Special Chapter: RAIN is coming with PETER PAN

Start from the beginning
                                    

“Haaaaaaaaa. Oo, okay lang ako. Ikaw?”

“Syempre okay noh! Ako nga pala si Rain. Ikaw, anong pangalan mo?”

“Ako si Alexa. ^__^”

“Ah. Eh bakit ang daming tao kanina?”

“Ewan ko nga rin eh.” Yumuko ako sa sagot ko. Parang gusto ko ulit umiyak. Natatakot pa rin kasi ako eh.

“Wag ka na matakot. Nandito na ako eh. ^___^”

Ngumiti siya kaya ngumiti na lang din ako. Nakakahawa kasi ang ngiti niya eh. Hehe. Umupo lang kami dun sa kalsada para magpahinga. Nagkwentuhan kami ng konti at nilibre niya ako ng hotdog! ^o^d

“Alexa?”

“Ms. Jhane!!” tumakbo ako papunta sa manager namin at niyakap siya.

“Hinabol po kami kanina ng mga tao na may camera tapos po pinalibutan pa po siya. Buti na nga lang po at nakatakas po kami eh.” Yung bata na yung nagpaliwanag ng mga nangyari.

“Ganun ba? Natakot siguro kayo. Pagpasensyahan niyo na ha? At oo nga pala, salamat sa pagliligtas sa alaga ko ha?” nilibre siya ni Manager Jhane ng hotdog ulit at tsaka kami nagpaalam. Sana Makita ko ulit yung batang yun. ^__^

MARS’ P.O.V

Takbo lang kami ng takbo hanggang sa makarating kami sa Space Shuttle.

“Teka lang. Pagod na ako.” Huminto ako at hinatak siya.

“Sige. Upo muna tayo.” Inalalayan niya ako paupo dun sa bench na malapit tsaka siya umalis para bumili ng mineral water.

“Oh.” Binuksan niya muna bago niya iniabot niya yung tubig sa akin at umupo siya sa tabi ko.

“Salamat.”

Tahimik lang kaming dalawa. Siguro dahil na rin sa napagod kami kakatakbo. Pero ako na ang unang nagsalita.

 

“Salamat ah. Sa lahat. Pero, sino ka?” hindi niya agad sinagot ang tanong ko. Parang nag-isip pa siya.

“Ako si Peter Pan.”

“eh?”

Tumayo siya sa harap ko at nagpameywang doon na chin up pa.

 “Ako si Peter Pan!” tsaka siya tumakbo ng paikot-ikot habang naka-dipa ang mga kamay niya. Ako naman, tinawanan ko lang siya.

“HAHAHA. Mukha kang ewan. Ok sige, kung ikaw si Peter Pan, ako naman si Tinker Bell!” tumakbo din ako paikot sa kanya tulad ng ginawa niya.

Naghabulan pa kami ng naka-ganun sa halos buong EK ng mapadaan kami sa Exit. Naalala ko bigla ang oras at ang mga kasama at mga kapatid ko.

STAR SYSTERSWhere stories live. Discover now