Chapter 34.

103 2 0
                                    

Darren's POV.

01:33 PM, Monday.

Nakaharap lang ako sa tapat ng salamin habang tinutupi yung sleeve ng polo ko pero nakatuon ang tingin ko sa muka kong guafuuuu!









Mas gwapo naman ako kesa kay Brent ha? Ano bang meron dun? E mas macho pa ako dun!





Imagine? 6 packs abs. Mga naglalakihang muscles! Ow diba? Saan ka pa?

Okay Darren stop imagining.



Pero syempre joke lang. Isa lang talaga yung ab(s) ko. Haha.

Medyo good mood ako ngayon o pwede na ring nagpapaka-good mood kuno. Para kunwari okay lang, walang problema ganun! Alanganamang haharap ako sa fans ko na mukang puyat. Sabihin pa nila sabog ako.

May mallshow kasi ako ngayon e.

"Tapos ka na bang titigan yang sarili mo?" napalingon ako sa pinto ng may magsalita doon. Hindi na naman ako nagulat ng makita ko si Xandra. Sinabi nya na rin sakin kasi kahapon bago sya umuwi na sasama sya sa mallshow ko.

Pati si JK sasama din kabwisit -_- may sarili naman syang buhay! Pero nung nalaman nyang sasama si Xandra ngayon nagprisinta na din sya na sasama sya. Baka daw kasi may gawin akong kalokohan -_-

Nah. Masyado kong mahal si Jewel kaya hindi ko gagawin yun.




Ngumiti lang ako kay Xandra.

"Tara na?" pagaaya nya kaya tumango ako.

Lumabas na si Xandra sa kwarto ko kaya bago pa ako lumabas ay sinulyapan ko ulit yung muka ko sa salamin.

Psh! Mas gwapo talaga ako kay Brent e! Kahit ilang beses kong tignan yung sarili ko sa salamin ng paulit ulit mas gwapo talaga ako. Wala eh!

"Hoy! Sawang sawa na yung salamin sa muka mo!" tumingin ulit ako sa pinto na marinig ko yung boses ng lalaking to. Alam nyo na kung sino -_-

"Alam mo? Ang cute mo, sarap mong pektusan." sabi ko saka ko kinuha yung bag ko at naglakad na palabas ng kwarto.


"Haiz! Grabe na talaga tong kagwapuhan ko eh!"



**********

Xandra's POV.

04:58 PM, Monday.

Nakaupo lang ako dito sa harap ng stage at nakakainis dahil katabi ko si JK. Feeling ko pa naman may galit sakin to! Wala naman akong ginagawa sa kanya. Kanina nya pa pinapansin lahat ng kilos ko.

"O? Bakit ganyan ka makatingin?" o? Tignan mo na! Leche talaga to!

Inirapan ko lang sya saka na ako tumingin sa stage. Nasa backstage si Darren at kakatapos nya lang kumanta kaya pahinga daw muna.




Kamusta na kaya si Brent dun? E si Adrian kaya?, si Kevin kamusta na kaya sya? -_- miss na miss ko na sila lalo na si Addi.

"Hello mga Darrenatics!" napangiti ako ng bigla ng umakyat si Darren sa stage. Alam kong problemadong problemado sya pero hindi nya pinapakita sa mga fans nya.

"O bakit ngumingiti ka?" aba! Bwisit talaga tong JK na to ha!

"Pake mo ba? E sa gusto kong ngumiti e. May magagawa ka?" sarkastikong sabi ko.



"Hindi porket may problema sila eepal ka na! Epal!" sabi nya at pabulong nya lang sinabi yung 'epal' na word sa huli pero narinig ko naman. Tumingin na sya sa stage.

Stuck With My Girl (A Darren Espanto Fanfiction)[BOOK 3]Where stories live. Discover now