Meet Celeste Artemis Willow
Sa ilalim ng punit-punit na langit ng siyudad, kung saan ang bawat anino ay may sariling kwento ng paghihirap, naroon si Celeste Artemis Willow. Twenty-one years old. Sa tangkad niyang 5'6", madalas siyang napapansin, pero ang totoong bigat ng buhay niya ay mas malalim pa sa kanyang figure. Ang pangalan niya, parang hango sa mga tala at buwan tunog maharlika, puno ng pangarap. Pero ang totoo? Maaga siyang namulat sa kahirapan.
Hindi siya nakapag-kolehiyo pagkatapos ng Senior High School, dahil mas pinili niyang magtrabaho agad para matulungan ang pamilya. Ngayon, makikita mo siya sa isang fast-food restaurant sa Cavite, kumikilos nang mabilis at may ngiti, kahit pagod. Ang kanyang ina, si Elena Willow, ay isang labandera at maybahay. Ang kanyang nakababatang kapatid na babae, si Sophia, 14 years old na, at si Leo, 8 years old na ngayon at sya ang nagpapaaral sa mga kapatid nya ngayon, gusto nyang makapagtapos ito hanggang kolehiyo. Mayroon ding ama si Celeste, si Mateo "Matty" Willow, na ang pinagkakakitaan ay isang lihim na walang nakakaalam, kahit ang sarili niyang pamilya. Isang sikreto na kasing itim ng tattered skies na bumabalot sa kanilang buhay isang Drug dealer.
Sa kabila ng lahat ng hirap, napakaganda ni Celeste, at higit sa lahat, napakatalino. Hindi lang dahil sa likas niyang pag-iisip, kundi dahil sa pinakaimportanteng libangan niya: ang pagbabasa ng mga libro. Doon niya nahahanap ang mundo na hindi niya kayang abutin. Doon, siya ang nagdidikta ng kanyang kapalaran.
Pero sa kabila ng lahat ng libro na kanyang nabasa, may kwento kaya na makakapagbago sa lahat ng kanyang nakasanayan? May libro kaya na hindi niya pa nababasa na magbubukas ng isang pahina na mag-uugnay sa kanya sa isang buhay na hindi niya kailanman inakala? At paano kung ang librong iyon ay isang taong may sekretong mas malaki pa sa lihim ng kanyang sariling pamilya?
YOU ARE READING
BENEATH THE TATTERED SKIES
RomanceSa ilalim ng laging kulimlim "Beneath the Tattered Skies," nabubuhay si Celeste Artemis Willow isang babaeng ang pangalan ay buwan at bituin, pero ang realidad ay puno ng pait. Sa bawat araw na lumilipas, may pag-asa pa kaya sa gitna ng kanyang ka...
