"Anak, pasensya ka na at wala pa kaming maibigay na pambayad mo sa school nyo. Hayaan mo at tatanggap uli ako ng mga labada. Alam mo namang.."
"Nay, wag nyo na po akong intindihin. Ako na po ang bahala doon. Masama po sa inyo ang magpagod," putol ko kay nanay, ayan na naman sya. Sisisihin na naman nya ang sarili nya dahil sa mahirap naming pamumuhay, "Dito lang po kayo ha? Wag po kayong magtatrabaho. Didiskartehan ko na lang po. Okay?" hinawakan ko ang kamay nya at ngumiti. May sakit kasi ang tatay at si Nanay naman ay may hika, mayroon din akong kapatid na nasa elementarya pa lamang. Tumango na lamang si Nanay at ngumiti sa akin.
"Nay, alis na po ako. Pwede po bang makahingi ng sampung piso? Wala po kasi akong tinapay eh." lumabas si Maureen sa kwarto na naka uniporme na. Grade5 pa lamang sya at labing-isang taong gulang.
Tumingin sa akin si Nanay at nanlumo, bumagsak ang tingin nya sa baba at bumuntong hininga. Umupo ako kapantay ng kapatid ko at hinawakan sya sa magkabilang balikat. "Si Ate na ang bahala okay? Halika na at bibili na lang kita ng tinapay." Tumango sya at ngumiti.
"Nay, alis na po kami."
"Mag iingat kayo ha."
Nang makarating kami sa tapat ng eskwelahan ay yumuko ang kapatid ko at tila may nais sabihin, pero hindi nya masabi. "May problema ba Mau?" Tumingin sya sa akin at nagsalita "Kailangan ko po kasing bumili ng papel. Wala na po akong magamit. Nahihiya naman po akong mang hingi na lang sa mga kaklase ko..." nangilid ang luha sa mga mata nya. Ang hirap para sa akin na makita ang kapatid ko na ganto. Kailangan ko na ulit humanap ng trabaho. "Mau, dapat sinabi mo kaagad kay Ate." kinuha ko ang wallet ko sa bag at nang mabuksan ko ito ay nakita ko ang bente pesos. "Ito na lamang ha? Pasensya na. Babawi na lang si Ate sa susunod. Sige na pumasok ka na." nagpasalamat sya sakin at tumalikod na para pumasok. Napabuntong hininga ako. Kailan kaya kami makakaahon sa hirap?
Tulala ako sa oras ng klase hanggang sa mag lunch na. Iniisip ko kung saan ba pwedeng mag apply ng trabaho, kahit ano. Basta maayos ang sweldo.
Lumabas ako sa room at nagpunta sa SchoolGround, dito na lang ako tutal ay wala na akong pera pambili ng makakain sa canteen. Kahit kumakalam na ang sikmura ko ay tinitiis ko na lang. Lilipas din naman ito.
Pilit kong nilibang ang sarili ko sa paggawa ng doodle sa likod ng notebook ko. Wala akong kaibigan dito dahil lahat sila ay mayayaman. Bakit ako nag aaral sa isang sikat na School? Scholar kasi ako at ang mga tao dito ay mga matapobre. Pag Scholar ka, dukha na ang tingin nila sayo. Pero wala akong pake sa sasabihin ng ibang tao, gusto kong makatapos para sa pamilya ko. Hindi sa kanila o kaninoman.
At dahil nasanay ako ng nalilipasan ng gutom ay bumalik na muli ako sa room dahil nag bell na rin naman. Maya maya lang ay sunod sunod ng pumasok ang mga kaklase ko at kasunod non ang pagpasok ng aming Guro.
Inilapag nito ang gamit nya sa lamesa at inayos ang tindig bago humarap sa amin. "Our topic for today is about Poverty. How they live and survive in the society. Who can explain?" tumingin sa akin ang mga kaklase ko na para bang kasalanan ko na maging mahirap. Napansin ito ng guro at tumingin din sa akin, "Explain the word Poverty, Ms.Garcia."
Huminga ako ng malalim at tumayo kahit na kinakabahan ako, lahat sila ay nakatingin sa akin, nakakunot ang noo. Pero may isang seryoso ang tingin sa akin at nag aantay ng isasagot ko. Hindi ko pa alam ang pangalan nya. Pero ang alam ko'y Feledrico ang apilido nya. Tumaas ang kilay ng aming guro dahil hindi pa ako nagsasalita. Kaya ko to.
"Poverty. Poverty is challenge for me, in real life. I'm poor. Yes I am. I admit it. Thou some people are ashame of being poor and being a Scholar as well. But i don't understand them. We, Poor people do our best to live, to eat on time. But most often my family can't eat at the right time. You, classmates? You eat three times a day without worries, without working. Because you're all rich. Me? My family, we didn't experience that. " Umiinit ang mata ko at tila may bumabara sa lalamunan ko ngunit mas pinili kong ipagpatuloy ang pagsasalita para malaman nila ang sakripisyo ko para lang maging Scholar dito.
"We have to work for us to eat, like the quote "Isang kahid Isang tuka", but it make's me stronger. How to face the life tomorrow. How we eat if we don't have money? If we don't work hard. Some of you pity me because I'm just a scholar? Well, to be a scholar I must study hard, to maintain my high Grades." Lahat sila ay napanganga sa sinabi ko, nailabas ko lahat ng sakit.
"Being poor is not a sin. Please don't treat me as a trash." at doon na tuluyang bumagsak ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan
BINABASA MO ANG
Randomantic
RandomMegan. Isang mahirap na babae na gustong maiahon sa hirap ang kanyang mga magulang. Gagawin nya ang lahat para dito, ni minsan ay hindi pumasok sa isip nya ang pumasok sa isang relasyon dahil para sa kanya ay hadlang ito sa kanyang mga pangarap. Te...
