"Busy ako Eli, I'm sorry." saad ni Hailee sa kabilang linya.

"Okay lang, sige bye ingat." saad ko bago binaba ang tawag.

I'm at the mall since afternoon pa naman ako pupunta sa hospital for my duty, hindi ko rin alam kung bakit ako nagpunta dito e, tinawagan ko sana si Hailee para may kasama ako pero busy daw kasi siya kaya hindi ko na pinilit.

"Mukhang mag-isa ka na naman ngayon Adelaide." bulong ko sa sarili at napabuga ng marahas na hangin bago naglakad para umikot sa mall.

Bakit ba kasi ako pumunta dito sa mall e wala naman akong naiisip na bibilhin, nagsasayang lang talaga ako ng gas.

"Good morning Ma'am, naghahanap po ba kayo ng regalo para sa boyfriend niyo?" napatingin tuloy ako sa sales lady ng pinasukan kung store dahil sa sinabi niya.

Mukha ba akong may boyfriend?

Tinignan ko ang kabuuan ng store na napasukan, tangina nga naman puro panlalaki ang nandito kaya naman pala akala ni ate ay bibilhan ko ang boyfriend ko.

"Ah...ano...Miss, may mga cap po ba kayo dito?" tanong ko sa sales lady.

"Yes Ma'am, this way." ngiting nauna siya sa paglalakad para iguide ako.

Hindi ko nga rin alam kung bakit ako naghanap ng cap e, nakakahiya naman kasing pumasok sa store nila tapos lumabas ng walang binili parang nakiki-aircon lang.

"Ito Ma'am, maganda po yan sigurado akong magugustuhan yan ng boyfriend niyo." wika ng sales lady at ibinigay sa akin ang isang navy blue cap na may minimalist design sa gitna.

Simple pero sophisticated naman tignan ng cap, pero kanino ko naman kasi ibibigay to?

"Magkano to Miss?" tanong ko sa kaniya habang ang tingin ay nasa hawak na cap.

"499 lang yan Ma'am." ngiting sagot niya.

Tangina, napalunok ako sa presyo ng sombrerong to, hindi pa talaga ginawang 500 at sinuklian pa ng piso.

"Sige Miss, kunin ko nato." saad ko at pumunta sa counter ng store.

Reflect with your actions talaga ang peg ko nito, tangina pahamak naman ang cap nato edi sana binili ko nalang ng pagkain yung 500 pesos ko.

"Thank Ma'am, come again." ngiting wika sa akin ng nagsisilbing guard ng store paglabas ko.

Tahimik ako na naglalakad sa loob ng mall habang nakatingin sa supot ng binili kung cap, ang lala naman kasi hindi ko naman magagamit to lalo pa at panlalaki.

"Kung mag jowa nalang kaya ako para may pagbigyan ako nito?" parang tangang wika ko sa sarili at niyakap ang binili.

Gusto ko nalang kutusan ang sarili ko dahil sa pabigla-biglang decision ko e.

Pumasok ako sa isa sa mga japanese restaurant na nasa loob ng mall, it's almost lunch time kaya mas mabuti nang kumain ako dito kaysa naman sa cafeteria pa ako ng hospital kumain at makita yung gurang na Doctor na yon.


The Calculus of Connection (Acad. Rival Series #1)Where stories live. Discover now