"holy cow! Bat ba walang tatanggap sa'kin? eh ang ganda ganda naman ng record ko." mahinang singhal ko at naiinis na naglakad palabas ng main building ng hart company.
Nakakainis yung manager ng hart company, tinarayan na nga ako, inayawan pa yung pag apply ko.
"ka stress naman." naglakad lakad lang ako at hindi ko namalayan na nasa harapan na naman ako ng isang malaking kompanya.
Alaric's Company.
"masubukan nga." inayos ko ang damit ko pati ang mahaba kong buhok at pinunasan ko ang kaunting butil ng pawis na tumutulo sa leeg at noo ko bago ako naglakad patungo sa pintuan ng Alaric's Company.
Napangiti pa'ko ng kaunti nang makakita ako ng maliit na tarpolin na nasa gilid lang ng pinto at may nakasulat na Wanted Secretary.
"good day, ma'am." ngumiti ako sa dalawang guwardya at pumasok sa loob ng kompanya. gosh, ang ganda!
Inilibot ko ang paningin ko habang may kaunting ngiti sa mga labi ko, sana naman sumabit na ako dito.
Nagtungo ako sa may information desk at nakita ko ang dalawang babae na abala sa kanilang ginagawa.
"excuse me, miss." nag-angat ng tingin ang isa sa kanila at ngumiti nang makita ako.
"how may I help you, ma'am?" biglang tanong nito habang nakangiti.
"Is your company hiring a secretary?" nanlalaki ang mga mata ng babae at mabilis na tumango.
"yes ma'am, are you applying for it?" ngumingiting tumango ako at parang tuwang tuwa naman siya pati ang kasama niya ay nakaangat narin ng tingin.
"let's go ma'am, ihahatid ko ho kayo sa opisina ni Mr. Alaric." tuwang tuwang ani nito at mabilis na tumayo saka ako ginaya papasok sa elevator at pinindot nito ang ika 24th floor.
Unti unting bumukas ang elevator at nauna akong lumabas bago sumunod ang babaeng kasama ko at iginaya ako papunta sa isang pinto na may nakasulat sa itaas na CEO office. Wow, huh!
Tumigil kami sa paglalakad at hinarap ang itim na pinto bago kumatok ng tatlong beses ang babaeng nagsama sa'kin dito sa itaas.
"Come in." Isang baritonong boses ng lalaki ang narinig ko at binuksan naman ng barista ang pinto.
"Sir, someone's applying for your secretary." Aniya habang naka bukas ang pinto at hindi parin siya pumapasok.
"Let in." Lumingon sa'kin ang babae ang ngumiti.
"Pumasok na ho kayo ma'am." Ngumiting ani niya at gumilid sa pintuan.
Nagpakawala ako ng isang marahas na buntong hininga at palihim na pinakalma ang sarili. Go self, kaya moyan!
"Thank you." pasasalamat ko dito bago ito umalis at dahan dahan akong naglakad pa punta sa loob ng opisina ng CEO.
Whoaa, sana naman pumasa na'ko dito. Kawawa na yung mga utang ko na diko pa nababayaran, patay ako nito kay aling Flora, tataas na naman ang kilay nito na akala mo ay nilagyan ng napakaraming eyebrow.
Dahan dahan kong sinarado ang pinto ng opisina bago humarap ang nakita ko ang isang matipunong lalaki na naka upo sa swiver chair habang naka suot ng eyeglasses at may binabasa na dokumento na hinahawakan niya.
Dahan dahan akong naglakad at siya ring unti unting pag angat ng kanyang mukha at diretso sa direksyon ko ang tingin nito. Inalis nito ang kayang eyeglasses at inilapag sa gilid ng kanyang laptop habang hindi inaalis ang tingin sa direksyon ko.
Hindi naman sigurong nangangain ito ng buhay, diba?
Hanggang sa makalapit ako ay hindi ito nag iiwas ng tingin. Tumayo ako sa harapan ng mesa at nagbaba ng tingin, katakot ng tingin naman niya.
YOU ARE READING
Losing Game ( End Of The Game Series 1)
Romance"In the game of love, freedom is the ultimate prize." Eliora Azalei Swason, a hard headed, slash brat woman who was once forced to marry an unknown man by her own family. A family that never let her feel the freedom she wanted, she g...
