"I won't dare, nakikita ko namang busy ka." tugon ko at tinapunan pa ng tingin si Blair na nasa tabi niya at na tahimik lang na nakatingin sa akin ngunit may nakakainis na ngiti sa kaniyang labi.

Natahimik siya dahil sa sinabi ko, I know that he knows what I mean, hindi naman siya slow para hindi ma gets ang ibig kung sabihin.

"Kung wala kanang sasabihin, excuse me, I'll get going." saad ko at tinignan silang dalawa bago sila nilampasan.

Nakakainis talaga silang makita dalawa, edi kayo na ang bagay!

Inis na pumasok ako sa kotse at pasalampak na umupo sa driver's seat.

"Tangina!" inis na asik ko sa loob ng kotse at pinukpok ang manubela.

Kung maka akto siya para namang wala yung babaeng yun sa tabi niya, anong klaseng trip ba ang gusto niya laruin? kainis!

"Oh, bakit nakabusangot ang maganda kung anak?" lumapit si Mama sa akin nang pasalampak akong umupo sa sofa.

"Maaa...nakakainis kasi!" parang batang pagmamaktol ko.

"Bakit ano ba ang nangyari?" kuryusong tanong ni Mama at umupo sa tabi ko.

"Kasi ang lalaking yun nakakainis, kung umakto akala mo naman may nararamdaman pa para sa akin e sa tingin ko naman ay pinaglalaruan niya lang ako." sumbong ko kay mama at humiga sa hita niya para gawing unan.

"Yang lalaki ba na sinasabi mo ay si Nicholas hmm?" wika nito, my mother even wiggled her eyebrows.

"Tama ka Ma, tumpak!" tumatangong tugon ko.

Rinig na rinig ko pagpipigil ni Mama ng tawa, ang weird wala naman kasi akong matandaan na sinabi kung nakakatawa.

"Bakit ka tumatawa Ma?" kunot noong tanong ko sa ina.

"Wala naman, pansin ko lang na tama nga ang sabi ng Papa mo." mahinang saad nito na tumatawa pa rin.

Sinabi ni Papa? wala naman akong matandaan na may sinabi si Papa? o baka sila lang ang nag-usap patungkol don.

"Ano bang sabi ni Papa?" kuryusong tumingin ako sa ina.

"Sabi niya 'ramdam ko na mahal pa rin ng anak natin ang lalaking yon' sa tingin ko hindi naman mali ang Papa mo." ngayon ay nakakaasar na ang ngiting nakaplaka sa kaniyang labi.

"Mali kayo, hindi ko na siya mahal." depensa ko sa sarili at tumayo mula sa pagkakahiga sa sofa.

"Anak ka namin, alam na alam naming ang mga akto mo." napapa-iling na saad pa ni Mama.

"Hindi ko na siya mahal Ma, pasok na ako sa kwarto matutulog po ako." sabi ko sa ina, hindi ko na hinintay pa ang sasabihin ni Mama at dali-daling pumasok sa aking kwarto.

Hanggang kailan ko ba idedeny na may nararamdaman pa ako sa kaniya, pero hindi kasi p-pwede may Blair siya na akala ko ay wala na, chaka talaga e.

"Nakakainis naman!" naipukpok ko sa sariling ulo ang hawak na suklay dahil sa inis.

Bakit ba biglang dumating yang Blair na yan sa buhay ko ulit, okay na sana yung si Nicholas tapos ngayon dumating pa ulit ang babaeng yon ang saklap talaga ng buhay ko.

The Calculus of Connection (Acad. Rival Series #1)Where stories live. Discover now