Nakasimangot ako habang sumusunod kay Rhod papuntang silid nito. Eh kasi naman, pinagalitan siya ni mommy niya kasi dapat daw magsama kami sa iisang kwarto dahil mag asawa naman daw na kami.
Nek nek naman kasi itong si Rhod eh, napaka tanga minsan. Di nag iisip eh, tatanga tanga.
"Wow, kwarto ba'to ng mangkukulam?" Manghang may pagka sarkastiko ko. Akalain moba naman? Puro kulay na itim ang makikita mo sa paligid ng kwarto niya, Para tuloy akong papasok sa may multuhan.
"Don't touch anything that is not yours." Naiwan sa ere ang kamay ko nang akmang hahawakan ko ang isang painting na pangit ang pagka kulay.
"Damot mo naman, hahawakan lang. Saka ang pangit naman nito." Sinamaan lang ako nito ng tingin at nilapag ang maleta ko sa may malapit ng kanyang closet.
May nakita naman akong maliit na base sa isang maliit na lamesa kaya nilapitan ko ito ang akmang hahawakan na nang marinig ko na naman ang napakalamig na boses nito. Nakakakilabot.
"Don't. Touch. Anything. Eliora." Sa lamig ng boses nito pati kidney ko tumamling tamling sa panginginig.
"Maka Eliora naman ito."
“What? It was your name.” malamig na sagot ni Rhod habang binubuksan ang cabinet niya. Ang lakas talaga ng presensya ng lalaking ‘to — parang laging may background music na horror film sa tuwing nagsasalita siya.
“Pwede namang Eli o Baby o kahit Honey man lang. Asawa mo naman ako ‘di ba?”
I joked and crossed my arms, sabay taas ng kilay. Bahala siya kung magalit, eh totoo naman. Hindi ko kasalanan kung gusto ko lang ng konting affection sa kasal naming parang kontrata lang.
“You should be thankful because I didn't call you by your surname.” Tugon nito, sabay sulyap sa akin ng mabilis—parang isang segundo lang, pero sapat para makaramdam ako ng kakaibang kilabot. Hindi ko alam kung malamig ba dahil sa aircon o dahil sa titig niyang parang sinasakop pati kaluluwa ko.
Feeling ko tuloy madali akong atakehin sa puso dahil sa lalaking 'to!
“Thankful? Wow. Sa tono mo parang pinagkakautangan ko pa ‘yung pangalan ko at saka pwede rin naman na Misis Alaric. ” sagot ko, sabay tawa sa kanya. “Alam mo, Rhod, hindi ko alam kung anong nakain ng mommy mo at pinilit tayong magsama sa iisang kwarto. Baka gusto niyang masaksihan kung paano mo ako pinapraning gabi-gabi ah!”
“Eliora!”
Napahinto ako at sabay halakhak. Dahan-dahan siyang lumingon, at naglakad papalapit sa akin. Bawat hakbang niya, parang bumibigat ang hangin sa paligid. Napalunok ako, pero ayaw ko pa ring umatras. Hindi ako papatalo.
“While you're under my roof you will follow my rules.”
“Patakaran? Aba, ikaw lang ba ang may rules dito?” Nilakasan ko loob ko kahit ramdam kong bumibilis tibok ng puso ko. “Mag-asawa tayo, ‘di ba? So, half ng kwartong ‘to, akin na.”
“Parang may tinatago ka tuloy. Ano yun ha? litraro ng ex mo? alaala? aba aba Rhod, baka nakalimutan mo na asawa mona ako? kaway kaway naman diyan sa ex mo uy.”
“Who told you I have one? Stop joking around will you? Hindi na'ko natutuwa.”
Napatawa naman ako dahil sa busangot na mukha nito, para siyang pato sa mukha niya ngayon.
“Halata nga.”
“Fix your things and stop messing around.”
“Wow? gwapo kana nyan? kwarto natin 'to uy.” Sagot ko habang tinataas ang kilay ko, sabay turo sa paligid ng kwarto na parang kuweba ng bruho.
YOU ARE READING
Losing Game ( End Of The Game Series 1)
Romance"In the game of love, freedom is the ultimate prize." Eliora Azalei Swason, a hard headed, slash brat woman who was once forced to marry an unknown man by her own family. A family that never let her feel the freedom she wanted, she g...
