PROLOGUE

13.1K 232 49
                                    

PROLOGUE

Karen Santiago


Umihip ang panghapong hangin at napapikit ako habang pinapasok sa kukote ang binabasa para sa exam na mangyayari na mamaya. Hindi ko magawang makapag-focus dahil sa kalabog na naririnig sa kabilang room. He's at it again. Bakit ba dito sila gumagawa ng milagro? 'Di ba nila afford ang motel?

Nang mag-bell ay kasabay iyon ng malakas na ungol ng babae. Umiling na lang ako at sinara ang libro. Walang point mag-aral dito. Gosh! Bakit ba natagalan pa bago ko naisipang umalis? Nasa hallway lang ako ng 6th floor at wala masyadong nagru-room dito. Saktong pagtayo ko ay siyang paglabas ng lalaking nasa loob ng maingay na room kanina. Tumaas ang kilay ko habang pinagmamasdan siyang magulo ang buhok at nakaawang pa ang labi.

Nang bumaling siya sa akin ay siyang pag-iwas ko ng tingin. Hindi ko na siya hinintay na magsalita at tumalikod na.

Malanding Alcantara! Ang layo niya talaga niya sa ate niyang si Desiree! Prim and proper ang isang 'yon habang itong kapatid niya kung saan saan nanunuka! Myghad! Sa dinami-rami ng lugar kung saan pwede magchukchakan dun pa talaga sa study place ko. Kainis!

Gabi na nang nag-dismissal. Banas na banas ako habang naglalakad sa school ground. Halos isumpa ko na lahat ng Math teacher sa mundo dahil lang sa binagsak ako ng teacher ko dun. Halos lumubog ang sapatos ko sa lupa dahil sa padabog kong lakad. Muntik pang matangay ng hangin iyong testpaper ko!

"Nakakainis! Nag-aral naman ako pero gan'to," Lumakas ang simoy ng hangin.

Umupo muna ako at dinama ang hangin. Pasado alas otso na ng gabi. Nagugutom na ako pero nawawalan ako ng gana kumain kapag nakikita ko itong testpaper ko. Ano na lang sasabihin ko sa ate ko kapag nakita niya 'to? Sabihin nun pinapa-aral niya ako tapos bagsak ako? Hindi ko naman sinasadyang mawala yung notes ko sa Stats ah. Kakaltukan talaga ako no'n pag-uwi ko.

I sighed.

Bago pa ako makatayo ay nakalahad sa akin ang kamay ni Henric. Natigilan ako ngunit saglit lang iyon dahil baka isipin niyang may epekto siya sa akin. Hindi ko tinanggap ang kamay niya at dali daling tumayo. Tumikhim siya at nilagay ang kamay sa likod.

"Bakit?" Tanong ko nang hindi pa siya umaalis sa harap ko. Umihip ang hangin at napahawak ako sa palda kong medyo tumataas. Bumaba ang tingin niya doon. Kulang na lang masapak ko siya.

Hindi siya umimik. Tatalikuran ko na sana siya nang nagsalita siya, "Gusto ko mag-sorry." Halos bulong niyang saad.

Kumunot ang noo ko, "Para saan?"

Kumibot lang ang kaniyang labi at 'di ako sinagot. Baliw na ba 'to? Wala naman siyang kasalanan sa akin ba't siya nagsosorry? 'Di naman ako isa sa mga babaeng pinaglaruan niya.

Ahh, baka nagkamali lang?

"Look," tumikhim ako, "Sa maling tao ka ata nagso-sorry? I'm not one of your girls. I don't know if you forgot their face or what pero hindi ako kasama doon." Matapang ko siyang tiningnan.

Umawang ang labi niya at wala na namang sinabi. Tumingin ako sa relo ko at naisipang umakyat muna sa Faculty bago umuwi. Baka payagan ako ng prof kong mag-retake? Lagi naman akong perfect sa mga quizzes and recit baka i-consider niya ako.

Para akong zombie habang bumababa sa hagdan ng aming bahay. Tumitilaok ang tandang ng kapitbahay at doon ko lang napansin na nasa kusina ang Ate ko. Nagluluto siya ng almusal habang dahan dahan akong naupo sa upuan. Nilingon niya lang ako saglit. Nakasoot na siya ng pang-opisina habang ako antok na antok pa. Myghad! Ayoko na mag-aral please.

"Kumusta naman exam kahapon?" Tanong ni Ate nang ilapag sa harap ko ang pancake.

"Ate wala man lang bang good morning?" Simangot ko habang kumukuha ng tinidor. Natawa naman siya sa sinabi ko.

HIS OWN KARMA [Alcantara Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon