35 Cellphones ni Ryan

Zacznij od początku
                                    

“At last nagkita na rin kayo..”

“Hahaha, ngayon ko lang din nalaman eh. Ang tanga lang eh.”

“Matagal ka ng tanga huwag kang mag-assume”

“Hmmmp!”

“RYAAAAAAAAAAAAANN!!!” nailayo ko na naman ang isang cellphone. Seriously nakalunok ba ng megaphone itong si Rain? “Sagutin mo ngaaa akooo!!”

“Oo na! Hate mo na ako. May bago ba doon? Tsk!”

“Alam mo bang magkatapat lang ang room namin ni Syndi at nasa iisang condominium kami?”

Kailangan pa bang itanong yun?

“Hindi.. Paano ko naman malalaman? Ako ba si Madam Auring?”

“MALAS KA TALAGA EH! Isa kang malaking MALAS SA BUHAY KO!”

“Hoy SHOKOY wala akong pakialam kung di ka maka-tsansing kay Syndi. Iyang Hidden Desires mo ha! Huwag mo kong idamay diyan at nanahimik ang buhay ko.”

“HINDI AKO MAHILIG SA HD!!”

“WALA AKONG PAKI HUWAG MO KONG SIGAWAN!”

“Ryan salamat talaga ha! Sige na Bye, magpapahinga na ako. Maaga pa akong bubwesitin ng kambal mo. Mabuti ng maganda ako bukas.”

“Ay sus! Ang sabihin mo gagapangin mo siya bukas ng maaga.”

“Hala! Huwag kang ganyan! Sobrang kamunduhan yang iniisip mo ha!”

“Totoo naman, patay malisya ka lang eh.”

“Hmmp! Bahala ka! Bye na nga!”

Kunwari pa ang isang ito. Inilapag ko na yung cellphone. Nabawasan na ng makulit, ngayon ang shokoy ko na namang kambal ang haharapin ko.

“BAT BA DI MO AKO SINASAGOT?”

“Huwag mo kasi akong sigawan! Busy ako di ako nage-entertain ng shokoy.”

“DUGONG KA! Sa lahat ng condominium doon pa talaga?”

“Aba’y malay ko na nandoon din pala si Syndi. At saka ano bang pinuputok ng utak mo? Ayaw mo nun magkapitbahay kayo. Saya nun! Walang long distance hahaha, meron na kayong near distance relationship. Naks! Ang twwweeet lang eh.”

“AYOKO!”

“EDI HUMANAP KA NG IBANG CONDO! Problema ba yun. Mayaman ka naman! Lumayas ka nalang diyan at tumira ka sa bukid.”

“Saang bukid?”

“Sa Iraq o di kaya sa North Korea!”

“Ryan?”

“Oh Bakit?”

“You just gave me a bright idea!”

“Kailan ba naging madilim ang mga idea ko?”

“Dugong alis na ako!”

“Oh sige lumayas ka na! Ginugulo mo ang buhay ko. Manahimik ka na sa dagat at kaibiganin mo si Nemo at nang matuto ka ng mabuting asal. Tsk!”

“Hahaha.. baliw!”

“At least di kasing baliw ni Sisa. Gago ka! Ibaba mo na nga yan!”

“Oo na! Bye!”

Hay naku kahit kailan!

Sumundal nalang ako sa upuan ko. Ano bang nagawa kong masama at binigyan ako ng makukulit na kapatid at kaibigan? Mabait naman ako ah, di nga lang halata. Pagtingin ko ng Iphone 5 ko ay bigla namang tumunog yun.

“Nak ng butandeng naman oh!”

Bakit kaya nahihilig ako sa mga water species ngayon? Ang weird? Dapat atay, balunbalunan, utak, dinuguan. Ngeeks! Para akong aswang!

Teka tumunog nga yung cellphone ko. Tanga-tangahan lang ang drama ko. Sinilip ko lang kung ilang message ang na receive ko. Sarap mo talagang kutusan Ryan. Kunin mo na nga yan at basahin mo. Para kang bakla!

“Aissh!”

Kinuha ko na lang yung cellphone at binasa ang message.

Tnx sa pghatid sken Ryan ha :D ingat ka lge! -Myka

 

Lapad lang ng ngiti ko! Wow Ryan! Anyaree sa manhid na persona mo. Shuks! Kaasar! Ligawan mo na kasi. Ang kupad mo eh. Hay naku! Magpabaril nalang kaya ako sa Iraq. Naku huwag na sa Iraq, doon nalang ako sa North Korea balita ko may Nuclear Bomb daw sila. Baka pagsumabog yun sa mukha ko matauhan ako.

NP :D -Ryan

 

Wow haba ng reply!

Hayaan nyo na pakipot lang ako.

Geezz! I’m so gay!

RAIN

 

 

“How many ticket sir?”

“Two tickets, thanks”

“Okay sir”

Kung akala mo makakaisa ka saken Syndi pwes nagkakamali ka. Kung kailangan kitang kaladkarin papuntang North Korea o sa Iraq gagawin ko. Ma solo lang kita hahaha. Okay, huwag nalang doon at baka di pa kami abutan ng liwanag sayang lang ang UM ko. Baka mapurnada pa ang pagpapa-ibig ko sa kanya.

Talino ko talaga!

Oha! Nakapag-UD na ako! Comment naman kayo diyan! Anong tingin nyo kay Ryan... oh ngayon nyo lang nalaman ang ugali niya noh! Hahaha... Bitin parin ba? Comment lang kayo... Thanks for reading! mwah! -WeirdyGurl

Montague Brothers - COMPLETED 2013Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz