"Hindi ka talaga titigil 'no?" natatawa kong sabi. Nakakainis! Kanina pa siya nagpaparinig sakin. Tingin niya ba wala akong tenga?
"Natamaan ka ba?" nakangisi nitong sabi. Lumapit ako dito kaya napaaatras ito.
"Hindi, nakakairita ka lang. Araw-araw na akong nagtitimpi sa'yo, alam mo ba yun?" nakita ko naman ang pagdaan ng takot sa mata nito. Sus! magaling lang naman sa salita eh.
"I don't care! palibhasa ampon kalang! Hindi ka mahal ng parents mo. If I know na mas gusto nila si ate Thalie compared sayo! You're just like a trash! Look at yourself, may gana kapang magkagusto sa senior natin? Ang kapal ng mukha mo!" aambahan ko na sana siya ng suntok pero narinig ko ang sigaw ng isa sa mga teachers dito.
"Miss Elowen! What are you doing?!" sigaw nito sakin sabay hawi ng kamay ko.
"Ma'am, hindi ko naman po itutuloy. Nauna po siya!" naiinis kong sabi.
"Go now to guidance office!" turo pa nito sa akin. Ako na naman? Hindi niya ba narinig yung mga pinagsasabi sakin nito ni Angelica? "What now Ms. Seravelle? We'll talk to your parents!"
Tinignan ko naman ang mga tao sa cafeteria at nakaramdam ako ng onting hiya. Wala manlang gustong may magtanggol sakin? Nakakainis! Isa pa tong Angelica na 'to, demonyo naman ang ugali!
I sighed and walked slowly. Nakakapikon kasi na lagi nalang akong sinasabihang ampon. Hindi ako ampon no! mas gusto lang talaga nila si ate..
"Good morning po," bati ko roon sa teacher na nasa office.
"Oh? Ms. Seravelle? Andito ka na naman? Nung isang araw lang dinala ka rito ah?" natatawa nitong sabi. Sumimangot nalang ako.
"Can you not call my parents po? My ate nalang po, Ma'am." pakiusap ko dito. Kakagaling lang kasi ni mommy dito nung nakaraan dahil may nasuntok akong lalaki. Nabastusan kasi ako sa bunganga niya. Tama bang isexualize ako eh grade 10 palang ako no! Hindi porket hindi ako mukang bata e pagsasalitaan niya ako ng ganoon!
"Okay. Let's wait to your sister." tumango nalang ako nilabas ang phone ko. Probably ay maggrounded na naman ako if malalaman 'to nila dad and mom.
After thirty minutes ay dumating na si ate. Nakita ko kaagad ang galit sa mata nito kaya yumuko ako. Andito narin ang nakakitang teacher sakin kanina pero wala dito si Angelica. Tsk.
"Ano na naman 'to Elowen?" nakangiti ngunit alam kong nagtitimpi lamang ito.
"Ate, I swear! hindi ako nauna. Bibili lang naman sana ako ng snack eh,"apila ko.
"Okay, Ms. Thalie and Elowen. We would like to inform you if Ms. Elowen have another case, she will be suspended for weeks or expell, depends on school's decision." sabi ni Ma'am Lara. Suspend at expell agad? Hindi ba nila itatanong kung anong nangyari?
"What expulsion? Ma'am! hindi ho ako ang nauna! Angelica was bullying me! I endured it for days na! She keeps on saying na ampon ako! At tsaka hindi ko naman po talaga siya susuntukin!" angil ko dahil totoo naman!
"Shut up, Elowen." sabi sakin ni ate. Inis ko naman siyang binalingan. "Well, I hope you will giver her a chance, Ma'am. My dad wants her to graduate here, kahit hindi na po college, hanggang senior year nalang po siya mag stay." Nakangiti pa nitong sabi.
What? Is she real? Talaga bang ipagpipilitan niyang ako ang may kasalanan?
"We will talk about that, Ms. Thalie. You can get Ms. Elowen for now. Sana ay mapagsabihan siya sa bahay. Our school doesn't tolerate physical abuse." nakangiti nitong sabi.
Wow! Just wow? How about sa mga nag sesexual abuse, okay lang?
"We will, Ma'am. Thank you for today," sabi nito. "Let's go, Elowen!" sabay hila nito sa akin.
Paglabas namin ng office ay dinakdakan niya na naman ako.
"My god, Elowen! Kelan kaba titino for god's sake! dalaga ka na and can you please stop abusing others?!" kinakaladkad niya ako palabas at ang daming tumitingin sa amin. "Nakaistorbo pa ako ng tao para mapuntahan ka! We were doing a study group then suddenly urgent ako pinapapunta eh I don't have a car right now! Hinatid lang ako ni Manong kanina!"
"Ate, I told you! hindi nga ako ang may kasalanan! Hindi ako pumapatol basta-basta!" sigaw ko rin dito.
"What? Sumasagot ka pa talaga!" napabuntong hininga nalang ako. Kakaiba rin mag-isip. Kapatid niya ba talaga ako? baka sa susunod niyan ay akalain ko ng ampon ako.
Hindi ko nalang siya sinagot. Kinuha niya ang phone niya at may tinawagan siya.
"Hello, Alejandro? Yeah, we're here now. Alright, thank you."
"Sino ba ang inistorbo mo pa, ate?" nakangiwi kong sabi. Pinandilatan niya naman ako ng mata.
"Can you just be thankful kasi ihahatid pa niya tayo sa bahay?" naiinis niyang sabi.
"I'm just asking!"
"There he is," sabi nito kaya tumingin narin ako sa tinitignan niya. "Please, behave." banta pa nito sa akin.
Wow, ganda ng sasakyan ah? pogi din ba ang may ari? Natawa ako ron sa naisip ko.
"Here!" kumakaway pa na sabi ni ate. As if hindi kami mapapansin dito? Eh kami lang naman ang tao dito.
Tumigil ang sasakyan sa tapat namin at lumabas na ang lalaki.
He's wearing a simple shirt--a white shirt and brown faded pants. He has a long hair, thick eyebrows, good jaws--it is like a perfect jaw, wow! Moreno siya at mukhang tipo ng karamihan but not me. I prefer softer looks.
I stared at his eyes. It's too cold. Napansin niya ata yun kaya napatingin din siya sakin. Para akong napaso sa tingin na iyon kahit malamig ang tingin niya. Iniwas ko na lamang ang tingin ko at hinanap ang earphone ko.
"Thank you so much, Alejandro. Pasaway kasi talaga ang batang 'to." napangiwi naman ako ng marinig ko si ate.
"It's okay. Hop in." Pinagbuksan niya ng pinto si ate. How about me? Tsk as if kilala niya naman ako.
Hindi ko nalang sila pinansin at binuksan na ang sasakyan. Umupo ako sa right side at nagpatugtog nalang.
"I'm really sorry for the inconvenience, Alejandro. Bawi nalang ako." mahinhin na sabi ni ate.
Yuck! crush niya ba ito? kaklase niya ata ito dahil sabi niya kanina ay may study group sila. So bale engineering din siya? Wait, ano bang pake ko?
"It's fine," sabi nito sa mababang tono.
Nilakasan ko nalang ang volume sa phone ko at tumingin sa bintana. Nag-uusap lang din naman sila tungkol sa program nila.
Totoo pala na minsan kapag malungkot ka parang nasa music video ka. Lalo na kapag nasa sasakyan at may earphone! Pero mas dama nga raw if nasa bus ka.
Ay baliw.
Baliw na nga ata ako. I feel so lonely kahit nasa bahay. Wala akong makausap except sa bestfriend kong nasa ibang bansa na gabi ko lang din nakakausap.
Sometimes I feel like I am really the ampon. I have awards like ate, I also excel in academic but why do I feel like it's not enough for them to have their attention?
Kapag may mali ako, ayun ang una nilang mapupuna. But, what about the good things I've done? parang bula lang sa kanila.
I wish to be like her--my ate. She's like a star and I hope I'll become one too.
KAMU SEDANG MEMBACA
Under a Star-Studded Sky
RomansaOn going:) Elowen Seiri Seravelle Alejandro Zayven Guellos
