Pumunta ako sa cottage na sinabi niya, there are many blueprints in the table parang ito ang nagsisilbing opisina nila dito.

I was silently watching the waves of the sea, mesmerize by it's beauty lalo pa sa sunset at moon na tila nagtatagpo ang anino sa dagat.

"I already told the workers about the food, nagpapahinga na rin sila habang naghihintay." sabi niya sa akin pagdating niya sa cottage.

"Thank you." wika ko at ginawaran siya ng isang ngiti.

Tumabi siya sa akin at tumingin rin sa dagat na nasa harapan namin, parehos kaming tahimik habang pinagmamasdan ang kumikinang na karagatan sa aming harapan.

Sabay kaming napalingon sa humahangos na si Manong Denver na tila tumakbo papunta sa may cottage.

"Ma'am Adelaide, dumating na po yung order niyong pagkain." hinihingal nitong saad, humawak din siya sa kahoy na pundasyon ng cottage para kumuha ng lakas.

Kumuha ako ng tubig mula sa despenser na nakita ko sa loob ng cottage at binigyan si Manong Denver.

"Salamat po, pero huwag po kayong tumakbo sa susunod." ngiting saad ko sa kaniya na sinuklian niya lang din ng isang ngiti.

"Na excite lang po Ma'am." kitang-kita ko ang kislap sa mga mata ni Manong Denver, my heart melt lalo pa at parang ramdam na ramdam ko ang pagod niya.

Sabay kaming tatlo ni Engr. Garcia na pinuntahan ang delivery na order ko, sila na rin ang nagdala sa mga pagkain para sa mga workers.

"Thank you Ma'am." sambit ng isang worker sa akin.

"Ang bait niyo po Ma'am, salamat po." segunda naman ng isa.

"Maganda na nga, mabait pa, swerte naman nang mapapangasawa mo Ma'am." malalaking ngiti na saad ni Manong Denver sa akin na tinawanan ko na lamang.

Nang makitang nabigyan na ng pagkain ang lahat ng mga trabahador ay kumuha ako ng dalawa doon at ibinigay kay Engr. Garcia ang isa.

"Thank you." kita ko pa na nagulat siya sa pagbigay ko.

"Wag mo sanang bigyan ng ibang meaning yan, it's my way of saying thanks." sambit ko sa kaniya.

"Hindi naman ako assuming no, at alam ko namang may namamagitan sa inyo ni Fulgencio." tumatawag wika niya, nainis ako dahil sinambit niya ang apelyido ng lalaking yon.

Sabay kaming kumain sa loob ng cottage ngunit walang nagsasalita sa amin, we were just silently eating our food.

Matapos naming kumain ay napagdesisyonan kung umuwi na, ginabi na rin ako sa site at natapos ko na rin namang ikutin ang kabuuan niyon.

He insisted on walking me out hanggang sa pinarkingan ko sa aking kotse pero napatigil rin kami sa paglalakad lalo pa at nakatagpo namin sina Nicholas at Blair na papasok sa site at nakahawak pa talaga ang babae sa braso niya, ang sweet naman.

Hindi man lang ako pinauwi bago sila pumunta dito, pero hindi rin naman nila alam, malala pa dahil nasa entrance pa kami sa site na nagmumukhang gate.

The Calculus of Connection (Acad. Rival Series #1)Where stories live. Discover now