CHAPTER 19 : MEET AGAIN

28.9K 1.1K 952
                                    

#SAT9S



DEDICATED TO : ALEXA CHANCE



CHAPTER 19 : MEET AGAIN


Isang taon. Isang taon kong hindi nakita si Ren pagtapos no'n. Nawala siyang parang bula bagama't nagawa pa niyang makapagpaalam sa iba, sa akin ay hindi na. Hindi ko alam kung anong klaseng pagpapaalam ang nangyari sa pagitan niya at mga players pero nalaman ko na lang na tuluyan na siyang nawala sa team. Opisyal na in-announce ni Coach ang pag-alis niya ngunit wala itong binanggit na rason.


"It's for his own good, I guess. Kung tungkol sa injury niya sa balikat, kailangan nating intindihin at irespeto 'yon." Paliwanag ni Coach.


Ngunit parang pantakip lang ang rason na 'yon. Alam ko ang extent ng injury ni Ren. It will eventually heal at hindi 'yon tatagal ng isang taon. Ngunit tila bumenta sa karamihan ang rason na 'yon. Bumenta sa lahat maliban sa akin.


Isang linggo ang lumipas magmula nung umalis siya, narinig ko ang pag-uusap usap ng mga players at ang komento ng mga ito sa pag-alis ni Ren.


"Sayang pero gano'n naman talaga. Baka magpapa-opera pa 'yon kaya gano'n." Sabi ni Marco. "Magaling si Ren at gumagaling ang buong team pag maganda ang laro niya kaya talagang nakapanghihinayang."


"We didn't even see him. Nagtext lang. Ayon lang." Naiiling na sabi ni Nathaniel na parang naghahanap pa ng masmalalim na rason ngunit hindi 'yon isinasatinig.


"Hayaan niyo na. Magpapakita rin 'yon kung gusto niya." Singit ni Trav habang nagdidribble ng bola.


"Baka may problema lang na personal?" Umupo si Orly si bench at kumuha ng bottled water.


"May problema man siya o wala, personal man o hindi, hindi dapat nakadepende ang buong team sa kanya. Nakaya na nating manalo ng wala siya. Nakapanghihinayang? Oo, pero hindi natin dapat indahin ang pagkawala niya. We have few games left and we should stand as a team even without him."


Pagtapos sabihin 'yon ni Kenedic ay nag-shoot siya sa three point area at walang kahirap-hirap na pumasok 'yon sa net. May parte ng utak ko na gustong magprotesta sa kanyang binitiwang mga salita pero napagtanto kong tama ang punto niya. Hindi dapat indahin ng buong team ang pagkawala ni Ren.


Pero ako, hindi ko pinahalata sa lahat na ininda ko 'yon. Ininda ko dahil alam kong may kinalaman ako sa biglaan niyang pag-alis. Ininda ko dahil baka 'yon ang naging hakbang niya para lumayo sa akin. Ininda ko dahil ako lang ang nakaaalam ng totoong rason at natakot na naman akong mag-open up sa iba. Ininda ko dahil kahit pinaalam niya sa akin ang gusto niyang mangyari, parang biglaan pa rin ang dating sa akin.


Napailing na lang ako sa takbo ng pangyayari. Parang panaginip na naging isang bangungot. Nang magising ako ay parang gusto ko pang itanong sa aking sarili kung totoo ba ang mga nangyari. Totoo bang may Ren Delgado na dumating sa buhay ko?


Napangiti na lang ako ng mapait. May mga tao sigurong gano'n. Magiging importante ng ilang araw ngunit sa huli ay mawawalang parang bula ng walang paa-paalam. Ang biglaan niyang pagkawala ay nakatatabang sa damdamin ko. Ayoko siya hanapin ngunit may mga pagkakataong pumapasok siya sa isip ko at napapapikit na lang ako ng mariin.

Stuck At The 9th StepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon