Chapter 29: Talent

16.1K 742 20
                                    

- Dustin Alexander Villarus's POV-

" Raven gising na " sabi ni Allen na sinusundot sundot yung pisngi ni Raven. Kasama ko yung buong Royal Dragons. Yeah... Royal dragons as in kaming labing pitong naggwagwapuhang lalake. Umangal pangit.

" Ano ba... Five minutes " sabi ni Raven tsaka tumagilid patalikod kay Allen. Tsk...

Lumapit naman si Calvin tsaka si Dash sa magkabilaang side ni Raven. Pati ata ang Crazy Duo nagbalik na...

" Lumilindol.... Guys tara na " sabi ni Dash na sumisigaw na parang baliw. Ginalawgalaw pa nilang dalawa yung kama.

" Dash kakainin ka na ng lupa" sigaw ni Caleb na mukhang ewan habang gumagawa ng sound effects.

" Bwahahahaha... "

Tawanan naming lahat ng biglang bumangon si Raven tsaka hinampas sina Calvin at Dash ng unan. Pffftttt... sumubsob kasi yung dalawa sa may paanan ni Raven.

" Sino namang baliw ang maniniwala sa sound effects niyo ha? Grrr... pati pag alog niyo ng kama sablay eh. Ano sa may ulunan ko lang may lindol??" tanong ni Raven na naka-taas yung isang kilay.

" Tsk... Kulang na tayo sa practice Calvsss " sabi ni Dash na nakangisi. Ngumuso naman si Calvin...

" Siraulo ka Alfonso.. Wag mo kong tawaging Calvsss. Hindi na ako kalbo!" sabi naman ni Calvin.

" Oh awat na... gising naman na si Raven. " sabi ni Zeke. Sumang-ayon naman yung dalawa. Namiss ko din yung ganito.

" Bakit niyo ba ko ginising? 4P.M pa lang oh" sabi niya. Tignan niyo to... buong maghapon na nga siyang tulog nagreklamo pa.

" Talent night na ngayon " sabi ni Caleb.

" What????" sabi niya tsaka biglaang tumayo.

Pffffttt... Mas epic pala yung itsura niya kaysa sa Crazy duo eh.

" 6:00 yung start ng program. pag di ka pa bumangon malelate na nga tayo. Mag-aayos ka pa" sabi ni Loki na inaayos yung hinigaan ni Raven.

" Hala? Pano na? Sasayaw pa din tayo? Pano kung magkamali ako... Mabilis kaya yung step. Puro pasa pa ko tapos ano yan aakyat ako ng stage na may benda sa ulo? " tanong niya.

" Relax... Hahaha... oh " sabi ni Barron sakin tsaka kay Raven yuung half mask.

" Para saan to?" tanong ni Raven.

" Para matakpan yung pangit mong mukha na pinapangit pa lalo " Sabi ni Samir. Sinamaan naman siya ng tingin ni Raven.

" Tama na. Malelate na tayo" sabi ni East na kinuha yung susi ng sasakyan niya.

" Oi teka lang... Pano ako? Tsaka kaya bang sumayaw ni Loki eh may sugat siya?" sabi ni Raven. Lumapit naman si Kiefer tsaka ginulo yung magulo nang buhok ni Raven. Siya lang ata ang kilala kong babae na hindi nagpapanic pag nakita siyang bagong gising.

Kung sa bagay... maganda pa din naman siya.

" Hindi naman namin hahayaang sumayaw ka dun? Baka matumba ka." sabi ni Kiefer.

" Tara na. Aayusan ka pa ni Kikay. " sabi ni Barron. Naalala ko na naman si Kikay, Yung baklang kalandian ni Barron.

" Awat na... malelate na tayo" sabi ni Eion tsaka kami nagsilabasan. Inaalalayan pa namin si Raven. Nahihilo pa ata to eh.

" Kaya mo ba?" tanong ko habang nagdadrive. Tatlo kami dito sa sasakyan. Ako, si Raven tsaka si Dash. Yung iba nasa kanya kanyang sasakyan.

" Huh? Ah oo. Kaysa naman madisqualified tayo " sabi niya.

The Only Girl in School (#wattys2020)Where stories live. Discover now