CHAPTER 68 : COLLIDE

Start from the beginning
                                    

"Gusto ko lang makabawi." Sagot ko paglipas ng ilang segundo.

Mailap pa rin siya sa akin pero sa paglipas ng ilang linggo, nagagawa ko na lumapit nang lumapit. Nahahawakan ko na ang kamay niya. Hindi na kasing higpit ng dati ang pagkakahawak niya sa kamay ko at madalas ay nararamdaman kong ayaw niya hawakan 'yon pabalik. Pero pinipilit ko higpitan ang hawak ko sa kanya para hindi siya bumitaw.

That scene perfectly describes our current status. Parang gano'n ang relasyon namin. May pagkakataong ramdam na ramdam kong gusto na niya bumitaw pero pinipilit ko pa rin kumapit. Lumalaban pa rin ako kahit minsan ay pakiramdam ko, salita na lang ang kulang para tuluyan kaming magkahiwalay.

"Nakahanap na ako ng work. Malapit lang sa school mo." Nakangiti kong sabi sa kanya.

Tinapunan niya lang ako nang tingin at saka siya tumango. Wala siyang sinabi.

Parang malulusaw na ang ngiti ko pero pinanatili ko 'yon. Ayos lang. Okay lang ako sa ganito. Basta kasama ko siya, okay lang. Kahit malamig. Kahit hindi na siya ngungiti pabalik. Kahit hindi na siya makatingin sa akin. Ayos lang. Ayos lang. Kaya ko pa.

Nagtrabaho ako bilang tutor sa isang tutorial center na para sa mga grades schooler. Hindi sapat 'yon kaya nag-part time rin ako sa isang maliit na kompanya bilang clerk. Hindi ko na inisip kung gaano kahirap ang trabaho. Ang gusto ko lang ay magtagal pa rito nang may pantustos ako sa sarili ko. Hindi ko kayang umasa sa ibang tao. Lalong-lalo na sa mga Marval.

Rhea is still clueless, pero may pakiramdam akong alam ni Kuya Rex ang tungkol ro'n.

"Nagtatrabaho ka na?" Maingat niyang tanong.

Tumango ako. "Wala naman akong ginagawa. Baka next year pa ako umuwi sa Pilipinas."

Tinitigan niya ako nang matagal. "Ba't ka nagtitiis rito? Hindi ka nakaranas ng ganyang trabaho-"

Pinutol ko kaagad ang anumang sasabihin niya. "Tutor ang pinasok kong trabaho. Education ang course ko kaya hindi naman mahirap. Background ko na rin 'to pag nakabalik na ako sa Pilipinas."

Napailing siya. "I know you're better than that. Sigurado akong hindi 'yan ang gustong trabaho ni Tito para sa'yo."

Ngumiti na lang ako ng mapait. Alam ko 'yon. Mataas ang pangarap sa akin ni Dad. Kung ginusto ko lang na pasukin ang business noon pa man, hindi ako kukuha ng educ. Pero nandito na ako. Wala nang urungan 'to.

"By the way," Tumikhim si Kuya Rex nang hindi na ako umimik. "Mukhang maayos naman na kayo ni Rhea. Magkasama na ulit kayo. Pwede mo naman siyang iwan muna at bumalik ka ng Pilipinas. Pwede ka pa naman siguro humabol sa second sem. Sayang naman kung hihinto ka ng buong taon. Graduating ka pa naman."

Minsan na ring sumagi sa isip ko 'yan pero hindi ko masyadong pinagtuunan ng pansin. Nanghihinayang rin naman ako pero alam kong masmalaki ang panghihinayangan ko kung aalis ako rito sa New Zealand.

Hindi ko masisi ang kuya niya kung inakala nitong okay na kami kahit ang totoo ay hindi naman talaga. Oo, nagkakasama na ulit kami. Hinahayaan niya na ulit akong sumunod-sunod at sumama sa kanya pero hanggang do'n lang. Madalang niya akong kausapin. I'm trying to communicate with her but she's not in the mood. Kadalasan ay ako na lang ang titigil sa pagkwento pag nakikita kong hindi siya interesadong makinig.

Naging busy ako sa trabaho pero tinitiyak kong makakauwi ako bago pa makauwi si Rhea sa apartment niya. While Rhea got so busy with her studies. May mga pagkakataong ginagabi siya ng uwi. Nagtitiis ako ng lamig sa tapat ng apartment niya habang namamatay sa pag-aalala. Hindi niya sinasagot ang mga text at tawag ko kaya hanggang hintay na lang ako.

Napapatayo agad ako kapag nakikita ko siyang paparating at maraming dalang gamit. Kadalasan ay natitigilan siya pag nakikita niya ako. Kukunin ko ang ilan sa bitbit niyang gamit. Hindi na siya nagrereklamo. Pinipigilan ko naman ang sarili ko na magalit. Mas lalo lang kaming hindi magkakaintindihan pag kinwestyon ko ang pag-uwi niya.

Stuck At The 9th StepWhere stories live. Discover now