Chapter 2

7 1 0
                                        

#CHAPTER—TWO


"Parang mababaliw ako!" malakas at pasigaw na usal ni Hailee.

Kakatapos lang ng quiz namin sa calculus at lahat sila parang pinagbagsakan ng langit at lupa.

"Tumigil ka nga sa pag-d-drama mo, Hailee, perfect pa rin naman ang makukuha mong score." sabat ni Kalix, isang kaklase namin na pakiwari ko'y may gusto sa pinsan ko.

"Wala akong pake sayo, kaya tumahimik ka Kalix." malditang sabi niya sa lalaki.

"Mas lalo namang wala akong pake sayo demonyeta." malakas na bawi ni Kalix na ikinainis ni lalo ni Hailee dahilan para sugurin niya si Kalix, mabilis namang nakatakbo ang lalaki palabas ng room.

Napapa-iling nalang ako sa kanilang dalawa, nasanay naman na ako sa dalawang yon.

"Nakakainis!" galit na sigaw ni Hailee at pasalampak na umupong muli sa kaniyang silya.

Simula nung naging interaction namin kahapon ni Fulgencio at Alvarez sa labas ng room ay hindi ko pa sila nakikita sa araw nato.

Hindi ko alam kung bakit hinahanap ko si Fulgencio mula sa kinauupuan ko.

Tangina, ano bang nangyayari sa akin!

"Sino hinahanap mo?" nagulat ako sa biglang pagbulong ni Hailee sa akin kaya umayos ako ng upo.

"Wala naman akong hinahanap." pabalang na sagot ko sakaniya.

"Ah, wala nga, kaya pala nagiging giraffe kana dahil sa pagtaas ng leeg mo." makabuluhan akong tinignan ni Hailee na binalewala ko nalang. "In the midst of the crowd, I don't see nobody but you atake mo diyan sis." siniko pa niya talaga ako.

Nandito kaming lahat sa covered court ng school dahil may announcement daw, biglaan rin lang sinabi sa amin.

"Good afternoon, fellow teachers, staffs, and students." panimulang bati ni Ma'am Gorvachin, ang assistant principal ng school. "We summoned you all in here to announce something regarding about your first quarter examination, the schedule of your exam has been change and your exam will be earlier compared to the previous school year." rinig kung may mga nag complain na students about sa sinabi ni Ma'am Gorvachin. "I know this might come as a surprise to you all but we had made this decision because it might have a conflict with the schedule of an upcoming program after the first quarter examination, the rest of the announcement will be announced by your respective class advisors, again, good afternoon." she ended.

"Hindi ako makapaniwala na mas mapapadali ang kamatayan ko." natatawa ako dahil sa sinabi ng isa kung kaklase, sigurado akong tungkol yun sa exam.

Nakabalik na kami sa room matapos ang announcement tungkol sa pag r-re-sched ng exam.

I didn't also notice him earlier sa covered court, absent ba siya? grabe naman kung ganon bago pa nga lang siya dito.

Napagdesisyunan kung pumunta sa may forest type vibe ng school para magpahangin wala rin naman kaming teacher, malapit yun sa building ng junior high, may bench din kaya walang magiging problema.

I was silently reading my notes ng pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin kaya inilibot ko ang paningin sa paligid, there I saw him sa hindi kalayuan at nakatingin rin ng direkta sa akin, may mga kasama rin siya purong mga lalaki, one of them is Alvarez, so I assumed mga kaklase niya lahat ng kasama niya.

The Calculus of Connection (Acad. Rival Series #1)Where stories live. Discover now