Naghanap na ako ng mauupuan pagkapasok ko sa restaurant, imbis na pang isang tao lang ang mesang hinahanap ko ay wala akong choice kundi umupo sa pang apat na tao na mesa dahil wala ng ibang available chairs.

Tinignan ko ang menu na nasa mesa, masarap naman lahat pero gusto ko yung chicken tereyaki nila, masarap kasi tignan.

I raised my hand para magtawag ng mag-aassist sa order ko, buti nalang at attentive ang mga staff dito.

"Isang chicken tereyaki." ngiting sabi ko sa staff na kumuha sa order ko.

"Ano po yung drinks niyo Ma'am? available po yung cucumber drink at soft drinks namin." saad ng staff.

"Yung cucumber drink nalang." tugon ko.

"Anything else Ma'am?" tanong nitong muli pagkatapos ilista ang order ko.

"Wala na, thank you." saad ko, ngumiti lamang siya at pumasok na sa kusina.

Prente lamang akong nakaupo at naghihintay sa order ko ng makita ko si Nicholas at Kairo na pumasok sa restaurant.

Tangina, malas!

Dali-dali kung tinakpan ang sarili gamit ang menu na nasa table nung nakita kung tumingin sa gawi ko si Alvarez.

Rinig na rinig ko ang papalapit na mga yapak nila sa pwesto ko.

Tangina!

"Oy Ms. Top 2, nagkita ulit tayo."  hanggang kailan ba ako tatawagin ng Alvarez nato sa endearment na yan.

I put down the menu at awkward na tumingin sa kanila, Alvarez had his jolly smile as always, meanwhile ang kasama niya ay seryusong nakatingin sa akin na tila binabasa ang buong pagkatao ko.

"Oo nga e, nagkita ulit tayo." I said with an awkward smile plastered in my face.

"Mag-isa ka lang ba?" tanong pa ni Alvarez at tumingin sa kabuuan ng restaurant, tila may hinahanap.

Pusta ako, yung pinsan ko ang hinahanap ng lalaking ito.

"Wala ka nama sigurong nakikita na kasama ko na hindi ko nakikita diba? so yes, I'm alone." pilosopong sagot ko sa kaniya na ikinakamot niya sa kaniyang ulo.

"Edi tamang tama, wala ng available na table maliban sa pwesto nato, makikiupo nalang kami Ms. Top 2 ha." saad ni Alvarez at hinila ang kasama niya para maupo sa harapan ko.

Ang galing talaga, napaka-swerte ko naman talaga sa mundong to.

They already ordered there food, unang dumating ang order kung pagkain kaya kahit na nahihiya sana akong kumain sa harapan nila ay wala na akong choice lalo pa at may duty pa ako.

Dedma muna sa kahihiyan.

"May boyfriend ka ba Ms. Top 2?" muntik na akong mabilaukan dahil sa biglaang tanong ni Alvarez sa akin.

Kinuha ko ang cucumber drink ko at uminom doon, mamatay pa ako dahil sa nabilaukan lang ang saklap naman yata non para sa isang doctor.

"Bakit mo natanong?" tagpong kilay na tumingin ako sa kaniya.

"Kasi yang binili mong cap, panglalaki yan e." sagot niya na nakatingin sa binili kung cap kanina.

Paano niya naman nalaman na cap ang binili ko e hindi naman nakikita, ang paper bag lang naman na may logo ng store ang kita e.

"How did you know it's a cap?" kunot noong tanong ko, nagdududa ako sa lalaking to e.

"Hula ko lang, halata naman kasi sa lalagyan e, at isa pa ang logo ng store ng paper bag na binilhan mo ay panglalaki lang ang mga benta." ngiting sagot nito at tumingin sa katabi niya na tahimik pa rin.

Wala ba siyang planong magsalita? ang strikto niya kaya tignan sa poker face niya.

Hindi na lamang ako nagsalita at pinagpatuloy ang pagkain.

"Para kay Engr. Garcia ba yan?" napaubo ako dahil sa tanong ni Alvarez.

Plano niya ata akong patayin dahil sa mga tanong niya e, at bakit ba napasok sa usapan ang engineer na yon.

"Hindi no, bakit ko naman yon bibigyan." para namang defensive ako.

"Kung hindi para kay Engr. Garcia..." saad nito at tila nag-iisip. "Edi para yan sa kaibigan ko! Engineer din naman kasi to." tinuro pa niya si Nicholas, gulat akong napatingin sa katabi niya na ngayon ay tila may pinipigilang ngiti.

Tangina mo Alvarez!

"Favorite store pa naman yan ni Nicholas, siguro para talaga yan sa kaibigan ko no, Ms. Top 2?" dugtong na tanong pa ni Alvarez, he even wiggled his eyebrows.

Tangina e hindi ko nga alam na gusto niya pala yung store na yon, at hind ko rin balak alamin.

"Don't be shy, buong puso ko namang tatanggapin ang ibibigay mo." wow nagsalita siya, pero assuming rin ang lalaking to.

"Bakit ko naman ibibigay sayo yan? asa ka." malditang wika ko sa kaniya.

"Kasi pogi ako, at may feelings ka pa sa akin." pang-aasar na sagot nito kaya napa-ismid ako.

"Your really too full of yourself, Engineer." may diing saad ko, mapakla akong tumawa.

"I am only stating facts, Doctor." saad naman nito pabalik at tinapatan ang titig ko.

Hindi ko talaga kaya na makipagtitigan sa kaniya, weakness ko yata yon.

Tumayo ako at naglakad paalis sa restaurant, buti na lang talaga at tapos na akong kumain at baka mamatay na ako sa kahihiyan at inis sa harap ng magkaibigan na yon.

Wala talagang pagkikita namin na hindi ako makaramdam ng inis e.

Tangina talaga ng lalaking yon.

The Calculus of Connection (Acad. Rival Series #1)Where stories live. Discover now