"I'm your husband, baby." mapanglarong saad nito habang may munting ngisi sa mga labi nito, dinilaan pa nito ang namumulang pulang labi nito na ikinairap ko.

"You're so annoying, moron!" asik ko dito at pilit ba kumawala pero wala talagang epikto ang paggalaw ko dahil ni hindi man lang lumuwag ang pagka yakap nito sa'kin.

"Let's go to your room, we will pack your things. Lead the way, wife." Napahinga naman ako ng maluwag nang pakawalan ba nito ang pagkayakap sa'kin.

"Rhod, ano ba?!" Singhal ko dahil pinulupot na naman nito ang nga braso niya sa bewang ko animoy tatakbo ako kapag hindi niya ako hahawakan.

"What?" Napairap ako at naglakad kahit na nakayapos parin ang braso nito sa bewang ko, dumikit ata ang kamay ng lalaking to sa bewang ko eh. Nanananching na'to.

Nakasalubong ko si manang Iya at ngumiti lang ito nang makita kami ni Rhod, hindi ko magawang ngumiti dito dahil naiirita ako sa lalaking nasa gilid ko.

Binuksang ko ang kulay puting pintuan ng kwarto ko at pumasok sa loob habang naka dikit parin ito sa'kin. Parang linta!

"Rhod, bitawan mo'ko." I heard him sighed before letting go of my waist. Buti naman.

Naglakad ako patungo sa kama ko at sumunod naman siya, nilingon ko ito at nakatingin na pala ito sa'kin. Tinaasan ko ito ng kilay at palihim na minumura ito.

"Umupo ka sa kama ko at wag kang hahawak ng anumang bagay ko." ani ko habang naka pamewang sa harapan nito, para akong isang magulang na pinagsasabihan ang anak nito. May munting nguso pa ito na akala mo naman ikina cute niya. Gwapo lang siya no, hindi cute.

"wag kang pasaway." huling sabi ko dito at tinalikuran ito.

Binuksan ko ang kulay puting closet ko at tiningnan ang mga damit ko na nakasabit sa loob. Akmang isasara kona ulit sana ito dahil natauhan ako na bakit naman ako sasama sa kanya? kakakilala kolang sa kanya eh, kaso biglang tumunog ang cellphone ko na nasa loob ng bulsa ng dress ko.

Si mommy pala ang nag text.

'Pack your things, honey. Magsasama kayo sa iisang bahay ng asawa mo.'

Napanguso ako at nag reply nalang ng okay saka ko ibinalik ulit ang cellphone ko sa bulsa ng dress ko at hindi tinuloy ang pag sasara ng closet ko dahil kukuha na'ko ng damit na dadalhin sa kung saan bahay man ako mapadpad.

Kumuha ako ng limang pantulog na damit, tatlong dress at mga jeans at saka t-shirt, dinala ko iyon sa kama kung saan nakaupo si Rhod at nagmamasid sa'kin? Inilagay ko ito sa ibabaw ng kama at kinuha ko ang isang may kalakihang pink na malita ko.

Nakangusong inilalagay ko sa malita ko ang mga damit ko na hindi mabuti ang pagkatupi, eh sa hindi ako marunong mag tupi ng damit, kakalat kalat tuloy ang pagka ayus nito sa loob.

"Di man lang makipag cooperate sa'kin." mahinang usal ko sa sarili dahil naiirata na'ko.

Naiinis kong inilapag ulit ang mga damit ko at napag isipan na tawagin nalang si manang Iya, ipapaayus ko nalang sa kanya hindi naman ako marunong eh.

"where are you going?" baritonong boses na tanong ni Rhod nang makitang tumayo ako.

"sa baba, tatawagin kolang si manang Iya. Makikisuyo ako." Mabilis na ani ko dito at naglakad na pero hindi pa'ko nakaka abot sa pintuan ng magsalita ito na ikinahinto ko.

"ako na." nagtatakang nilingon ko ito at tiningnan ng nagtatanong. Anong siya na?

"what?"

"ako na ang mag aayus." mahinang ani nito na ikinalaglag ng panga ko, marunong siya?

Losing Game ( End Of The Game Series 1)Where stories live. Discover now