Pag gising ko ng umaga, wala na siya sa loob ng dorm at wala na rin 'yung mga laundry ko. Hala, baka tinapon niya. Kaya tumayo agad ako para hanapin kung saan niya tinapon.
May curfew sa dorm, 6AM puwede na lumabas at 8PM pinakalast call, hindi ka na makakapasok pagdating ng 8PM. May nagiikot din sa loob, tinitingnan bawat kuwarto; bawal outsider at lalaki dito kaya chine-check nila nang mabuti baka may makalusot. May restroom naman sa loob pero walang kusina para magluto kaya 'yung pagkain sa labas talaga bibilhin.
Dalawa ang higaan kada kuwarto at may maliit na dining. May study table sa bawat gilid ng higaan. May malaking cabinet sa tabi nito.
Bumaba ako kahit nakapantulog pa 'ko, tiningnan ko 'yung basurahan sa baba at sa labas, pero wala 'yung mga damit ko.
"Hoy, anong hinahanap mo?" tanong ni Eunice sa akin.
"Hello, Eunice, 'yung mga damit ko nawawala," sabi ko sa kanya at nag-ikot ulit.
"Anong damit?"
"'Yung ipapa-laundry ko, baka tinapon ni Villanueva," kabado kong sabi kaya hinigit niya 'ko.
"Bakit niya naman itatapon?"
"Kasi galit siya sa akin, gaganti 'yon. Kilala ko 'yon," and she continued walking.
"Ayon siya, oh, 'yon ba 'yung damit mong dala-dala niya?" agad ako napalingon sa tinuro ni Eunice at nagtago kami sa gilid.
"Gagi, bakit niya dala-dala damit ko?"
"Pina-laundry niya, maayos na at nakatupi na," bulong niya sa akin.
"Bakit niya gagawin 'yon? May pinaplano siya," inis na sabi ko.
"Hindi ba puwedeng gusto ka lang niya?" tumingin ako kay Eunice na parang nandidiri. Kaya natawa siya.
"Pupusta ako, babae gusto niyan, sa lakad pa lang, oh," sabay turo niya kay Sam. Binaba ko 'yung kamay niya at umupo kami sa gilid. Kinakabahan ako sa sinasabi niya to be honest, lalo na't nasa isang kuwarto na lang kami ngayon.
"'Wag ka magbiro nang ganyan, maiilang ako sa kanya. Nasa isang dorm lang kami," sabi ko nang kinakabahan at nanlaki mata niya.
"Paano nangyari 'yon?"
"Sabi ko sa 'yo, mag-best friend ang mga Mommy namin,"
"Baka naman gapangin ka niya 'pag natutulog kayo," biro niyang sabi kaya mas lalo akong kinabahan.
"Hoy, tangek, joke lang! Kabado ka masyado! Hindi niya gagawin 'yon unless gusto mo, mukha namang maayos 'yung pag-iisip niya! At matalino siya, 'no."
"Crush mo ba siya?" tanong ko sa kanya.
"Puwede na, pero lalaki kasi hinahanap ko ngayon kaya sa 'yo na lang siya," hinampas ko siya sa balikat niya.
"Palit na lang kaya tayo ng kuwarto," sabi ko sa kanya.
"Ay, hindi, may pumupunta sa kuwarto ko, 'no, baka 'pag siya kasama ko, hindi na makapasok 'yon," nanlaki mata ko sa sinabi niya.
"Puwede ba 'yon?"
"Oo, sabi ko sa 'yo, tuturuan kita, ayaw mo naman,"
"Eh, ayoko ng tungkol sa sex," nahihiya kong sabi kaya natawa siya.
"Mabilis lang makalusot sa mga warden, 'no? 'Pag may gusto ka nang ipasok sa loob, sabihan mo lang ako." Ayan na naman siya. Bakit ba akala niya gusto kong ma-experience 'yung gano'ng bagay? Kahit naman curious ako, ayoko subukan. Nakikinig ako sa mga sinasabi ni Mommy sa akin.
YOU ARE READING
Closer Than I Want
RomanceSamantha Villanueva never understood why their mothers pushed her to be close with A.C. Navarro. As children, they were playmates. Sam, quiet and guarded, and A.C., bubbly and full of color, always dragging her into games she never asked for. Sam th...
