Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa eskwela, hanggang ngayon ay natutuwa pa din ako sa nangyari kahapon. Hindi pa din kami pinababayaan ng Diyos.
Pagpasok ko sa classroom ay konti pa lang ang tao, napaaga siguro ako. Tungkol sa trabaho ko, hindi pa yon alam nila Nanay. Tsaka ko na lang sasabihin sa kanila, ang mahalaga may pambili na kami ng makakain.
Pagpatak ng 7:30 am ay dumating na ang Prof. namin. Kasunod ay ang gwapong lalaki, kung tutuusin ay late na ito dahil nauna pa sa kanya ang Prof namin pero parang wala lang naman doon. Sa halip ay nginitian pa sya ng guro namin. Nakakapagtaka.
English ang subject namin ngayon, ang pinakapaborito ko sa lahat. Madalas akong nasasali sa Quiz-Bee dati sa eskwelahan na pinapasukan ko noon. Kaya ako nakakuha ng scholarship, dahil nagsusumikap ako.
"Goodmorning Class." Tinig ni ng aming guro.
"Goodmorning." lahat kami ay bumati at naupo na.
"We'll be having a group presentation. So, you will make a Heart. Any materials will do. Then, you'll explain that in front. Arayt?" Wika niya. Mukang maganda to. Sana naman mabait ang makapartner ko para hindi ako mahirapan.
"You'll be group by two members each." pagpapatuloy nya. Tumingin sya sa kanyang class record at nagbanggit na ng mga pangalan. Babae at Lalaki ang mag partner. Napailing na lang ako.
"Mr.De Guzman and Ms.Garcia."
"Mr.Feledrico and Ms.Lee."
"Okay. Walang magrereklamo sa mga partners nyo ha." yun lang at lumabas na sya ng room. Sa totoo lang ay di ko pa kilala yung Mr.De Guzman, kaya nanahimik na lang ako sa upuan ko habang ang iba kong kaklase ay pinag uusapan na ang tungkol doon sa Project.
"Ms.Garcia, right?" napaitlag ako ng may lalaking sumulpot sa harap ko. Gwapo, matangkad, mapungay ang mata, mapupula ang labi, at makinis ang balat. Halatang mayaman. Biglang nanliit na naman ako sa hitsura ko.
"Uhh- oo." sagot ko. Napansin ko naman ang pagngiti nya. Napangiti ako ng di ko namamalayan, yung ngiti nya nakakahawa.
"I'm Chester De Guzman. You're partner." he chuckle. Ang cute nya. Napangiti naman ako, "Uh- Megan." Inabot ko ang kamay nya na nakikipag kamay sa akin "Megan Garcia." ngumiti ako sa kanya at ganon din naman sya.
"So? When can we talk about that?" tanong nya, "Ikaw ang bahala, basta wag lang hapon ng weekdays. May part time job pa kasi ako." napangiti sya at umiling iling.
Anong problema nito?
"May ganyan pa pala." Tumingin sya sakin na para bang amaze na amaze sya. Ano bang nasabi ko?
"Huh? Ang alin?" tanong ko naman.
"Yung nagtatrabaho na babae. Working student ganon." Hinawakan nya ang braso ko at tinitigan akong mabuti "Maganda na, mabait pa, matalino pa. M3" bigla syang tumawa at tumalikod na sakin. "We'll talk about it later. " at muli, he smiled.
Lunch time na at kahit papano ay may pambili naman na ako. Nagpunta ako sa Canteen para pumili ng bibilhin ko.
Ang mahal ng Student Meal. 50 na ang pinakamura. Itlog at Hotdog lang ang ulam ay ganon na ang halaga?
Mas pinili ko na lamang mag Lugaw na Plain. 20pesos. Hayy nako.
Nang makuha ko ang order ko ay umupo na ako sa table na may dalawang upuan.
Napa angat ako ng tingin ng maramdaman ko na may umupo sa upuan sa harap ko.
"Can i?" tanong nya.
"Ano pa bang magagawa ko? Eh nakaupo ka na?" pagbibiro ko sa kanya.
"Cute." bahagya syang tumawa "Ngayon na natin pag usapan yung sa project natin." dumating ang order nya na fillet ang ulam.
Napailing na lang ako, mayayaman talaga.
"Sure. Pagtapos na natin kumain." Tumango lang sya at napansin ang kinakain ko.
"Bakit yan lang inorder mo?" takang tanong nya.
"Sayang kasi ang pera. 50pesos sa hotdog at itlog? Wag na. Eh pangkain na naming pamilya 'yon e." sabay subo ko sa lugaw.
"Unbelievable." sabay iling nya. Napansin ko ang pagngiti nya.
Ang cute nya.
"You're smiling." sabi nya. Hindi ko 'yon namalayan ah. Ano ba kasing meron sa ngiti ng lalaking to at pati ako ay nahahawa?
"Hindi ah." pagtanggi ko.
Nagkibit balikat lang sya at kumain na. Nauna akong natapos dahil lugaw lang naman 'yon.
Napangiti na naman ako.
YOU ARE READING
Randomantic
RandomMegan. Isang mahirap na babae na gustong maiahon sa hirap ang kanyang mga magulang. Gagawin nya ang lahat para dito, ni minsan ay hindi pumasok sa isip nya ang pumasok sa isang relasyon dahil para sa kanya ay hadlang ito sa kanyang mga pangarap. Te...
