Special Chapter: RAIN is coming with PETER PAN

Magsimula sa umpisa
                                    

Pagkatapos namin sa Carousel na sobrang na-enjoy ni Alexa na naka higit limang beses ata kami ay nagkaroon ng isang parang show dun sa tapat. Pinanuod lang namin yun ni Alexa.

“Teka, si Aubrey ba yun ng Shining Star?” huh?

“Unnie, sila Unnie Luna oh!” sabi ni Alexa at bigla naman siyang tumakbo palayo.

“Alexa, teka lang!” sigaw ko pero biglang nagsilapitan na yung mga tao sa paligid ko kaya di ko na alam kung narinig ba niya o hindi.

Flash dito, camera doon. Ang daming tao. Nakilala pala kami, ang akala ko okay lang ‘to. Hindi pala. Nasilip ko si Alexa sandali at napalilibutan na rin siya ng maraming tao.

“Alexa! Excuse me po. Alexa! Makikiraan po, padaan po. Sorry.” Sabi ko habang humahanap ng daan para makalabas sa bilog ng tao sa paligid ko at mapuntahan si Alexa. Pero kahit anong gawin ko, hindi talaga ako makalabas.

Nang makalabas ako sa kumpol ng tao ay may biglang humatak sa akin. Napalingon naman ako sa lugar ni Alexa at wala na siya doon.

 

“Teka lang, yung kapatid ko.” Sabi ko pero hindi siya nagpapigil.

ALEXA’S P.O.V

Nakita ko si Unnie Luna pero paglabas ko sa grupo ng tao na nanunuod sa palabas ay wala na sila. May nakakilala kay Unnie Mars as Aubrey at nagsimlua na siyang pagkaguluhan at pagkukunan ng pictures. Ang balak ko sana ay panuorin lang siya sa gilid hanggang sa matapos sila pero may nakakita rin sa akin at nagpapicture. Sa una ay isa isa lang pero nagsimula ng dumating yung mga paparazzi at reporters.

Malalaking camera, may mga Mic, maraming nagtatanong ng mga bagay na hindi ko alam ang sagot. Nakakatakot silang lahat. Para akong nasa loob ng isang black hole at lahat sila nakatingin sa akin. Parang ang liit liit ko at sila naman ay sobrang laki. Kahit saan ako magpunta, kahit saan ako tumingin ay nandoon sila. Wala akong kakilala. Wala akong mapuntahan. Mag-isa lang ako ngayon.

Pilit kong tinatakpan ang mukha ko pero pakiramdam ko nakikita pa rin nila ako. Nagsimula na akong umiyak. Nakakatakot. Natatakot talaga ako.

“Tama na po.” sabi ko habang nakatakip ang mga kamay ko sa mukha ko.

“Tama na po. (sob) Ayoko na ( sob) po. Please,(sob)Unnies. Mommy.”  Umiiyak lang ako.

Tahan na. Tara!” iniangat ko ang ulo ko at nakita ko ang mukha ng isang batang lalaki.

Kinuha niya ang kamay ko at hinila ako palabas. Sabay kaming tumakbo palayo habang sinusubukan kaming habulin ng ibang reporters. Tumakbo lang kami hanggang sa marating namin ang ticket booth ng Horror House.

 

 

“Okay ka lang?” tanong niya.

STAR SYSTERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon