Nandito kami ngayon sa isa sa mga classrooms dito sa Science and Technology Building or we usually call it as ST Building. We are preparing for one of our projects in Arts and Appreciation. Isang buwan narin simula noong hindi na kami pinasukan ni Miss Castro. She let us work on our survey development and this upcoming midterms ay gusto niya may items na kaming nabuo. And yet we are still not there.
"Guys may dalang Calamay si Daniela." Sigaw ng isa kong kaklase. Agad naman kaming lumapit sa lamesa ng mga kaibigan ko habang ang iba ay busy sa paggawaa ng props. Our section was divided into half for our tasks. Ang iba ay sasayaw habang kami naman ay mag-aarrange ng booth namin dahil isasalang kami sa iba't-ibang department. Bukas na ang arts culmination namin kaya kailangan talaga namin mag overtime ngayon.
"Bibili ako ng slice bread para rito." Saad ko at kukuha na sana ako ng pera sa bag ko pero pinigilan nila ako.
"Mayor bumili na si Aljune. Hintayin na lang natin." Ani naman ni Daniela kaya tumango na lang ako at nagpatuloy na sa pag-aayos ng booth namin. Our theme is simple. Province style yung maliit na bahay kubo namin at buti nalang si Remy na kaklase ko rin ay may dalang miniature na bahay kubo para mas lalong gumanda ang design namin. I also made a short poem and posted it near the miniature.
Sandali lang ay dumating na si Aljune na may dalang dalawang slice bread. Pumalakpak naman ako sa saya. Agad ko itong kinuha sa kamay niya at pinalamanan ito.
I gave each and everyone a slice of bread.
"Kumain ka narin, Mayor." Ani nila
"Yes, last nato." I replied and spread the Calamay in the bread before giving it to one of my classmates. Naubos na kasi ang sa kaniya. Nagpalaman narin ako ng para sa akin but I raised my head when I sense that everyone went quiet.
Three professors were standing in front of the room where we are right now. Mukhang kanina pa sila at ngayon lang namin sila napansin. They stared at us and I can really feel that all of us were getting awkward with their stares.
"Good evening po." Bati ko sa kanila dahil madilim narin naman sa labas. Hindi ko na talaga namalayan yung oras.
"Good evening." The chairman of the department replied.
"Kain po tayo." Pag-aalok ko sa kanila sa slice bread na hawak ko ngayon.
"Okay." The other professor nodded while the other two were quiet. Linagay ko naman sa gilid yung hinanda ko para sa akin. I prepared another three breads for them. Nang matapos ko ito ay agad ko naman itong binigay sa kanila.
"Thank you." Maligayang saad ni Miss Stephanie kaya nginitian ko ito.
"Continue your work now, we are just here to check each room in this building." Ani naman ni Chairman. Nagpaalam naman kami sa kanila. Nang mawala sila sa paningin naman ay agad kaming nagkatitigan ng mga kaibigan ko bago natawa.
Morning came and I got up early para tapusin yung ginawa namin kagabi. My friends were busy dahil dancers sila. Ako lang yung hindi sumasayaw sa barkada namin kaya nakatoka ako sa booth. I went to the gymnasium were the events going to be. Nakaset up narin yung mga kaklase ko. They are all wearing earth colors while our dancers are wearing all black with headdress and other stuffs in their body. They look like a black pineapple.
"Okay na ba ang lahat?" Tanong ko habang nilalagay ang prutas na dala ko na ipinuslit ko lang sa bahay.
"Oo si Jonas na lang yung kulang kasi siya yung magdadala ng raspberry." Tumango naman ako at nagsimula ng pagandahin pa yung booth. I look around and a lot of booths were beautiful. Mukha ngang hindi kami makakapasok sa top three. Statistics student lang din naman kasi kami at yung mga kalaban namin ay engineering at graphic designers. Saan kami lulugar nito? We are just doing this for our grades.
YOU ARE READING
Margin of Error
RomanceProfessor Eliza Castro prides herself on precision - in her data, in her lectures, and in her choice of company. So, when her closest friend, the Department Chair, is allegedly defamed online, Eliza has no trouble deciding who's guilty: that outspok...
