Chapter 12
Nevermind
"Ano ang pumasok sa utak mo, at nakipag-date ka kay Khino?" unang tanong ni Cheska pagka tapos kong ikwento sa kanila ang nangyari kahapon.
"Anong date? Nasabi ko na ngayon palang na hindi nga ako nakipag-date kay Khino." naiinis kong tugon habang nakatingin sa kumakain na si Cheska.
"Just because you didn't go on a date with him doesn't mean other students won't assume you did, especially since you were spotted together." singit ni Fiona.
"Exactly, they'll probably jump to conclusions, especially Suzy's friend who saw you two together." dagdag naman ni Cheska.
"Tsaka paano niya nalaman address mo?" ani Josh na kahit ako ay walang mai-sagot.
"Hindi ko nga alam kung saan eh, pero sabi niya nakuha niya daw sa mutual naming dalawa... may alam ba kayo?" sagot ko.
"Wala girl, kung nalaman niya yung address mo ay baka nga sa mutual nyo." aniya.
Napasapo nalang ako sa noo ko dahil sa sinabi nila. "So, ano na ang gagawin ko?" tanong ko dahil kanina pa ako hindi pinapansin ni Chane, kahit na nagka salubong kami kanina.
"Aba'y bahala ka sa buhay mo, kere mo na 'yan." sagot ni Cheska na ngayon ay nang-aasar na. Tumawa ng bahagya si Fiona ng dahil sa sinabi nito. Anong nakakatawa?!
"Tinatanong paba yan? Edi gawin mo ang ginagawa ng mag jowa." dagdag naman nitong si Josh.
"Kaibigan ko ba talaga kayo?" naiinis kong tugon habang inaayos na ang pinagkainan. Tinawanan lang nila ako at hindi na sumagot.
Pagkatapos kumain ay naiwan akong mag isa dito sa loob ng cafeteria nang nagpaalam nang bumalik sa klase nila ang tatlo. Wala akong pasok after lunch kaya nanatili na muna ako dito. Hindi open ang kainan ni Aling Budang kaya no choice kami kundi sa cafeteria nalang kumain.
My thoughts were interrupted when I spotted Chane walking towards here. He was wearing black slacks and a plain white tee shirt on top, paired with black Camden shoes. Even with that simple outfit, he still looked incredibly attractive.
Naglalakad siya na parang galit sa lahat ng bagay dahil medyo nagka-abot ang kilay nito. Hanggang sa namataan ko rin si Suzy sa di kalayuan na naglalakad rin patungo rito. An idea suddenly popped into my mind, watching Chane who looked pissed and Suzy from afar walking towards here felt something fishy.
Oras na ba? Perfect timing na ba 'to? Ano na Zaylee!?
I immediately stood up and walked towards Chane who was in a bad mood. Napansin kong napahinto pa ito nang namataan akong patungo sa kaniya. Gumalaw ka! Our game is about to start!
"Chane!" sigaw ko nang papalapit na sa kaniya. Sinadya ko talagang lakasan ang boses ko para marinig at masaksihan mismo ng mga estudyante na kami pa. Kanina ko pa naiisip ang sinabi ni Josh kanina, kaya hindi na ako nagdadalawang isip na yakapin ito nang nakalapit ito.
Bahagyang napa-atras si Chane nang yakapin ko. Dahil siguro sa gulat. "Sinusundan ka niya, kaya umarte ka na." bulong ko at bumaling sa poging mukha niya. Bago pa ako makapag-salita ulit ay may narandaman agad akong malakas na kamay na humila sa'kin palayo kay Chane.
Nang mabalanse ko na ang sarili ko ay napatingin agad ako sa hindi na maitsurang mukha ni Suzy.
"Ang galing mo din eh no? Pagkatapos mong akitin si Khino kahapon, ngayon ay si CJ naman? Anong plano mo, huh?!" ang mala anghel na boses at mukha nito ay nawala na nang makita ko siya. Mukha siyang naiiyak at nagagalit. I was left speechless by what she said, lalo na sa mga salita niyang hindi ko inaasahan! "Ano ha? Answer me!"
YOU ARE READING
Sa'yo Lamang (Heart Strings Series #1)
RomanceIn the midst of uncertainty, Zaylee found herself drawn to Chane's enigmatic presence. As they explored the depths of their connection, they discovered that love is a journey, not a destination. But will their hearts find a way to synchronize?
