DTC: Kabanata 3

70.9K 1.9K 132
                                    

DTC: Kabanata 3

"Pahatid nalang muna siya kay Briana, mukhang sayo gusto sumama ngayon ni Seb." Utos ni Luke nang medyo mag-dilim na. Wala naman akong magagawa saka isa pa gusto ko pang makasama ang pamangkin ko.

Buong biyahe ay bibo si Sebastian at tanong nang tanong ng kung ano ano, at syempre may kasagutan lahat ng tanong niya kapag sa akin siya magtatanong.

"Tito Tyler, kailan kaya ako magkakaroon ng baby brother or sister? Para maging Kuya na ako!" Usisa niya.

Tumawa ako. "Kapag nagkita ulit kayo ng Daddy mo sabihin mo sa kanya galingan ang pag-babasketball! Shoot lang nang shoot!" Sagot ko sa kanya na ipinagkunot noo lang niya kaya hindi ko nanaman maiwasan ang katatawa.

"Thank you, Tyler." Sabi ni Briana, Mama ni Sebastian, bago pa ako umalis. "Tito Tyler! Minsan sunduin mo ulit ako ha? Madami pa akong tanong!" Hiling niya na nginisian ko.

"Mommy, madaming tinuro sa akin si Tito Tyler." Narinig kong bulong niya nang papasok na sila ni Briana sa loob ng bahay.

Bumalik na muna ako sa bahay ng magulang ni Luke para kuhanin yung sasakyan ko. Naiwan ko rin pala yung cellphone ko sa backseat kaya kinuha ko yon at nang buksan ko ay nakita kong puro tawag ni Mama yon, kaya ako na ang sumunod na tumawag.

Pinaandar ko ang makina, habang hinihintay ko ang pag sagot ni Mama.

"Oh, Ma?"

"Where have you been? Kanina pa ako tawag nang tawag sayo." Sermon niya sa akin.

"Relax, Ma. Uuwi muna ako sa condo ko, maliligo lang ako tapos diretso na ako diyan." I said.

"Oh? That's good, dahil sasabihan sana kitang ihatid ang kapatid mo dito." Hiling ni Mama at huminto ako sa pagmamaneho dahil sa stop light.

"Miss na miss ko na ang kapatid mo. Makipag bati ka na sa kanya para naman dito na ulit siya tumira at mag aral." Sabi niya, huminga ako ng malalim.

"Di ko na naman siya inaaway. Siya yung umaalis ng kusa." Paliwanag ko at muli ko nang pinaandar ang kotse ko.

"Ty, anak. Hindi ko alam kung anong problema? Hiniling mo noon na magkaroon ng kapatid at nang ibigay naman namin sayo, inaway mo lang nang inaway. Buong buhay yata ng kapatid mo wala kang ginawa kundi ang pasamain ang loob niya. Hindi na ako natutuwa, anak." Suway sa akin ni Mama, marahas kong kinamot ang ulo ko at nagpaalam na kay Mama. Ayoko nang pag usapan pa yung tungkol sa pag adopt nila kay Althea noong limang taon palang ako.

Dahil ayoko nang balikan yon. Hindi nalang sana nangyari. At hindi ko nalang sana hiniling.

Ilang sandali pa ay tumunog ang cellphone ko. At nang makita ko ang pangalan niya sa screen ay mabilis kong itinabi ang sasakyan ko para basahin ang text niya.

From: AL

Ayokong sumabay sayo. Pero wala akong choice. Ayokong atakihin si Mama sa pag aalala sa akin.

Hintayin kita sa labas ng condo mo.

Bumilis nanaman ang pintig ng puso ko nang malaman kong makakasama ko siya buong biyahe. Damn it. Walang wala nanaman ako sa sarili ko dahil sa kanya. Magtitipa na sana ako ng reply para sa kanya pero nagtext pa siya.

From: AL

H'wag kang magreply. Ayokong makita ang pangalan mo sa inbox ko. Buburahin ko rin ang text ko sayo dito.

One more thing. Babayaran ko yung makukunsumong gas mo.

Kagaya ng gusto niya, hindi ako nagreply. Pero hindi kagaya niya, lahat ng text niya sa akin hindi ko binubura, dahilan para hindi ko palitan ang bulok na cellphone na mayroon ako. Dahil simula nang magkaroon siya ng cellphone noong fourth year high school ako, ako ang una niyang tinext na tinitigan ko ng pagkatagal tagal ang screen.

Just Because I'm A Gentleman [Published under Summit Media/Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon