TCTS Chapter 4

2.8K 36 18
                                    

"THE CONFESSION"

"At gusto kitang ligawan."

Natulala si Mika sa sinabing yun ni Jeron. Para siyang mahihilo na parang hindi. Ang bilis-bilis ng tibok ng puso niya. Parang di gumagana ng matino ang isip niya.

Mika: Pwede ba, wag kang nagbibiro. (pinilit niyang kumalma lang)

Jeron: I'm not joking, seryoso ako Ye. I know what I feel for you. I'm sure about it. I love you and I mean that.

Hindi na alam ni Mika kung ano ang sasabihin, kaya tinulak niya si Jeron palayo.

Mika: No, you're not. Ihatid mo na ko.  

Jeron: No. I need to talk to you now. (tinitigan niya si Mika sa mata at nagpatuloy sa pagsasabi ng nararamdaman)

Jeron: That day na kinausap kita sa cafeteria at tinarayan mo lang ako, yun ang unang araw na humanga na ako sayo. Ikaw palang ang unang babaeng nakagawa nun sakin. Hindi ko na maalala kung kailan kita sinumulang mahalin, di ko na yun namalayan. Niyanig mo ang mundo ko, binuhay mo ko. Nahukay mo ang pinakailalim ng puso ko. Napapangiti mo ko. Hinahanap-hanap ko kapag wala ka sa tabi ko. (ang mukha niya ay puno ng pagsusumamo, sincere na sincere ito)

Hindi maintindihan ni Mika kung bakit nasasabi ni Jeron ang ganun. Bakit niya sisirain ang magandang pagkakaibigan nila? Now she hated him for making her feel so confused all of a sudden.

Mika: Just take me home now! (pagalit na utos niya) 

Jeron: Liligawan kita. I'll make you love me. Maghihintay ako kahit gano katagal. Patutunayan ko sayo na kaya kong magmahal ng totoo. Just please give me a chance, Ye?

Di na nakapigil si Mika, kaya tumalikod nalang siya at naglakad palayo. Mas mabuting umalis na lang siya dahil sobrang naguguluhan na siya sa mga nangyayari. She now hated him. A lot.

Naiwan namang mag-isang nakatayo sa daan si Jeron. Nakayuko ito at halatang labis na nalulungkot. What happened to his supposed perfect-birthday night? Sigh.

Pagdating ni Mika sa kanila ay agad siyang pumasok sa kwarto niya at di na lumabas. Di rin siya naghapunan ng gabing yun. Nag-alala naman ang mga magulang niya kaya pinuntahan siya ng mga ito.

(Knock knock)

Mika: Tuloy. (sabi niya habang nakahiga)

Nang makita niya ang kanyang mga magulang na papasok ay umayos siya ng upo.

Mika: Oh? Ma? Pa? Bakit po?  

Mom: Ok ka lang ba Ye? Bumaba ka na at kumain ng hapunan.  

Mika: Amm.. sige mamaya po.  

Dad: So, how's Jeron's party?

Not good. Yun sana ang gusto niyang sabihin pero ayaw niya naman na may maisip pa ang mga magulang niya kaya nasabi nalang niyang..

Mika: Ok naman po. Marami siyang naging pasabog. (ngumiti ng hilaw)

Parang may meaning ang sinabi niyang yun. Nagkatinginan naman ang mga magulang niya. Anak nila si Mika, kaya malalaman nila kung may iniisip ito o wala. Lumabas na ang papa ni Mika at hinayaang mag-usap silang mag-ina.

Mom: Maraming pasabog? So, naging masaya ka ba dun anak? (umupo ito katabi ni Mika) 

Mika: Ah.. oo naman po. (pagsisinungaling niya)

Parang gusto niyang sabihin sa mama niya ang ginawang pagtatapat ni Jeron. Kaya, nagtanong muna siya.

Mika: Ma, ano pong tingin niyo kay Jeron?  

The Charmer & The Sweetheart (A JeMik Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon