Akala ko absent siya kasi hindi ko naman siya napansin kanina sa covered court o baka nanatili siya sa room nila.

Lumingon si Alvarez sa kinaroroonan ko kaya napa-iwas ako ng tingin sa kanila at kunwaring binabasa ang dinalang notes.

Sht!

"Ms, Top 1!" rinig kung sigaw, boses iyon ni Alvarez.

Tangina talaga nito ni Alvarez!

Tumingin ako sa kinaroroonan nila at pansin kung silang lahat na ang nakatingin sa akin, including their other classmates.

Hindi ko alam kung visible ba mula sa kinaroroonan nila na tumaas ang kilay ko.

"Ms. Top 1, kamusta daw sabi ng isa kung kasama!" sigaw ulit ni Alvarez at kumaway pa talaga siya sa akin, mula sa kinatatayuan nila ay sapat lang na marinig ko ang kantyawan ng iba pang kaklase nila kay Nicholas dahil sa sinabi ni Alvarez.

Ako ang nahihiya sa ginagawa niya! Feeling close talaga ang hinayupak.

I look at him but he was in his usual aura, nakatingin lang ito sa akin at walang makikitang emosyon sa kaniyang mukha.

Nang-ga-gago yata to si Alvarez e! halata namang walang pake sa akin ang lalaking sinasabi niya.

"Hoy Ms. Top 1 ang snob mo naman bagay talaga kayo ng isang kasama ko." nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Alvarez sa harapan ko.

Paanong nandito to, e kanina lang ay malayo layo naman ang kinaroroonan nila sa tinatambayan ko, ni hindi ko nga napansin na nakalapit na pala siya sa pwesto ko!

"Pinagsasasabi mo?" kunot-noong tanong ko sakaniya.

"Tignan mo." tinuro niya ang parte kung saan siya kanina, nakatingin pa rin ang mga lalaking kasama niya sa akin, ngunit ang mga mata ko ay nakay Fulgencio lamang. "Diba, anong masasabi mo?" tanong pa nito.

"Tungkol saan? ang nakikita ko lang naman diyan ay grupo ng kalalakihan na nag-aasaran." kibit balikat na sagot ko at tinignan siya.

"Ang slow mo naman o siguro ang manhid mo kung ganon." umiiling na saad niya na ikinakunot ng noo ko.

Pinagsasasabi nito? Ano bang sinasabi niyang slow at manhid ako? hindi ba pwedeng hindi ko lang gets yung mga sinasabi niya.

"Saan ka galing?" usisa ni Hailee sa akin ng makabalik ako sa room.

"Nagpahangin." maikling sagot ko.

"Hindi mo man lang ako sinama ah." nagtatampo ang tuno nito.

"Sorry, sa susunod sasabihan kita." pampalubag loob ko sakaniya na dahilan upang mas lalo siyang ma-inis.

"Ewan ko sayo!" pasalampak siyang umupo na tinawanan ko naman.

Nakatingin ako sa kalangitan mula sa bintana ng room, uulan pa yata, wala pa naman akong dalang payong.

"Class dismissed." sambit ng last sub teacher namin.

Dismissal na kaya mabilis akong nagligpit ng gamit bago pa man bumuhos ang nagbabadyang luha ng kalangitan, ma stuck pa ako sa waiting shed dahil walang masakyan, nakakapagod pa naman maghintay, syempre ng masasakyan.

The Calculus of Connection (Acad. Rival Series #1)Where stories live. Discover now