Chapter 6

6 2 0
                                        

Chapter 6

Next time


So sinunod niya talaga ang sinabi ko sa kaniya? Na ligawan na muna ako? Pero hindi niya naman sana kailangang ipahalata talaga 'di ba? Kung maka-asta ang isang iyon, parang hindi acting eh.

"Ang akala ko ba.. hindi mo tatanggapin ang alok niya?" tanong ni Fiona. Pati din kasi si Cheska ay nakarinig sa mga pinagsasabi nila Chane at Suzy kanina kaya pagkatapos nun ay nag chat kaagad siya sa group chat na magkita sa isang kainan para makapag haponan din kami. Haponan with chika.

"Hindi nam--"

"Bibig mo.. takpan mo!" putol ni Cheska sa'kin.

"Ehh hindi naman talaga sana, pero.." napahinto agad ako, nag-iisip if sasabihin ko ba sa kanila ang dahilan ni Chane.

"Pero?" nagkasabay pa talaga ang mga amaw oh.

"Pero, sinabi niya kasi sa'kin kung anong rason niya kaya.." kibit balikat nalang ang dinugtong ko.

"Sus bahala kana dyan, kung ikaw ma inlove ha.." ani Josh, habang may lamang pagkain ang bibig niya.

"Uy kupal, hindi no, this is just an act guys.. so relax." sabay kindat ko sa kanila. Kasi imposible naman din talagang mahulog ako sa isang Chane Jackson Fumar na'yan kasi ni-isa o kaunti ay hindi talaga siya pasok sa standards ko. Ayoko ko kaya sa mga mayayaman.

Pagkatapos naming kumain ng barbeque ay nagpa-alam nadin kami sa isa't-isa. At dahil walang pasok bukas because it's sunday, makakapag-puyat na ulit ako. Mag iisang linggo na siguro since yung last panood ko sa latest k-dramang pinapanood ko kaya pagka-uwi ng apartment ay dumiretso agad ako ng kwarto at kinuha yung laptop na nasa desk ko at nanood na.

Tatlong episode pa ngalang ang napapanood ko pero yung mata ko gusto ng pumikit kaya naman ay pinatay ko na ang laptop para matulog. Alas dose nadin kasi ng madaling araw.

Kinabukasan ay balik taong bahay nanaman. Nilinisan ko ang buong apartment, yung punda ng kama at unan ay kinuha ko para palitan na ng bago. Nilabhan ko na din ang mga damit na nagamit ko since monday pa, hindi naman ako aksaya ng mga gamit at damit kaya kunti lang din ang nalabhan ko.

"Ubos naba ang allowance mo dyan nak?" tanong ni Nanay sa'kin. Pagkatapos ko kasing maglaba ay tumawag sila kaya nag vivideo-call kami ngayon.

"Meron pa naman Nay, pero kunti nalang." sagot ko sa kaniya. Napansin ko agad ang background niya, nasa kaniyang sariling silid aralan siya ngayon. "Nay linggo ngayon 'di ba? Ba't andyan kayo sa paaralan ngayon?" dugtong kong tanong sa kaniya.

"Mag pa-practice pa kami dito ng sayaw for our upcoming event kaya nandito ako, and about sa allowance mo, don't worry inutusan ko na ang kapatid mo na ipasok sa gcash number mo ang perang pinadala ng tatay para sa'yo." aniya.

"Meron pa naman akong natitira dito Nay." meron pa kasi talaga akong natitirang pera dito. Pwede namang ipadala nalang nila iyon kapag ubos na.

"Kaya ka namin pinadalhan diyan kasi gusto naming mamili ka ng anong kulang at anong kailangan mo diyan, kasama na dun ang pangkain kasi pupunta kami diyan pagka-uwi ng tatay mo galing barko." sabi niya sa'kin. Matagal-tagal nadin akong hindi nakaka-uwi ng probinsiya kaya na excite ako ng kaunti dahil sa sinabi ni Nanay.

"Kailan kayo pupunta dito?" tanong ko sa kaniya para naman makapag handa ako at makapag linis kapag pupunta na sila dito.

"Katapusan ng buwan siguro, maybe september 30." aniya. Tumango nalang din ako. "Oh sha sige, end mo na ang tawag kasi patungo na dito ang kasamahan ko." tumango ulit ako at napansin nadin ang mga boses ng mga tao sa likod ng background kaya pinutol ko agad ito.

Sa'yo Lamang (Heart Strings Series #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora