35 Cellphones ni Ryan

Start from the beginning
                                    

Letseng buhay ito oh! Ba't ngayon pa ako tinamaan ng pagkatorpe? The Mighty Ryan Montague ay mukhang tanga sa kwarto niya na nag-iisip kong tatawagan ba niya si Myka o hindi. Nak ni dugong naman talaga oh! Nakamot ko nalang yung ulo ko sa sobrang asar sa sarili ko!

Tatlong cellphone ang nasa harap ko. Yung Galaxy S III kay Syndi, Yung blackberry kay Rain at yung Iphone 5 ko naman ay kay Myka. Bakit? Wala akong balak mag collect ng cellphones peru napagtripan ko lang HAHAHA.  You know, I'm a busy man kaya dapat tig-iisa sila para di ako nalilito. Ngayon pa't walang alam si Rain na mag best friend pala kami ni Syndi. Ang hilig paman din nun mangutingting ng gamit ng iba. Kaya mas mabuti ng safe.

"Ano ito Ryan titigan mo lang? Wala kang gagawin? Para saan pa't araw-araw kang nagpapaload tapos hanggang titig ka lang sa mga mamahalin mong cellphones." Naks! Yaman lang eh.

I tilted my head tapos crossed legs pa.

"E txt ko nalang kaya?" kukunin ko na sana yung Iphone 5 na cellphone ko nang mag-ring ang S3 ko. Si Syndi. Sinagot ko yun. “Hello Syndi napatawag ka?”

“Ryan you’re a GENIUS!”

“Matagal ko ng alam yun ngayon mo lang napansin. Wow ha! Ang Slow mo naman.”

Nang mag-ring ang blackberry ko. Naku naman talaga! Bagay nga kayong dalawa. Anong klaseng connection meron kayo at sabay pa kayong tumawag saken. Sinagot ko yun, covering the other cellphone para di naman marinig ni Syndi.

“Oh Kambal na pa tawag ka?”

“I HATE YOU!!”

Nailayo ko ng di oras ang cellphone. Sa sobrang lakas yata ng pagkakasigaw niya nahindik ang eardrum ko. Ang LAAKASS!! Ibinalik ko ulit yung cellpone malapit sa tenga ko. Nilayo ko nalang ng konti.

“Aray naman! Alam ko na yun noh.”

“Ryan nandiyan ka pa ba?”

As you can see dalawang cellphone ang hinahawakan ko. Kayo na mag-imagine paano ko pinagsasabay itong dalawa. Ang kukulit!

“Yah, bakit?”

“Diba ikaw din ang pumili ng condo ni Rain at ng saken.”

“Oo ako nga?”

Nagkita na ba sila? Himalang di pa sila nagkikita e ilang araw na silang magkapitbahay. Iba-iba lang ang schedule kapag lalabas? Paano kaya yun. Ang ginawa ko kasi ay pinag-neighbor ko ang dalawa para naman magkasundo na ang dalawang mag-irog na iyun. Grabeh! Ngayon lang talaga sila nagkita?

“Thank you talaga! Talino mo talaga sobra! Alam na alam mo talaga ang likaw ng bituka ni Rain kaya pinagtapat mo ang room namin. Alam mo bang kailangan akong mag-stay sa place niya peru dahil magkatapat lang pala kami ok lang kahit di ako mag-stay sa bahay niya. Grabeh ka!”

Montague Brothers - COMPLETED 2013Where stories live. Discover now