P R O L O G U E

16.3K 409 51
                                    

P R O L O G U E


"Sign here," nakangiting sabi sa akin ng dalaga at itinuro nito kung saan ako pipirma.Mabilis kong pinasadahan ang tingin ang papel na nakalatag sa lamesa. Napalunok ako ng mariin at dahan-dahan na kinuha ang panulat sa tabi nito. Agad kong pinirmahan sa ibabaw ng aking pangalan ang papel at iniabot ito sa kanya.

"Okay Mr. Purge, you're now qualified to enter the House of Hunks. Next week, you can move there for the starting of new season." dagdag pa nito.

I gave her a genuine smile. Tumayo naman siya at ako rin. Inabot ko ang aking kamay upang makipagkamay sa kanya. Mas lalong lumawak ang aking ngiti ng maramdaman ko ang malambot niyang kamay. Isang napakagandang dilag ang nasa harapan ko.

"Thank you Miss Head Coordinator." simpleng sagot ko.

Tumalikod na ako at lumabas ng office niya. Talagang gumuguhit ang ngiti sa aking mga labi. Ito ang mag aahon sa akin sa hirap. Ito ang magbibigay sakin ng malaking pera upang mapagamot ko na si nanay, at mapag-aral ko ang aking nakababatang kapatid na ngayong mag-kolehiyo na.

I would sell my soul for them.

Handa akong isakripisyo ang lahat para sa kanila.

Tiningan ko ulit ang mga palatuntunin ng House of Hunks. Nakasulat ito sa wikang Filipino dahil ang House of Hunks ay para sa mga lalaking Pilipino lamang.

MGA PALATUNTUNIN SA LOOB AT LABAS NG BAHAY

1. Mananatili ka sa loob ng bahay ng tatlong buwan, ayon sa kontrata.

2. Hindi maaaring lumabas ng bahay kapag "curfew hours". 

3. Hindi maaaring umalis ng bahay kapag wala namang gagawin sa labas. Kung kinakailangan, maaaring pumunta sa "office ni Head Coordinator" upang makapagpaalam at makakuha ng permit at saka ito ipakita sa "guard house" upang makalabas. 

4. Tanging sa ekwelahan lamang ang pupwedeng puntahan. 

5. Hindi maaaring magdala ng kasintahan, kapamilya, kaibigan o ng kahit sino sa loob at labas ng bahay.6. Hindi maaaring ipaalam sa kahit sino kung nasaan ang adres ng bahay.

Binuklat ko ang second page at binasa ang mga benefits na makukuha habang nasa loob ako ng House of Hunks.

MGA BENEPISYO NA MAKUKUHA

1. Pagkatapos na pagkatapos ng kontrata, ang bawat isa ay makakakuha ng isang milyon, "scholoarship" sa unibersidad na kasalukuyang pinapasukan, bahay at lupa para sa inyong pamilya at isang "condominium unit" na nakapangalan sa magiging miyembro.

2. Maaari rin na mag-"access" ang mga manonood sa inyong sariling "bank account" gamit ang sariling "account number" kung sakaling sila'y nasiyahan sa inyong "performance" sa loob.

3. Libre ang lahat kapag naging miyembro ka ng House of Hunks ("allowance", pagkain, mga damit, at iba pa.)

4. Maaaring gawin ang anumang ang nais na gawin sa loob ng bahay. Ang hindi lamang pinahihintulatan dito ay ang pakikipag-away. 

5. Magkakaroon ng mga panibagong kaibigan.

6. Maaaring magkaroon din ng ibang benepisyo. Sa loob ng bahay na lamang iyon malalaman.Ngumiti ako at binasa ko ang huling pahina.

MGA KLAPIKASYON UPANG MAKAPASOK SA HOUSE OF HUNKS

1. Tanging mga kalalakihan lamang ang maaaring makapumasok. 

2. Gwapo at mayroong magandang pangangatawan.

3. Matangkad at balingkinitan. 

4. Kasalukuyang nag aaral sa kolehiyo.

5. Makinis ang balat at maganda ang mga ngipin.

6. At panghuli, magaling sumayaw at malambot ang katawan.


Ladga,

WALLACE A. PURGE

8/31/20**


Inayos ko na ulit ang mga papeles na hawak hawak ko at umayos ng tayo. Natakpan naman ng aking bangs ang kaliwang mata ko kaya mabilis kong hinawi ko ito patalikod.

I smiled, an evil one.

I will do anything to impress the viewers.

I will do anything for the sake of my family needs.

I will do anything to achieve my goals and dreams.

Starting next week, my quite life is going to change now. Wala nang atrasan 'to. House of Hunks, here I am.




- To be continued


#HouseOfHunks


Please follow me in Twitter: @chakeXCX

Please like me in Facebook: Bluewee Stories

Please check out my other stories here in Wattpad: Bluewee




House of HunksWhere stories live. Discover now