"Adam you have to buy fruits for her", sabi pa niya.

Si Venice nakatayo lang sa kwarto ko, watching us.

"You're a great help Venice, do you know that?" Paris said sarcastically. Hindi siya pinansin ni Venice.

"Sigurado ka na ba sa gagawin mo Adam Jacob?" tanong ni Venice.

"Sure as hell!"

She was about to leave my room.

"Venice", I called her.

"Hmmm??"

"I just wanna say thank you for taking care of her noong mga panahong gago ako. I owe you a lot", sabi ko sa kanya.

Niyakap niya ako.

"Anything for you Adam. Just promise me one thing", sabi niya at kumalas ako sa pagkakayakap niya.

"What?"

"Please make sure na iuuwi mo dito si Arkisha and your babies. And don't you dare hurt her again, okay?"

"That's the plan", nakangiti kong sagot.

"Habang wala ka, ako na muna ang bahala sa kumpanya", dagdag pa niya.

"Are you sure?" tanong ko.

She nodded.

"I can help her", singit ni Paris at nakataas pa ang isa niyang kamay.

"Ano namang alam mo sa pagpapatakbo ng kumpanya?" nanghahamong tanong ni Venice dito.

"I'm a fast learner. I can do anything. I--" sagot ni Paris.

"You're hired", sabi ko.

(end of flashback)

Bumaba ako ng kotse at sinubukang maghanap ng mapapagtanungan nang may isang bata akong nakita. Titig na titig siya sa akin na para bang nakakita ng kung ano. Nilapitan ko siya at lalong nanlaki ang mata niya.

"Kilala mo ba si Arkisha?" tanong ko.

"Ate ko po", sagot niya.

Whoa! Kapatid niya si Arkisha? Sabagay, parehas sila ng mata.

"Parang nakita na po kita?" sabi niya.

Ha? Paano mangyayari yon? Ngayon lang ako nagpunta dito at ngayon ko lang din siya nakita. Hindi ko nga alam na may kapatid pala si Arkisha eh.

The funny thing is mukhang marami pa akong hindi alam tungkol sa kanya yet ang dami na naming pinagdaanan.

"Really? Saan naman?" tanong ko.

Umiling siya. Mukhang may naalala.

"Ako nga pala si Adam, bayaw mo", pakilala ko.

Bigla na lang siyang tumakbo. Natakot ata sa sagot ko. Pero pagkatapos ng ilang minuto, bumalik siya sa akin.

"Ikaw nga po! Ikaw po yun diba? Yung nasa picture sa cellphone ng Ate ko? Yung daddy ng babies niya?" sunod sunod niyang tanong.

Tumawa ako.

"Oo, ako nga yon. Nandyan ba ang Ate mo?"

"Opo. Ayaw niya nga maniwala sa akin eh nung sinabi ko na nandito ka."

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila papunta yata sa bahay nila.

"Halika po. Pasok po kayo", yaya niya.

"Ate! Andito na siya oh! Sabi ko sayo eh, siya nga daw ang bayaw ko!"

Madaldal tong batang to. Mana sa Ate niya.

"O diba Ate? Sabi ko sayo eh, andito na ang ama ng mga baby mo!"

Then I saw her. She's still the same Arkisha or should I say na tumataba ata siya? Mas natuwa ako ng makita ang umbok sa tiyan niya. Those babies inside her are mine!

Mine.

But she isn't mine anymore pero gagawin ko ang lahat mabawi lang siya.

**

Hindi naging madali ang unang linggo na pagtira ko sa kanila. Mahirap mangapa pero alam kong kailangan kong magadjust. Kailangan kong tanggapin lahat. After all, ako naman talaga ang mali.

Kaya naman kahit sa sofa lang ako matutulog, ayos lang sa akin. Basta alam ko na kasama ko si Arkisha.

Nagigising ako in the middle of the night na nararamdaman kong may umaayos ng unan ko. Unti unti kong binubuksan ang mata ko at nakita kong si Arkisha ang nasa harapan ko. Nagpapanggap na lang akong tulog kasi alam kong galit pa rin siya sa akin.

Dumadating din sa point na kapag sinusubukan ko siyang lapitan, lalayo siya. Masakit, oo. Pero hindi pa rin ako titigil sa pagsuyo sa kanya.

Kahit hindi ako marunong magluto, I am helping her Mom to prepare her breakfast. Sinabi ko na din naman na mabuti ang intensyon ko kay Arkisha and I believe totoo ang sinabi ng Mama niya na gusto niya ding maayos ang kalagayan ni Arkisha. I wont be surprised if one of these days mas close na sa akin ang Mama niya kesa sa kanya.

Minsan, tinatawagan ko din si Venice para turuan akong magluto. Kaya minsan ipinagluto ko si Arkisha ng adobo.

"Ma, saan nyo nabili tong adobo? Masarap siya." tanong ni Arkisha while we are having our lunch.

"Hindi ko yan binili. Niluto yan nitong si Adam. Masarap diba?" sagot ng Mama niya.

Tuwang tuwa ang kalooban ko noon kasi nagustuhan niya ang niluto ko.

Tiningnan ako ni Arkisha. Kinindatan ko siya at nginitian. She rolled her eyes. Nagsalita ulit siya habang ngumunguya.

"Ano ba yan Ma? Ang tigash nyaman ng karne. Luto na ba to? May bubblegum bang inilagay dito?" reklamo niya. "Ian, iabot mo nga yung gulay. Maggugulay na lang ako."

I knew it. Hindi ko alam kung maiinis ako sa kanya o matatawa kasi alam ko na sinabi niya lang yon para asarin ako.

Kaya naman nung sumunod na nagluto ako. Inilihim na lang namin ng Mama niya na ako ang nagluluto. Hindi naman siya nagpupunta sa kusina kasi ayaw daw niya ng amoy doon. Pero kain naman siya ng kain ng mga niluluto ko kasi nga hindi naman niya alam na ako ang cook.

Pero wala pa yan sa mga sumunod na araw.

Thursday of my first week.

"Kuya Adam, sabi ni Ate gusto daw niya ng kambal na saging", sabi sa akin ni Adam.

"IAN, ANO NA? NAIBILI MO NA BA AKO NG KAMBAL NA SAGING?" naririnig kong sigaw ni Arkisha mula sa kwarto niya.

Syempre to the rescue naman ako. Lahat ng gusto ni Arkisha ibibigay ko. Wala naman kasing kambal na saging akong dala. Kailangan ba talaga kambal? May kinalaman ba yon sa laman ng tiyan niya?

Umalis kaagad ako para maghanap ng kambal na saging. May dalawang oras din na mahigit akong paikot ikot hanggang sa makakita ako. Umuwi naman ako kaagad.

Pagdating ko. Nakita ko si Arkisha sa terrace kumakain ng orange.

"Arkisha, heto na ang saging", at iniabot ko sa kanya.

"Aanhin ko yan?" mataray niyang tanong.

"Diba sabi mo gusto mo niyan?" tanong ko. "Binilhan na kita."

Nagpatuloy siya sa pagkain ng orange.

"Ayoko na niyan", sabi niya.

WHAT??! Inikot ko ang buong palengke para makakita ng kambal na saging tapos ayaw na niya??

"Eh diba gusto mo nito?"

"Kanina oo. Eh ang tagal eh. Ayoko na niyan", matigas niyang sagot.

Note to self. Mahirap umamo ng babaeng galit lalo na kapag buntis. Lalong lalo na kung si Arkisha yon.


EX with Benefits (COMPLETED)Where stories live. Discover now