Part 1

4.2K 67 7
                                        


"Atty. Totoo po ba ang bali-balita na hiwalay na kayo ni Mayor. alexander delacour?"

"Gaano na kayo katagal na hiwalay?"

"Totoo po ba na si atty. Sandoval ang dahilan ng hiwalayan nyo?"

"Totoo po ba na may relasyon kayo ni atty. sandoval?"

"Totoo ba na si atty. sandoval ang dahilan ng hiwalayan nyo ni mayor?"

Sunod sunod na tanong sakanya ng mga reporter na nakaabang sakanya sa labas ng court of appeal.

Napapalibotan sya ng mga body guard nya. Sinisigurado nila na walang makakalapit sakanya pero dahil sa dami ng reporter na nagkakagulo na at nag uunahan para makuhanan sya ng statement ay nakakalapit pa rin ito sakanya.

Hindi naman ako nagtataka na naandyan sila para tanungin ang mga bagay na ito sakanya dahil kahit nung mga nakaraang buwan ay ganyan rin mga tanong nila sakanya pero wala silang nakukuha na sagot mula sakanya. Hindi talaga sila tumitigil hanggat wala silang nakukuhang sagot sa mga katanungan nila. Imbis na about sa case ang itanong nila ay mga personal matters ang tinatanong nila.

"Atty. Please?" Pakiusap sakanya ng isang reporter dahil parang wala na naman talaga syang planong sumagot.
Seryoso lang syang naglalakad habang napapalibotan ng mga body guard

Tinaas nya ang kamay nya saka huminto sa paglalakad.
Muli na namang nagkagulo ang mga media at halos magtulakan na.

"Atty. Sandoval and I have no relationship. We just met because of the case we are currently handling together." Seryosong sabi nito habang nakatingin sa mga reporter.
"As for Alexander and I. Yes, we've been separated for a long time."

Pagkatapos nyang sabihin yun, ay mula na syang naglakad paalis. Ang mga reporter ay hindi na sumunod at nanatili na lang sa mga pwesto nila.

"Badass" Tumingin ako kay sonie na nakatingin ngayon sa tv habang kumakain ng strawberry. Tumingin ito saakin saka ngumisi.
"Pag talaga nalaman ng mga tao na ikaw ang dahilan sa hiwalayan nila, patay ka."

Napahilot ako sa noo ko. Sa totoo lang iniisip ko rin ang mangyayari oras na dumating ang araw na yun. Masyadong invested ang mga tao sa dahilan ng hiwalayan nilang dalawa ni alexander, lalo ngayon na sinabi nya na na totoo na hiwalay na sila. at alam ko na gagawin ng mga media ang lahat para lang malaman nila ang totoong dahilan ng hiwalayan nilang dalawa ni xander.

Balita balita rin na merong nag babayad ng malaking halaga sa media para lang masira si bethani. Feeling ko totoo yun dahil masyado silang invested sa buhay nito kesa sa totoong problema ng bansa.

Well, sila bethani ang nasa likod ng karamihan na problema sa bansa pero wala naman silang mahalungkat dito dahil masyadong mahigpit ang siguridad nila.

Lalo ngayon, malapit na ang election at sila ang nag fufund sa mga politiko na tatakbo.

May time na gusto ko syang pigilan sa mga ginagawa nya pero hindi ko magawa dahil hindi ko alam kung susunod sya saakin, sabi nga nya mahal nya ito at bukod pa dun sya ang leader ng organization nila. Sakanya dumadaan lahat ng gusto ng mga member sa organization.

Katulad na lang nitong bagong kasong hawak nya. Nakwento nya saakin na member rin ito ng org nila kaya kailangan nya itong maipanalo dahil baka malagay sa alanganin ang pangalan nya, bukod pa doon, pwede itong kumanta ng mga nalalaman nya oras na pabayaan sya ni bethani.

Naagaw ang attention ko ng cellphone ko na tumutunog.

Si bethani

Tumingin muna ako kay sonie bago ako tumayo at naglakad papunta sa terrace.

Beneath her authority - S2Where stories live. Discover now