Akala Ko Ako

58.2K 1.8K 237
                                    

Mabilis na tumayo si Zion mula sa kinaupuan niya. Ang kaninang nakangiting mga mata ay napalitan ng galit. His jaw were taut. "What the fuck is your problem?"

Luke Dashiel acted like a triggered gun. His offense raised when Zion spoke. Nang makitang susugod siya kay Zion ay nagising ako mula sa pagkakatulala mula sa pangyayari.

"Luke, no!" mabilis na humarang ako kay Zion at sinalubong si Luke Dashiel. Inilapat ko ang dalawang kamay sa dibdib niya.

Sa sobrang galit ni Luke Dashiel ay parang hindi niya ako narinig at nakita. Halos nanginginig siya sa tindi ng emosyon na nararamdaman.

Napaatras ako sa pag-abante niya nang hindi siya mapigilan. Tinawag ko ulit ang buong pangalan niya ngunit hindi pa rin siya tumitigil sa paglalakad habang pilit na pinipigilan ko naman siya.

My heart was racing inside my chest right now. Mahuhuli kami sa ginagawa niya! Kung nanunuod si Mommy at Daddy ay paniguradong nahuli na kami. The only comfort that I have right now is that they haven't come out of the house, which means they aren't aware of what was happening.

Ipinadausdos ko ang kamay ko sa braso ni Luke Dashiel at niyakap iyon para hatakin siya palayo. I'm so scared right now that I'll do everything to get him away from here.

"Luke Dashiel, please. Let's just go. Please, Luke." nanginig ang boses ko sa takot na nararamdaman at mukhang narinig na niya iyon dahil napatingin siya sa akin.

"Alis na tayo, please," malambot na sabi ko at pilit na hinihila siya sa braso. Hinawakan ko ang kamay niya sa brasong yakap-yakap at mariin na pinisil iyon.

Nakakuyom pa rin ang panga ni Luke Dashiel ngunit hindi na siya pumipilit na makalapit kay Zion. Nagawa ko na siyang hilahin. Plano kong sumama sa kanya sa Montero Sport at pumunta kung saan para makausap at kalmahin siya.

"Avis?" Zion asked with confusion in his voice.

Luke Dashiel tensed beside me. I tightened my hold on his hand and hugged his strong arm near my chest. I didn't want to give him a chance to escape.

Nilingon ko si Zion habang patuloy na hinahatak si Luke Dashiel patungo sa sasakyan niya na hindi maayos na nakahinto sa gitna ng kalsada.

"I'm sorry, Zion. Just please text my sister, ask Savion for her number, pakisabi na sumama ako sayo. Please."

Hindi ko na hinintay pa na sumagot siya sa akin. Inabot ko ang pinto at binuksan iyon. Pinapasok ko si Luke Dashiel sa passenger seat. Isinara ko ang pinto at mabilis na umikot sa driver's seat.

My hands were shaking as I tucked in my seat belt. I wasn't sure if it was from too much adrenaline or because I was terrified of being caught.

Isang silip lang sa amin mula sa bintana ay makikita na agad ang lahat ng nangyayari. They would see Luke Dashiel's car, they would see us leaving together. Gusto ko nang makaalis mula dito.

Walang imik si Luke Dashiel sa upuan habang ako naman ay may kaba pa rin na nararamdaman. Damn it.

Kahit anong pilit ko ay wala akong maisip na ibang puntahan. Unang pumasok sa utak ko ay ang malapit na open field dito na puwedeng paglaruan ng soccer at may oval.

I parked the car somewhere. Bukas ang nga ilaw sa field at may ilang naglalaro pa doon. Hindi ko pinatay ang makina ng sasakyan. Binitawan ko ang steering wheel at hinayaan ang nanginginig na mga kamay sa ibabaw ng dalawang hits.

Isinandal ko ang likod ng ulo sa upuan at mariin na pumikit. My body was warm from too much adrenaline. I breathed in deep and long. Iminulat ko ang nga mata at hirap na tiningnan siya. "Anong ginagawa mo doon, Luke?"

Denying Affinity (Affinity #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon