Chapter 16.

811 60 9
                                    

Jewel's POV.

Grabe! Sobra talaga yung takot ko kanina! Dapat nga hindi ko na itutuloy e kaya lang nalula ako tapos kusa na lang akong bumagsak.

Grabe parang naiwan yung puso ko sa ere kanina.

But HEAVEN pa rin yung pakiramdam ko ngayon kasi napaiyak ko sa saya si Darren haha.

*ting* hudyat ng pagbukas ng elevator kaya agad na akong lumabas.

Sa ngayon ay paakyat na ako sa rooftop para puntahan si Darren birthday boy! HAHAHAHA ^_^

Pagbukas na pagbukas ko ng pinto ay nakita ko kagad si Darren na tumakbo palapit sakin saka nya ako niyakap ng mahigpit.

Haiz! HEAVEN.

Napangiti na lang ako ng maramdaman ko yung pamamasa ng balikat ko dahil sa luha ni Darren.

"Bakit umiiyak ka?" Tanong ko.

"Kasi baliw ka!, Kala ko nakalimutan mo na!, Naiyak ako kasi kala ko matutuluyan ka na!, pero hindi pala, sayang!" Sabi nya at halata sa boses nya na hinang hina sya. Kaya hindi ko na sya binatukan.

Baliw talaga to kahit kelan -_- Gusto nya ba akong mamatay -_-

"Okay ka lang ba?" Nagaalalang tanong ko saka ako humiwalay sa pagkakayakap sa kanya saka ko sya hinarap.

"Hindi. nanghihina yung tuhod ko grabe!" Sabi nya saka nya pinunasan yung luha nya gamit yung braso nya tapos tumawa sya.

Parang bata.

Alam nyo yung muka nya kapag namumugto yung mata nya pero nakangiti sya? Ang cute lang ^_^

Hinawakan ko sya sa bewang nya saka kami naglakad palapit sa family nya.

Yung mga Darrenatics? Kumakain! HAHAHAHAHA :D

"Bro! Sabi ko sayo may regalo ako eh haha!" Salubong samin ni Jk saka sya may inabot na box kay Darren.

Actually sakin galing yan! pinaabot ko lang HAHAHA :D Iba yung regalo ni Jk sa kanya.

Nakita ko namang kinuha yun ni Darren saka ko na sya pinaupo sa tabi ng mommy nya. Ako nakatayo lang sa harap nya.

"Succes ka na naman Jewel hahaha" Sabi ni tita Nel sabay tawa.

Emeged! Close na kami haha. Sa totoo lang matagal na!

"Thankyou po" Nakangiting sabi ko.

"Wala yun!, Basta mapapasaya si Darren okay lang sakin!, saka ikaw? Malakas ka sakin!" Natatawang sabi ni tita Nel.

"Thankyou po talaga tita haha" Sabi ko saka ko na naramdaman na may yumakap sa bewang ko at dun ko nga nakita si Lynelle.

"Anong tita? mommy na lang itawag mo sakin! Hindi ka na iba sa pamilya namin" Nakangiting sabi nya kaya nalungkot naman daw ako dun.

"Bakit ayaw mo ba?" tanong ni tita Nel.

Umiling naman ako ng sunod sunod.

"Pag tinawag ko po kayong mommy edi magiging magkapatid kami ni Darren? Wag na poo!" sabi ko habang tumatalon talon pa.

Ayoko nun -_-

Tumawa naman sila *pout* saka ko na binuhat si Lynelle kahit mabigat -.- Mukang kakatapos lang atang kumain kasi dinidilaan nya pa yung mga daliri nya.

"Thankyou Jewel ha?" Napatingin ako kay Darren ng magsalita sya.

Magsasalita na sana ako pero biglang nagsalita si Jk sa tabi ko.

Stuck With My Girl (A Darren Espanto Fanfiction)[BOOK 3]Onde histórias criam vida. Descubra agora