01

39 2 1
                                        


Ynna's POV

Tangina. Seryoso ba ‘to?

Pagdilat ko, dilim. Literal. Wala akong makita kundi kahoy na dingding at isang bombilyang kumikindat-kindat sa kisame. Amoy antiseptic pero halong alikabok. Parang abandoned warehouse sa mga pelikula. Tapos bigla kong napagtanto NAKAGAPOS AKO?!

“AHHHHHHHHHHHHH!!! OMG! K-DRAMA NA ‘TO?! KIDNAP KIDNAPAN WITH A TWIST?! HELLO? MAY CAMERAAAA BAA?!”

Sinubukan kong igalaw yung kamay ko pero ang higpit ng tali sa pulso ko. Leche. Di pa ‘ko nakakapag-lotion ngayon tapos ganito.

“Hoyyy! Kung sino man kayo, warning lang ha! May sore throat ako so hindi ako makaka-scream ng maayos pero may sipon din ako so puwede ko kayong i-sneeze to death. I’m dead serious!”

Tahimik.

Hanggang sa bumukas yung pinto.

At pumasok ang isang lalaki.

Tall. Nakasuot ng mamahaling coat na parang galing sa fashion week. Cold, intense eyes na para bang sinisilip niya na lang kung kailan niya ako papatayin. As in literal na parang kaya niyang ipamukha sa akin na disposable ako sa buhay niya. Pero guwapo siya, okay? ‘Yung tipong dark-haired, clean-cut, jawline from hell kind of guwapo. Like CEO na may kahindik-hindik na past.

“I told them to bring the politician’s daughter,” malamig niyang sabi.

“Huh?! Hello?! I’m not a politician’s daughter! I’m the daughter of a tindera ng lugaw sa kanto! I swear, if you want information on the secret lugaw recipe, ‘di ko rin alam ‘yon, kuya!”

Tumigil siya. Umiling. Tumalikod. Tapos lumapit ulit. Nakatingin siya sa akin na para bang… napapaisip.

“Why aren’t you crying?”

“Wala akong luha ngayon, okay?! Paubos na monthly allocation ko!”

He stared at me. Long and hard. Parang hindi makapaniwala sa dinatnan niya. Then, his lips curled into something dangerous.

A smile.

“You’re not what I expected.”

“Well, same here! I thought kidnappers wore ski masks. Disappointed ako, be”

Naputol ‘yung litanya ko nang lumapit siya. As in sobrang lapit. Tapos marahan niyang hinawakan ‘yung mukha ko, na para bang curious siya kung gawa ba talaga ako sa tao. Bigla akong napalunok.

Oh shit.

“I guess this might be more fun than I thought,” he whispered.

Wait lang.

Bakit parang may spark?

Bakit parang gusto ko pa?

Wait lang, self. Tangina. KIDNAPPER ‘TO!

Nagkatitigan kami.

Wala nang salita. Wala ring background music. Pero kung may director lang dito, sigurado akong slow motion na ang lahat habang unti-unti siyang lumalapit.

Putek. Ilang inches na lang baka maamoy na niya ‘yung hininga kong may leftover garlic rice.

“Ano ba talaga ‘to? Hidden camera prank? Social experiment? Psychological test?” sunod-sunod kong tanong habang pilit kong iniiwas ‘yung tingin.

“None of the above,” malamig niyang sagot habang tumigil sa tapat ko.

“Then bakit ako?!” singhal ko. “Bakit ako ang nakidnap? Daming mayaman diyan na mas worth it. Ako, may utang pa sa tindahan.”

Hindi siya sumagot.

Kinuha niya ang phone niya. Tumawag. “She’s not the target,” maiksi niyang sabi sa kausap. “But she’s... interesting.”

TANGINA. AKO ‘YUNG TYPICAL SIDE CHARACTER NA ACCIDENTALLY NAGING MAIN LEAD?!

Huminga siya nang malalim, as if deciding something major. Tapos tiningnan niya ako ulit. “You’re staying. For now.”

“Staying saan?!” nanlaki ang mata ko. “Dito? Sa horror house na amoy expired Lysol at broken dreams?!”

He smirked. “I’ll have you moved. Somewhere more… comfortable.”

Napatigil ako.

Comfortable?! Baka ibig sabihin niya ‘nun ay soundproof na dungeon with free WiFi.

“Wait kuya, teka lang. Hindi pa ako emotionally prepared maging leading lady sa Stockholm Syndrome 101. May consent form ba dito?”

He didn’t answer. Instead, he turned to leave but then paused.

“You have 24 hours to prove you’re useful,” he said, without looking back. “If not… we’ll see.”

Napanganga ako.

Putek. May probation period pa ‘tong pagkaka-kidnap ko?!

Pagkasara ng pinto, naiwan akong nakatanga. Literal. Nakagapos pa rin, walang clue kung life pa ba ‘to o prank show lang na lumampas sa budget.

“Useful daw ako?” bulong ko sa sarili ko. “Ano ‘ko, air fryer?!”

Sinubukan kong igalaw ulit ‘yung mga kamay ko. Masakit na. Feeling ko nagka-carpet burn na ‘yung balat ko from all this pulupot. Buti na lang, isang minuto lang ang lumipas at bumukas ulit ‘yung pinto.

This time, dalawang babae ang pumasok naka-uniform, parang kasambahay pero may aura ng secret agent. Wala silang imik. Diretso sila sa akin. Sinimulan nila akong kalagan ng tali.

“Uy… girls, thank you ha. I swear di ako magwawala. Di ko rin kayang tumakbo kasi may flat feet ako at sumasakit tuhod ko kapag malamig.”

Tahimik pa rin sila.

Nang makawala na ang kamay ko, kinamot ko agad ang pulso ko. Para akong batang pinalo sa spelling bee. Pero ang una kong tanong:

“Puwede bang mag-CR muna ako? Baka kasi mauna pang iwan ng dignity ko kesa ng kaluluwa.”

Isa sa kanila, ‘yung medyo matangkad, tumango. Sinenyasan ako.

As in, parang showroom sa Pinterest. Marble sink. Gold fixtures. Bidet na mas sosyal pa sa buong bahay namin.

Habang naghu-hugas ako ng kamay, sinilip ko sarili ko sa salamin.

“Girl. Look at you. Walang ligo. Walang kilay. Pero kinidnap ng mukhang mafia boss.”

Pause.
Bigla akong ngumiti. “Achievement unlocked.”

Paglabas ko ng banyo, dinala nila ako sa isang kwarto. At girl… girl.

GRABE.

Queen-sized bed na may canopy. May sariling mini fridge. May cabinet na parang puno ng Zara o Uniqlo. May flat screen pa. Kung ito ‘yung kidnapper starter pack, aba’y sign me up charot lang, huwag seryosohin!

Pagka-lock nila ng pinto, napa-higa ako sa kama. Huminga nang malalim.

Pero hindi pa rin mawala sa isip ko ‘yung mukha niya.

‘Yung mukhang CEO. Mr. Cold. Mr. I-Ordered-A-Kidnap-Like-A-FoodPanda-Meal.
Pero kahit gano’n siya ka-ice cold, may something. Parang… ang lungkot ng mata niya. Ang bigat ng aura. Parang hindi lang siya basta masungit parang may dala-dala siyang buong teleserye.

“Wag kang ma-in love, Ynna,” bulong ko. “Ma-pride si universe. ‘Pag pinatulan mo ‘yan, sure akong may twist.”

Tumingin ako sa kisame. Napansin kong may maliit na red dot.

CCTV.

Napangiti ako.

Nag-wave.

“Hi mga besh! This is Day 1 of ‘Keeping Up with the Kidnappee.’ Baka puwedeng padeliver ng milk tea sa Room 103? Tapos ‘yung may pearls ha, kasi wala na akong pearls sa buhay puro batong binabato!”

---

Taming the WolfWhere stories live. Discover now