Chapter Forty-Six :

Magsimula sa umpisa
                                    

Kilalang-kilala niya talaga ako kaya hindi maiwasang mahulog ang loob ko sakanya eh. Sa lahat ng mga araw na magkasama kami ay nakilala na niya ang totoong ako at sakanya ko lang talaga pinapakita ang totoong nararamdaman ko.

"Kasalanan ko tuh eh! Nabaril si Kuya dahil sakin!"

"Shhh... Hindi mo kasalanan ang nangyari sa Kuya mo. Ginawa lang niya yun dahil mahal ka niya at handa niyang ibuwis ang buhay niya para lang sayo kaya tumahan ka na... Maaayos din ang lahat" napatawa naman ako saglit dahil sa naisip ko bigla.

"What's funny?" Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sakin. Siguro iniisip niya ngayon ay nababaliw na ako.. Naiyak ba naman ako kanina tapos biglang tumawa.

"Nakakatawa lang kasi kanina ako yung nagcocomfort ng tao tapos pinapatahan ito tapos ngayon naman ako na yung nasa posisyon ng taong yun... Hay... Cycle nga naman... God really knows how to be fair" nakangiting sabi ko sakanya tsaka pinunasan ang mga luha ko kanina. I know God and I do believe in him.. Alam kung maaayos din ang lahat ng tuh in the right time.

But may isa pa pala akong gagawin

*Poink!*

"Aray! What The hell! Anong ginawa ko?!" Binatukan ko kasi.. Eh bwesit eh. Akala niya nakalimutan ko yun kanina ha!

"Bwesit ka! Muntik na akong mamatay kanina sa bilis mong magpatakbo! Bagalan mo naman ng konti pre! Pinapaaga mo ang buhay mo eh! Kitang may mag-alala eh" binulong ko yung huling salita para hindi niya marinig pero mukhang narinig niya nga.. Nakangisi ang gago eh. Sh*t.. Naloko na

"Ahhh... So nag-alala ka pala sakin? *smirk* Sabi ko na ba ngang may pagnanasa ka sakin eh" sabi ko na nga ba eh! Grr... Ang hangin!

"Ha! Pagnanasa?! Haler?! Over my ALIVE sexy gorgeous body! Baka nga ikaw ang may pagnanasa sakin eh!" Sabay irap ko sakanya para matakpan kahit papaano yung pamumula ng mukha ko.. Mapapaamin ako nito eh!

"Oh come on baby love! Aminin mo na kasi!" Tsaka siya tumakbo papasok ng hospital

"HOY Aidan! Bumalik ka dito! Nasan na yung cold na Aidan na kilala ko ha!!!! Bwesit ka! Pag naabutan talaga kita black eye ang makukuha mo!" Hay... Kahit kailan talaga ang isang yun! Sa akin parin nagpapakita ng totoong ugali niya. At sa akto niyang yun ay alam kung espesyal ako para sakanya kahit papaano.. Napangiti nalang ako sa mga ka childishan namin.

Aidan... Mahal na nga talaga kita! Sheeeeemay!

...

"O-ouch" ha! Serves you right! Tiningnan ko lang ng nakangisi si Aidan habang hawak nito ang brasong sinuntok ko kanina. Buti nga at hindi sa mukha eh..

"Pasalamat ka at mahal kita.." Hindi ko narinig yung sinasabi niya dahil sobrang hina nito tapos bumukas pa yung pintuan ng E.R kaya talagang maaagaw ang atensiyon ko dun.

"Good Afternoon Everyone... I'm Doctor Pauline btw.. Successful naman po yung operation namin kanina at nakuha na namin yung lason sa katawan niya kaya wala na kayong dapat ipag-alala about dun.. Well about naman po dun sa buntis...." Wait... Buntis? Napalingon-lingon naman ako sa paligid para hanapin si Xiarah at dun ko lang napansin na wala pala siya dito pati narin si Ace.. Siguro pinatignan nila kung ano na yung lagay nung bata.

"...Can you please come with me?" Habang nakatingin sakin.. Kaya tumango nalang ako.. Susunod na sana ako sakanya ng bigla nalang akong higitin ni Aidan sa braso.

"I'll come with you" wala na akong magawa kundi ang tumango tsaka sumunod na dun sa Doctor papasok ng opisina nito. Nadatnan naman namin si Ace dun at napatingin naman ito samin pagpasok namin pero binaliwala nalang namin ito..

"Ano po ba ang pag-uusapan natin?" Habang umuupo, tumabi naman sakin si Aidan tsaka hinawakan ang kamay ko.

"Buntis po ba talaga yung isang pasyente? Ikaw Mr. Diba sabi niyo buntis siya kanina kaya pinatignan niyo yung lagay ng bata?" Tumango lang bilang pagsagot si Ace habang nakapinta sa mukha niya na naguguluhan siya, ako din naman eh pero itong katabi ko, parang wala lang na nakaupo, wala talagang pakialam sa iba buti nalang at sakin meron..

"Alam kung naguguluhan kayo kung ano ang sinasabi ko pero Mr. Hindi po buntis si Ms. Xiarah.. Sa lahat po ng mga records namin na kinuha namin sakanya ay wala talaga.. Habang nakatulog si Ms. Xiarah sa pagkuha namin ng mga vital stats niya ay tinignan namin kung buntis ba talaga ito pero wala po talaga kaming makitang kahit anong sign na buntis ito" napatayo naman si Ace ng dahil dun ako nga tatayo na sana kung hindi lang hinigpitan ni Aidan ang pagkakapit sa kamay ko... God.. Ano bang nangyayari?!

"What?! So anong gusto mong iparating na nagbibiro lang siya na buntis siya?!" Kahit nagwawala na si Ace ay kalmado parin siyang tignan ni Doctor Pauline.

"Hindi ko alam ang rason kung bakit niya ginawa yun Mr. But I suppose.. Parang ganun na nga."

And Boom! Wow! Ang ganda ng araw na tuh Grabe! *sarcasm please*

The Cold Empress/Gangster ✔️ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon