad? Hindi ko lubos maisip na may ganitong tao. Hindi ko lubos maisip na kaya niyang balewalain ang bagay na mahalaga sa kanyang ama.

Give In To You (GLS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon