"Ano na naman 'tong kalat na 'to, Penelope?"
Galit ang tinig ni Papa nang makauwi siya. Akala ko mamaya pa siya makakauwi dahil maaga pa.
"Ginagawa ko lang assignment ko, Pa. Lilinisin ko din mamaya," maikling paliwanag ko, hindi siya nililingon at patuloy lang sa paggunting ng colored paper na hawak ko.
Natigilan lang ako nang may marinig na pagkabasag mula sa kusina. Dali-dali akong tumakbo papunta roon.
"Walang kanin?! Hindi ka nagsaing? Tangina! Penelope, ano bang ginagawa mo buong araw at itong simpleng gawain hindi mo nagawa?!" sigaw niya habang nanggagalaiti sa galit. My lips quivered at the sight.
Hindi ako nakasagot sa kaniya.
"Alam mo kung bakit tayo iniwan ng Mama mo?! Alam mo ba?!" he roared. "Tangina naman! Penelope, ang tanda-tanda mo na!"
"H-hindi ko naman alam na uuwi ka, Pa. . ." mahinang sagot ko kahit nanginginig na. "Magsasa—"
"Huwag na! Magmukmok ka na nga lang sa k'warto mo! Nagsama na lang sana ng Mama mong umalis! Mga walang k'wenta!"
Marahas siyang dumaan sa harap ko at umalis. Napapalunok akong pumasok nang tuluyan sa kitchen. I didn't know what to do.
Isa-isa kong kinuha ang mga nabasag na piraso ng babasaging baso namin, hindi alintana kung masugatan ako. Tinapon ko sila isa-isa habang lumalandas ang luha sa pisngi ko.
Hindi naman ako pinapili. Iniwan din ako ni Mama, Pa.
Humihikbi akong naghugas ng kamay pagkatapos linisin ang bubog sa lapag. Hanggang sa paggawa ng project ko ay hindi tumitigil ang iyak ko.
"Problema ka lang, last project na 'to. . ." bulong ko sa sarili, pilit na pinapakalma ang sistema.
Lagi namang ganoon si Papa sa tuwing galit siya, nabubuntong niya sa akin o kaya kay Mama. Hindi pa 'ko nasanay. Natatakot pa rin talaga.
Cahir:
Hii
may kwento ako 😭
Mensahe ni Cahir ang bumungad sa akin noong kinagabihan. Tapos ko na gawin ang schoolworks ko pero hindi pa ako makatulog kaya naman nasa RPW na naman ako. Mas gusto ko talaga dito kaysa sa RA— mas natatakasan ko kasi ang reyalidad.
Nymeria:
ako rin hahahahah
ikaw nalang muna
Siguro ayos lang naman na mag-open up sa stranger, 'no? Hindi naman niya ako kilala. He won't judge, I'm sure. Kung husgahan niya man ako, hindi niya naman ako kilala. Tsaka ilang buwan na rin naman na kaming nag-uusap, magdududa pa ba ako sa kaniya? Friends na kaya kami.
Tsk. Ganiyan nga, Penelope. Utuin mo sarili mo kasi hindi ka naman nagk-kwento ng problema mo sa mga kaibigan mo sa school.
Cahir:
eh??
ikaw na muna
😆1
Nymeria:
tamo to hahaha
ikaw na
Cahir:
malungkot ka ba?
😆1
Nymeria:
pano mo nasabi
Cahir:
lowercase tawa mo e
😭1
Nymeria:
daming alam amp
😆1
Cahir:
ano nga?
saka ladies first :()
😆1
Nymeria:
family problem lang haha
Cahir:
bakit ano nangyari
Go, Penelope. Okay lang 'yan, hindi niya ka niya kilala. I mentally cheered for myself before typing in my answer.
Nymeria:
si papa nagalit lang
akala nya wala ako ginagawa haha
lahat na nga nililinis ko para wala masabi
hindi naman ako gumagala lagi lang ako household chores
ewan ko dun mainit dugo sa akin
kainis hahaha
Cahir:
baka pagod lang tatay mo?
Nymeria:
baka nga
pero lagi na sya ganyan
Cahir:
mga matatanda talaga minsan
binubuntong talaga sa bata yung sisi
Nymeria:
oo nakakainis na minsan
hahahaha
Cahir:
pero safe ka naman ba dyan?
pinipisikal ka ba?
Nymeria:
hindi
natatakot lang ako
syempre nalulungkot kasi ayoko
nasisigawan ako
Cahir:
ano na naffeel mo ngayon?
okay ka na ba?
inom ka tubig para kumalma ka
Nymeria:
okay na
hindi lang ako makatulog
Cahir:
edi inom ka gatas
sleep ka na
malay mo bukas okay na
Nymeria:
napakacomforting mo naman bff
HAHAHAHAHAHAHA
I smiled at myself, feeling better now. Hindi nga niya ako hinusgahan kahit na parang ang liit lang ng problema ko. Paano kaya kung. . . malaman niya kung ilang taon na ako? Parehas pa rin ba reaksyon niya?
Ganoon kasi sa social media. Hinihiya nila 'yung mga batang nagsasabi ng problema sa pamilya na hindi naman daw dapat gawing isyu. Kasi para sa kanila, maliit lang 'yon. Para sa kanila, mas matindi ang naranasan nila noon. Hindi ko talaga gets kung bakit kailangang ikumpara.
Kung hindi problema para sa iyo, hindi naman ibig sabihin no'n ay hindi na rin ito problema para sa iba.
Cahir:
ewan ko sayo, Nymeria 😡
pahinga ka ha
next time ko na lang ikwento moments ko with crush
baka mainggit ka pa
😆1
YOU ARE READING
Typing Status: Falling
Teen FictionPenelope Evyn. | Epistolary with Narration. | Crush Chronicles #2
