Chapter 15

3 1 0
                                        

#CHAPTER—FIFTEEN


Pinaglalaruan ba talaga ako ng tadhana?

I shrugged my thoughts away, kanina ko pa iniisip ang sinabi niya simula nung umalis siya, iniwan ba naman akong nakatulala sa opisina ko dahil tumawag si Blair at may emergency kuno.

Che!

"Gumaganon sa akin pero go pa rin kay Blair, ibang klase ka din talaga Nicholas." inis kung saad, napunit pa ang papel sa mesa ko dahil sa pagtusok ko ng ballpen dito dahil sa inis.

Ginagago niya talaga ako e.

"Hintayin mo ang bagsik ng paghihiganti ko." parang baliw na wika ko mag-isa, akala mo naman talaga may igaganti.

Buti na lang at wala akong pasyente baka masabihan pa ako na baliw kung sakali man.

"Sino ba kasi yang fiancé na sinasabi mo?" kunot-noong tanong ko sa pinsan na nakaupo sa visitors chair sa office ko.

Bigla na lang talagang sumusulpot ang babae na ito sa workplace ko akala mo talaga hindi busy sa company nila e.

"Basta, basta nakakainis siya." usal nito.

She was ranting about sa fiancé niya na hindi ko naman kilala, parang inis na inis talaga siya habang nag k-kwento.

"Bakit ka ba kasi pumayag sa arrange marriage na yan?" tagpong kilay na tanong ko sakaniya.

"Para kay daddy, alam mo naman ang situation, ayaw ko lang na biguin si Dad." sagot nito sa akin.

"Kaya kahit na ayaw mo naman talaga ay papayag ka?" tanong ko ulit sa kaniya.

She didn't answer my last question, she remained silent at para bang may malalim na iniisip.

"There are maybe's Eli, baka sakaling matutunan ko siyang mahalin..." malumanay na wika nito at binigyan ako ng tipid na ngiti.

Parang may sinabi pa siyang iba pero hindi ko narinig dahil bulong lamang iyon at hindi na rin ako nagtanong pa tungkol doon.

Hindi naman kasi ako maka relate sa mga dinaranas niya, pero ang masasabi ko ay ang tapang ni Hailee na harapin ang mga dagok na dumating sa kaniyang buhay.

Sabay na kaming lumabas ng hospital ni Hailee, napagdesisyonan ko rin kasing pumunta sa pinapagawa kung bahay para tignan iyon since wala naman akong gagawin at medyo maaga pa naman bago mag gabi.

Mula sa pinarkingan ko ng aking kotse ay rinig na rinig ko ang mga martilyo at pagmamasa.

"Naku Ma'am, wala po si engineer dito ngayon, ang alam ko po ay sinamahan niya si Architect Blair sa pupuntahan nito." sabi ni Manong Denver nang makita ako sa site, ang head construction worker sa pinapagawa kung bahay.

Nakilala ko si Manong Denver noong sinama ako ni Nicholas dito noon dahil sa importante daw kuno pero wala naman pala.

Kaya pala wala dito dahil naka focus sa babaeng yon, ibang klase.

"Hindi po siya ang pinunta ko dito, gusto ko lang makita ang pinapagawa ko." wika ko, awkward ang ngiti na iginawad ko kay Manong Denver.

"Kung ganon ay ako nalang po ang sasama sa inyo na ikutin ang kabuuan ng site." ngiting wika ni Manong Denver na siyang sinuklian ko naman ng isang tango at masuyong ngiti.

Binigyan niya ako ng hard hat na tinanggap ko naman para maging safe kuno kahit anong mangyari.

Nasa may likurang bahagi na kami ng bahay kung saan ang veranda na siyang kaharap ng dagat nang ipinatawag si Manong Denver ng assistant engineer kuno nila kaya naman naiwan ako mag-isa.

The Calculus of Connection (Acad. Rival Series #1)Where stories live. Discover now