"Take care, Avis. Don't be a stranger." nagtaas siya ng kilay sa akin at tipid na ngumiti ako bago naglakad palayo mula sa kanya.

Habang pababa ng bleachers ay hindi ko mapigilan ang sarili na mapatingin sa field. Hinanap ng mga mata ko si Luke Dashiel at nakita siya na may malaking ngiti sa mukha. Lumipat ang tingin niya sa bleachers at pinasadahan iyon ng tingin na parang may hinahanap. Unti-unting lumiit ang ngiti niya at napakagat sa labi. May tumapik na isang player sa likod niya at mukhang may sinabi. Tumango si Luke Dashiel bago sumabay sa pagtakbo.

I know he's looking for me. Hindi niya alam kung nakarating ako pero may tiwala pa rin siya na pumunta ako kaya hinahanap niya ako sa crowd. It disheartened me. I wish I could stay. Pupwede naman ako manatili basta hindi ako makikita ni Tita Nova, but I'm scared right now that I don't want to risk it. At kung mananatili mana ko dito ay baka hindi ko makuhang makisabay sa saya ng mga tao. My mind is stuck with what Tita Nova said.

"Luke Dashiel dating an older girl when he was in second year made a mark in my mind. I'm just worried that he's in the same situation again. It's not ideal to me. I won't approve."

Alam ko na ganito ang iisipin niya. Kahit na sino naman ay mapapangiwi talaga sa idea na iyon. Even those who thinks it's okay will frown upon it at first. Hindi magandang tingnan ang pagkaroon ng relasyon sa lalaking mas bata sa iyo.

Kahit kailan ay hindi ako nagkaroon ng paki sa mga sinasabi ng ibang tao, pero ibang usapan na ang opinyon ni Tita Nova. She's Luke Dashiel's mother. I know Luke Dashiel respects and loves her. His mother's opinion would matter to him. To us.

Nagkulong ako sa kwarto buong maghapon. Bumaba lang ako para kumain ng dinner. Thankful ako at wala si Les. Ang sabi ni Mommy ay nag sleep over daw sa bahay ni Dee. Kung nandito ang kapatid ko ay baka tanungin niya pa ako kung nanuod ako ng soccer game kanina. Paniguradong kukulitin ako 'nun kung nagkataon.

My mom confirmed the dinner with my alleged boyfriend tomorrow night and I simply said that he's going to be there. Naging masaya si Mommy dahil doon. Si Daddy naman ay walang reaksyon. I excused myself when I finished eating and went back to my room.

Pagkapasok ko pa lang ay tumutunog na ang phone ko. Umikot ang tyan ko dahil alam ko na agad kung sino ang tumawag. May ilang texts na siya kanina sa akin pero hindi ko nagawang sagutin iyon. I just couldn't. Sinubukan ko naman pero sa tuwing tatangkain ko nang pumindot para makapagreply kay Luke Dashiel ay pumapasok sa utak ko ang tanong ni Tita Nova.

"How about you, Avis? Can you even imagine being in a relationship with a younger guy?"

I wish it was easy. Sana ay madali lang sumagot ng oo na walang magagalit. Na walang gulong mangyayari kapag inamin ko ang totoo. It would raise hell once Tita Nova finds out. Alam kong hindi niya iyon basta-basta papalampasin. She would tell my parents. My dad... He'd go banshee.

This is why I don't hope for more. Sa una pa lang ay marami ng hadlang at imposible na, paano pa kaya sa huli? Would it be worth the risk? Is it worth hurting my family? Paano kung isang araw maisip na lang niya na hindi pala talaga malalim ang nararamdaman niya para sa akin? Na meron pa lang iba na nakalaan para sa amin? Na ipinagtagpo lang kami pero hindi talaga kami ang para sa isa't isa?

Nang matapos ang tawag ay tumunog ang phone ko para sa isang panibagong text mula kay Luke Dashiel. Tumama ang mga mata ko sa phone na nakapatong sa ibabaw ng bedside table ko. Hindi rin ako nakatiis at kinuha iyon para basahin.

Luke Dashiel:
Avis, I'm getting worried. Pasagot ng text, please?

I should reply. Ayaw ko dumating sa point na maisipan niyang pumunta dito para lang makasigurado kung okay na ako. Gising pa si Mommy at Daddy. It's too risky for him to come here. Huminga ako ng malalim nang makabuo ng desisyon.

Me:
Sorry, Luke Dashiel. I don't feel well. Bukas na lang tayo mag-usap?

Halatang hinihintay ni Luke Dashiel ang text o tawag mula sa akin dahil agad siyang nakasagot sa naging text ko. Humiga ako sa kama at matapos ay binuksan ang message para basahin.

Luke Dashiel:
Are you sick? Kaya ba hindi ka pumunta sa soccer game ko? I wanna see you. Can I come?

He sounded frustrated. Napapikit ako. My heart is burning in my chest. Hindi ko talaga alam kung paano ako niya nagagawang tunawin nang ganito. Halos magdugo na ang labi ko sa ginagawa kong pagkagat. Damn it. Now I wanna see him too.

Me:
No. Alam mo namang hindi pwede diba? I'm just really tired kaya matutulog na ako. Goodnight, Luke Dashiel.

Luke Dashiel:
Alright. Bukas na lang. Goodnight. I love you.

Hindi ako agad nakatulog pagkatapos ng text na iyon. Hindi na ako sumagot dahil baka humaba pa ang pag-uusap namin kung sasagot pa ako. At ano naman ang isasagot ko sa huling text niya? Mas mabuti na lang na isipin niya na tulog na ako.

My morning started with Luke Dashiel's good morning text. Sinagot ko ang text niya ng simpleng good morning. Tinatanong rin niya kung pupwede ba kaming magsabay ngayong vacant. I didn't want to reply because I feel guilty but I know I'd feel guiltier if I don't. Ayaw kong sabihin sa kanya ang tungkol sa dinner dahil ayaw ko rin naman na mag-alala pa siya.

Me:
I still don't feel good kaya hindi ako papasok ngayon.

Ibinaba ko ang phone sa gilid ng kama at ipinikit ang mga mata. Simula nang gumising ako ay hindi pa ako bumabangon. Nakasanayan na ng body block ko na gumising ng maaga kaya kahit na hindi ako papasok ay nagising pa rin ako ng ganitong oras

Nagsimulang tumunog ang phone ko. Walang reply na naging sagot si Luke Dashiel sa text ko kaya alam kong siya itong tumatawag ngayon. Ginapang ko ang kamay sa kama at inangat ang phone para sagutin ang tawag.

"Masama pa rin pakiramdam mo? Uminom ka na ba ng gamot?" rinig ko ang pag-alala sa boses ni Luke Dashiel.

Malungkot na napangiti ako. "Hello and good morning to you too."

"Avis..." bahagyang iritado ang boses niya.

"This is nothing, Luke Dashiel. Gusto ko lang magpahinga ngayon." maamo na sagotkm ko. Sana ay sapat na ang malambing kong boses para hindi na siya mag-alala pa.

"I don't like this. Gusto kitang puntahan. I want to make sure you're okay and take care of you if you're not." rinig na rinig ko ang frustration mula sa boses niya. Mariin na ipinikit ko ang mga mata ko. I want him here too. Kung pwede lang sana. Alam kong imposible iyon kaya kailangan kong tanggapin na hindi lahat ng gusto ko ay puwede kong makuha.

"How was your game yesterday? Nanalo ba kayo? Sorry kung hindi ako nakapunta sa first game mo." malumanay na sabi ko.

"I don't care about the damn game. Gusto kitang makita!" bahagyang tumaas na ang boses niya at napasinghap naman ako. Hindi ko nagawang sumagot. Napabuntong hininga si Luke Dashiel. "I'm sorry for that, but I just really, really miss you."

"I miss you too. So much." pabulong na sabi ko. Narinig iyon ni Luke Dashiel kaya napasinghap siya.

"I want to kiss you right now, Avis." namamaos ang boses ni Luke Dashiel mula sa kabilang linya. It was very sexy. Napadilat ang mga mata ko at napakagat sa labi.

"I want to kiss you too. And more." malambing na sagot ko.

Biglang humalakhak si Luke Dashiel. Kahit ang tawa niya ay may pagkapaos at sexy din. Damn. This kid. He's got a huge effect on me and he doesn't even know it.

"You're shocking me with the words that are coming out of your lips right now, Avis."

Napanguso ako. "Is that bad?"

"No." rinig ko ang pagngiti niya mula sa kabilang linya. "You make me so happy."

Denying Affinity (Affinity #1)Where stories live. Discover now