PROLOGUE

25 9 8
                                        

Teka!” Sigaw ni Xeno sa hindi kalayuan. Hingal na hingal ito nang maabutan ako.

“Oh? Kailangan mo?” tanong ko rito.

Tinignan niya muna ako at ngumiti. “Wala naman, gusto lang kitang makasabay sa pag-uwi,” ani nito.

Tumango-tango lang ako sa sinabi niya at nagsimula na ulit maglakad.

Papalapit na kami ng gate nang marinig namin ang sigawan sa labas.

“Takbo!”
“Tulong!”
“Tulungan niyo ako!”

Iba't ibang sigawan ng mga tao.

Agad naman kaming tumakbo ni Xeno papalapit kung saan nanggagaling ang sigawan at nagulat kami sa aming nakita.

“Pakshet, ano ‘yan?” bulong ni Xeno sa tabi ko.

Nagkalat sa daan ang mga dugo ng tao, iba't ibang uri ng mga putol na katawan, at mga sapot na kung saan-saan nakadikit.

Tinignan ko ang napakalaking gagamba na mayroong kinakain sa ibabaw ng isang kotseng nabangga sa isang poste.

Saan galing ‘yan? Hindi normal ang sukat nito.

Nanigas ang katawan ko nang makita kong nasa direksyon na namin ang tingin ng isang napakalaking gagamba na may kagat-kagat na ulo ng tao.

“Tang*na!” rinig kong mura ni Xeno. Tinignan ko ito at hinablot ang kamay niya.

“Takbo!” sigaw ko at hinila si Xeno palayo roon.

Tumakbo kami papunta sa room namin at nakita ko ang mga kaklase namin doon na nagtatago.

“I-lock niyo ang pinto at ang mga bintana!” utos ng class president namin.

“The time has come,” ani ni Rieyo sa gilid. Tinignan namin siyang lahat at kita sa mukha niya ang pagkatuwa. “Nababasa ko lang ito sa mga libro at napapanood sa mga movie pero nagkatotoo na!” dugtong pa nito.

“Hindi ito ang oras para magsaya ka, nasa bingit tayong lahat ng kamatayan,” saad ni Xianne — class president namin. “We need to plan something, we need to call authorities,” dugtong nito.

“Didn’t you watch the news?” tinignan ulit namin si Rieyo. “Nagkalat na sa buong lugar natin ang mga hayop na pinapatay at kinakain ang mga tao. Tanging ipinayo lamang ng gobyerno ay manatili tayong lahat sa mga pamamahay natin at siguraduhing naka-lock ang lahat ng mga pinto’t bintana. Kahit mga awtoridad ay walang magawa sa kumakalat na virus sa mga hayop,” inayos nito ang salamin at ngumiti.

“What will happen to us? Can we survive?” tanong ng isa naming kaklase.

Tinignan siya ni Rieyo at nginisihan. “We’re all going to die.”

Note:
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are all came from author's imaganation or either used in a fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental.

cookies n cream –

RUN. HIDE. ESCAPE. [ONGOING]Where stories live. Discover now