Chapter 30.

191 17 3
                                    

Kevin's POV.

09:48 AM, Monday.

"Huwaaaw!" napangiti ako ng makita ko si Jewel na manghang manghang nanunuod sa ginagawa ni Brent.

Psh! Nakakabanas sila! Etong Brent na to halatang halatang may gusto kay Jewel tch sarap sapakin.

Kung hindi ko lang sya kaybigan at kung hindi nya lang pinsan si Xandra baka napatay ko na to.

Parang bakla! Dikit ng dikit kay Jewel nakakagigil.

"Gusto ko i-drawing mo naman si Darren!" tuwang tuwang sabi ni Jewel kay Brent. Nagdo-drawing kasi si Brent syempre pabida kay Jewel.

"Pffft!" pinigilan ko ang pagtawa ko kahit na gustong gusto ko ng humalakhak.

Hahahaha halatang dismayado si Brent e haha. Hanggang dito ba naman kasi si Darren pa rin ang binabangit.

"Jewel. Pagod na pala ako hehe!" sabi ni Brent sabay bitaw sa lapis na hawak nya saka nagkunwaring humihikab.

If i know na ayaw mo lang talagang i-drawing si Darren. Ayan tuloy parang nalungkot si Jewel haha.

Alam nyo yung feeling na ang sakit? Kasi hanggang ngayon hinahantay ko pa rin yung taong magmamahal sakin yung meant to be ba! Yung ka-forever ko. Yak ang bakla oo sige! Pero lahat naman ata tayo naghahantay ng ganun!

Ang malas ko nga e! Akalain nyo yun...

Yung unang babaeng minahal ko hindi manlang ako nakaamin sa sobrang torpe ko nun kaya in the end? Naunahan ako ng bestfriend kong si Adrian. Edi nganga!

Tapos yung pangalawang babaeng minahal ko nakaamin nga ako, sinagot nga ako pinagpalit naman ako sa iba! Umuwi lang sya ng Pilipinas para sa The Voice-The Voice na yan nakahanap na ng iba. Putspa diba? Ang sakit sa ego ko nun! Okay moveon.

Pero ngayon alam kong mali yung nararamdman ko kaya nga pinipigilan ko e. Ngayon na nga lang ako makakaramdam ulit ng ganito dun pa sa may mahal ng iba!

Take note! hindi basta bastang lalaki yung mahal nya! Na-head over the heels ako men.

Ang sarap siguro sa pakiramdam kapag may "ka-iloveyou" ka, o kaya yung magtatanong sayo kung "kumain ka na ba?" sabay sabing "ingat ka ha!" lalo na kapag may nagsasabi sayong "imissyou" tapos sasabihin mo "imissyoutoo".

Pero sa tulad kong walang Girlfriend o Boyfriend dont lose hope! Pwede namang iloveme, kumain na ba me?, Ingat me ah!, imissme, musta na me, nasan na me, nandito na me, muntanga me. Self support diba?

Kaya kung ako sa iny- "KEVS!!!! ANO BANG PROBLEMA MO?" Bumalik ako sa wisyo ko ng sumigaw na yung pinakamagandang babae sa mga mata ko ngayon.

"Uhm?.... Bakit?"

"Kanina pa kita tinatawag! Ang bingi mo naman! Tara na daw! Iiwan na tayo nila Brent ow!" sabi nya sabay hila na sakin kaya wala na akong nagawa kundi magpahila na lang.

Muntanga me diba?

"Jewel!" tawag ko sa kanya kaya tumingala sya para makita ako.

Naglalakad na kami ngayon dito palabas sa dorm para pumasok sa kanya kanyang klase namin.

Buti na lang magkaklase kami ngayon ni Jewel.

"Bakit?"

"Ahm.... Paano kapag... Umamin sayo si Brent na gusto ka nya?" tanong ko kaya ngumiti sya.

"Edi gusto nya ako hehe problema dun?" sabi nya habang tumatawa. Ang cute talaga nito.

"Anong sasabihin mo?" tanong ko.

Stuck With My Girl (A Darren Espanto Fanfiction)[BOOK 3]Where stories live. Discover now