DTC: Prologue

141K 3.1K 284
                                    

Just Because I'm A Gentleman

Prologue

"You either choose me or you fucking lose me?!" Garalgal ang boses ko sa pag sigaw sa kanya at hindi ko nagugustuhan ang sobrang pag tulo ng luha niya na parang siya lang ang nasasaktan sa sitwasyon na ito!

"Answer me!!" Sigaw ko at sinipa ko ang buhangin sa harapan ng beach na ikinagulat niya.

"T..Tyler, hi..hindi naman sa ganon." Humihikbing dahilan niya.

"Then what?!" Panay na ang hilamos ko sa mukha ko at pakiramdam ko ay makakapatay ako ng tao sa oras na ito!

"I..I'm sorry!" Sigaw niya at mas lalo siyang humagulhol na mas nakapag pagalit sa sarili ko! Fuck, tatanggapin pa rin kita kahit na pinagtaksilan mo ako basta ako ang pipiliin mo!

Lumapit siya sa akin at hinawakan niya ang kamay ko na mabilis kong hinawi at ikinagulat niya!

"I'm sorry, Tyler. I'm sorry." Paulit ulit na hikbi niya, inilingan ko siya na para bang hindi ako makapaniwala sa ina-asta niya. Matalim kong tinitigan ang lalaking naghihintay sa kanya doon sa likod niya na kanina lang ay nilamog ko ang pagmumukha.

Nakipag sukatan din ito ng tingin sa akin at sa pangalawang pagkakataon ay nakahanda akong basagin ang pagmumukha niya! Pero mabilis niya akong hinila at inilayo sa lalaking pinili niya!

"Tama na!" Awat niya na mas lalong nag pabilis ng hinga ko sa sobrang galit.

"Tama na, Tyler!" Sa malambing ngunit nagbabantang pagtawag niya sa pangalan ko, ako mas lalong nahuhumaling sa kanya.

Tumulo ang luha ko dahil pilit na niya akong pinagtatabuyan. Di ko naranasan 'to, hindi ko naranasang magmakaawa para lang piliin ako ng isang babae at hindi ko naranasang masaktan ng ganito.

"I will stop! Just say the fucking words at titigilan ko ang pambabasag sa pagmumukha nitong gago na 'to!" Sigaw ko at dinuro ko ang lalaking nasa likod niya!

Umiling iling siya at mas lalong umiyak!

"Tangina. Kung hindi mo ako mahal, h'wag mo akong iyakan na parang hindi mo kayang mabuhay na wala ako!" Sumbat ko sa kanya at halos kumirot ang kaloob looban ko nang mas humikbi siya ng malakas dahil sa tindi ng pag iyak.

"I...I can't. P..patawa..rin mo ako!" Hagulhol niya.

Nag init pang lalo ang paligid ng mga mata ko dahil sa paulit ulit na hingi niya ng tawad at hindi niya pag sagot ng tama sa hinihiling ko sakanya.

Sa huling pagkakataon ay muli ko siyang pinilit. Kinuyom ko ang kamao ko at inihanda ko ang sarili ko sa sakaling isasagot niya.

"Say it.. that.. you love me. Kung gusto mong umalis tayo sa lugar na 'to, aalis tayo! Isang sabi mo lang na mahal mo ako, ititigil ko ang lahat ng ito. Ititigil ko lahat ng ayaw mo! Just fucking tell me...that you do really love me." Nagsusumamo ang boses ko para sa kanya at kailanma'y hindi ako naging ganito sa ibang babae. Hindi ako umiyak ng ganito para sa isang babae! Sa kanya lang! Fuck! Sa kanya lang! Hindi ko alam kung anong nangyari, bigla nalang ganito, ang labo, paano na yung mga plano namin? Yung pangako naming dalawa sa isa't isa?

Yung mga pangarap namin? Damn, kailanma'y hindi ako bumuo ng pangarap sa isipan ko kasama ang isang babae. Sa kanya lang. Pero bakit ganito? Bakit parang matatangay lang na parang isang tubig ang lahat ng pangarap at pangakong yon?

Kinagat niya ang kanyang labi at sunod sunod na tumulo ang luha niya saka muling umiling bilang sagot sa akin.

"Ang labo mo. Iniiyakan mo ako, pero hindi mo ako magawang piliin." Ngisi ko sa kanya at umiling.

I'm done and I'm tired of chasing you, Sweetheart.

***

AN: Good morning! :) Story po ito ni Tyler the Player! Haha! Prologue po ito, ano po sa tingin niyo? :) Thank you! Tutulog na ako hahaha!

Love lots.

Ate Ash.

Just Because I'm A Gentleman [Published under Summit Media/Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon