Chapter 39: Her Other Side

Magsimula sa umpisa
                                    

--

"Mga bwiset talaga yung mga yun! Ang sabi ko 7 dapat nandito na! Alas-otso na! Punyeta!"

Gigil na gigil si June at gusto ng manghampas ng kahit na sino sa sobrang inis. Lumapit sa kanya ang treasurer ng student council pero hindi naman siya mahawakan sa sobrang takot. "Sec. kalma.. baka ano.. traffic. ganun." lalo namang uminit ang ulo niya sa narinig. "Ganun? ganun!? Kilala ko ang mga 'yon at baka nakahilata pa sa higaan ang mga 'yon!" nakakaimbiyerna talaga! Hindi pa sinasagot ng mga gaga ang tawag niya! Kahit naman kasi traffic ay sasagot ang mga 'yon kaya mas kumbinsido siyang baka tulog pa ang mga ito.

"Arghh!" sinipa niya yung isang steel chair saka nagmartsa palabas SC room. Wala na siyang pakialam sa mga matang nakatutok sa kanya dahil sa suot niyang maid costume para sa maid café ng student council. Hinakot niya yung tatlong gaga para hindi siya mag-isa sa kamiserablehan ng araw na 'to. Ang kaso nga lang ay mukhang in-indian naman siya!

Pakaunti na ng pakaunti yung mga tao sa dinaraanan niyang hallway. Mabuti nalang at nakasalubong niya si Kate na naka-costume na. "Hoy babae! Dumiretso ka na sa SC room! Dalian mo!" sabi niya saka mabilis itong nilagpasan "Saan ka pupunta??" agad na tanong nito sa kanya na sinagot naman niya ng gasgas na linyang: "Sa impiyerno! Sasama ka?" pero isang bulong sa hangin ang hindi alam kung papaanong nakaabot sa mga tenga niya.

Mabilis siyang lumingon pero wala na si Kate sa kinatatayuan nito kanina. Nawala agad? Well, she's a runner. Baka nga nagmamadali ng pumunta sa SC room 'yon.

Nagpaikot-ikot siya kung saan-saan para mahanap yung dalawa kaso wala talaga. At naiihi na siya! Peste! Lagot talaga ang dalawang yun sa kanya pag nakita niya. Lumiko na siya papunta sa ladies room. Walang mga tao at nagpapakabusy pa sa paghahanda ng mga kanya-kanyang booth. Nyeta. High school lang ang peg. Naiirita siya sa mga ganitong gathering na paulit-ulit na pinaranas sa kanila mula high school hanggang ngayon! Nakakainis lang na mukhang siya lang ang may ganitong problema sa kanilang lahat! Hindi ba nila alam na nakakasawa at nakakabwisit na!? Ewan din ba niya kung bakit siya naiinis eh-

SHIT!!

--

"Twelve"

Nakaka-labindalawang kalabit na ng gatilyo si Grey at pang-dose na rin yung lalaking bumagsak. Hinila niya yun papunta sa medyo tagong lugar para hindi makita ng mga ordinaryong sibilyan. Kinakabahan siya sa hindi niya malaman na dahilan. Usually kapag ganitong alam naman nilang may kalaban ay chill lang siya.

Pero iba ngayon. At alam niyang hindi sa dami, strategy o galing ng kalaban siya kinakabahan. "May mangyayari dude" rinig niyang sabi ni Zach sa gilid niya habang lumilinga-linga sa napakaraming tao. "Tingin ko nga" alam niyang hindi lang siya ang nakakaramdam 'non. Lahat sila. Sila kasi yung mga tipong instinct ang laging pinapagana at kapag sinabi niyang lahat, their boss is included on the list. Nakakapagtaka lang na wala pang sini-signal ito ngayon.

Nahanap na kaya niya si Miss Kate?

--

"Hi! Hihi you're so pogi naman kuya~ anong name mo?"

Married to a Mafia Boss - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon