Untitled Story Part

34 4 5
                                    

May friend ako. Actually, bestfriends kami. DATI. Anong nangyari? Tulad na lang ng nangyari sa ibang magkaibigan, nagplastikan.

Nagkakilala kami noong high school kami. Parehas nag-aaral sa magandang school kaya mga rich kids kami. May "hierarchy" kami sa school at kabilang kami sa pinakamataas- kami yung mga popular kumbaga.

Mataas ang tingin sa amin ng mga tao pero hindi naman kami yung tulad sa stories na flirt at bitch. Ako, nagiging bitch lang kapag nagagalit. Siya naman, siya yung "nice" girl kaya maraming gustong kaibiganin siya pero ako ang napili niyang maging kaibigan.

Palagi lang akong nasa isang tabi nagbabasa ng libro kasi ayokong makipag-interact sa mga taong pera lang ang habol sa iyo. Nagbago ang high school life ko nung inapproach niya ako. Natatandaan ko sabi niya "paborito ko yang librong binabasa mo!". Dahil pareho kaming mahilig magbasa naging close kaagad kami. Habang tumatagal mas lumalalim ang friendship naming dalawa. Marami akong nadiscover sa kanya, siya rin sa akin.

Marami kaming similarities- pareho kaming mahilig magbasa, pareho rin kaming marunong kumanta, nakapagsulat na nga kaming ng mga kanta e.

Marami na kaming napagsamahan. Magkasama kami sa masasayang parte ng aming buhay. Magkasama rin kami sa mga problemang kinakaharap namin sa buhay. Mas lalong tumibay ang pagkakaibigan naming dalawa.

Tinuring ko siyang kapatid. Sa kanya ako nagsasabi ng mga problema. Alam niya ma ata lahat ng pangyayari sa buhay ko e.

Isang araw, nagbago ang lahat. Hindi ko alam kung paano nangyari o kung ano ang naging dahilan pero parang nag-iba na siya. Naging cold siya sa akin. Lumayo siya ng hindi nagsasabi ng dahilan. Akala ko maaayos din ang lahat kaya binigyan ko siya ng time mag-isip. Inintindi ko na lang siya, inisip ko na baka may problema lang siya na ayaw iopen sa iba pero kami pala ang may problema.

Pagkatapos ng isang linggo, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nilapitan ko siya at tinanong kung bakit siya nagkaganun. Hindi ko napigilan ang sarili ko na umiyak. Mas naiyak ako sa sinabi niya. Sabi niya fake daw ako, sa lahat ng pinagsamahan namin sa tingin niya pinaplastik ko lang siya?! Sumama ang loob ko sa kanya. Di ko akalaing ganun ang tingin niya sa akin. "FO na ba?" tanong ko sa kanya. Walang tigil ang agos ng luha ko nung panahong yun. "I think, we were never friends."

Ang sakit sakit ng nararamdaman ko non, totoo ngang mas masakit ang friendship over kesa sa break up kasi noong naghiwalay kami nung ex ko, hindi naman ganito kasakit e. Hindi maprocess ng utak ko na sa lahat ng pinagsamahan namin ay kasinungalingan lang pala ang lahat. Minsan na lang ako magtiwala, ganito pa ang nangyari.

Ilang buwan din nung natanggap kong hindi na babalik sa dati ang lahat. May kaibigan ako pero sinabi ko sa sarili ko na huwag sobrang magtiwala. Nagka-trust issues na ako.

Nakikita ko siya sa school pero hindi na kami nagpapansinan tulad ng dati. Mag-isa siya ngayon. Minsan gusto ko siyang lapitan at kaibiganin ulit pero sa tuwing naaalala ko yung nagyari, iniisip kong baka mangyari ulit yung dati.

In life, you need to accept the fact that not all people are going to stay, some came to teach you lessons that will turn you into a better and stronger person.

The end.

***
Naisip ko itong story na ito noong nanonood ako ng Youtube videos about sa issue nila Katy Perry at Taylor Swift. Hahahaha. Ge.

What Happened? (One Shot Story)Where stories live. Discover now