-oOo-

46 1 0
                                    

Sana nung mga oras na dumaan ka sa walang katao-taong hallway liban sa ating dalawa, at hindi mo pa ako napansin, binato sana kita ng dustpan na hawak ko, o 'yung walis tambo sa kaliwang kamay ko.

Tapos sisigaw ako ng, "Hoy!"

Hindi ako estatwa sa gigilid.
At mas lalong hindi ako hangin.

Sa napakahabang panahon na tinitignan lang kita sa malayo, habang ang mga mata mo ay nakatutok lang sa kanya, ang sakit pala.

Bakit ba ang torpe ko?

Hindi ko man lang kayang ihakbang ang paa ko para lapitan ka.
Nakatayo lang ako sa disyertong hallway na mag isa, habang diretso kang naglalakad patungo sa kanya.

Ngayon, ano na'ng gagawin ko?

Kung sana lang din alam ko, e di sana, matagal mo na ding alam na gusto kita.

Dati, halos tatlong taon akong nagdarasal para lang sana makausap kita. Natupad iyon, alam mo ba? "Sorry." Ang sabi mo.

At alam kong hindi 'yun para sa puso ko, kundi para sa paa kong hindi sadyang natapakan mo. Tapos wala na.

Kung dati humihiling akong makausap ka ulit, heto, nagiba na.

"Sana hindi na magkrus ang landas namin kahit kelan."

Kung dati na ang pangalan mo lang ang pinakamaganda para sa bias kong tenga, ngayon ayoko ng marinig kahit palayaw mo man lang. Wala na ding silbi ang humiling pa sa mga bituwin.
Wala na ring saysay ang loveletter at
hindi na rin uubra sayo ang mangharana.

Dahil simulat-sapol hindi mo na 'ko nakikita.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 31, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sana Kung SakaliWhere stories live. Discover now