Jeron: Hmmm ok na din.  

Dave: Oy bro! Bakit ano ba ang binabalak mo ha?  

Jeron: I'll prove something to her. (proud nyang sabi)  

Thomas: Aba! May paprove-prove na ngayon. Haha.

Nang sumunod na araw ay naging abala na sina Mika at Jeron sa kani-kanilang mga training. Malapit na kasi ang Uaap game nila kontra ADMU at UST.

Basketball Coach: Alright team! Let's do this. Bring home the bacon on Saturday ok?

All: Yes coach!!  

Bball Coach: Good, Teng assist your teammates. Kapag medyo alanganin, alam mo na ang gagawin.  

Jeron: Yes couch!  

Dave: Coach, gagalingan talaga ni Jeron yan. Mukhang inspired eh. Hahaha.

Natawa lang ang coach nila. At pagkatapos ay nagsi-alisan na ang mga ito, tapos na ang training nila sa araw na yun.

Medyo madilim na ng lumabas si Jeron sa court. Dun ay nakita niya si Mika na inaayos ang makina ng kotse nito, agad niya itong nilapitan.

Jeron: Hey! Mika! (nilingon lang siya nito at di pinansin, parang wala lang siyang nakita) Hey, you need some help?  

Mika: No thanks, I can handle. (ni hindi man lang niya tinignan si Jeron, patuloy parin siya sa pag-aayos ng mga makina)  

Jeron: Ok, di ko alam may lahi ka palang mekaniko. Sira din yung car ng dad ko eh. Ano ba address mo para madala ko sayo. (biro niya)  

Mika: Ha-ha, nakakatawa. Joker? (sarcasm) Just go away.  

Jeron: Pangalawang beses mo na kong jina-just go away ha. I'm here to help or I can just...

Di na niya naituloy ang sasabihin dahil tinalikuran na siya agad ni Mika. Mukhang maglalakad lang ata ito papuntang dorm. Hirap din kasi makakuha ng taxi kapag ganung oras. Kaya daling sumakay si Jeron sa sasakyan niya at sinundan ang direksyon ni Mika, mahina lang ang andar niya.

Jeron: Hey, sabay ka na sakin. Gabi na oh, tsaka malayo pa ang dorm niyo di ba? Hirap ka na din makakita ng taxi niyan.

Di siya pinansin ni Mika. Nagda-dial ito sa kanyang cellphone habang patuloy na naglalakad. Magsasalita pa sana si Jeron ng biglang lumiko si Mika. Di na nakasunod si Jeron dahil hindi kakasya ang sasakyan nito. Maliit at masikip kasi ang daan.

Kinabukasan, abala parin ang lahat para sa nalalapit na laro sa Sabado. Gaganapin ang laro sa DLSU. Umaga ang volleyball at hapon naman ang basketball.

Papunta si Mika sa cafeteria para bumili ng maiinom ng biglang gulatin siya ni Jeron na nagtatago pala sa likod ng puno.

Jeron: Bulaga!!  

Mika: (nagulat) Ay tsonggo! Hmp, ano ba?! Umalis ka nga sa dinadaanan ko.  

Jeron: Ang gwapong tsonggo ko naman. Ang laki mong babae pero magugulatin ka. Well, san ang punta mo?  

Mika: Wala ka na dun, alis!  

Jeron: Oh edi sabay nalang tayo. Mukhang sa cafeteria ka din naman pupunta eh.

Sinabayan niya si Mika sa paglalakad. Habang siya naman ay asar na asar na naman kay Jeron. Pansin niya din kasi ulit na maraming nakatingin sa kanila at isa na dun si Audrey.

Audrey: So, she's the new one? Yan lang ang pinalit mo sakin Jeron? (pabulong niyang sabi)

Nasa cafeteria na sina Mika at Jeron. Habang nagbabayad ay tinanong ni Jeron si Mika.

The Charmer & The Sweetheart (A JeMik Fanfic)Where stories live. Discover now