Chapter 8
Rules
It's been one week already since I saw that video of Chane and Suzy kissing wildly. Tuwing nakakasalubong o nakikita ko si Chane kasama ang mga kaibigan niya ay ako na mismo ang lumalayo dahil bumabalik lang sa ala-ala ko ang video na nakita ko. Kasalanan ko din naman iyon kasi may pa stalk-stalk pa talaga akong nalalaman.
"Blairang namin yan!" sigaw ni Cheska habang nasa stage kami nag pa-practice para sa gaganaping Intramurals. Kami kasi ni Justin ang napili sa naganap na meeting last wednesday dahil matatangkad daw at nakakakuha ng atensyon ang aura naming dalawa. Since that day ay naging busy nadin kami dahil sa gaganaping pageant this Friday.
"Nice Blair! Now Hannah lakad! Slay mo pa yang lakad mo girl, daig mo pa ang mga tambay sa labas!" sunod-sunod na utos ng baklang nag organisa nito. Siya din ang nagtuturo sa'min para sa gaganaping event, kaya malalakas na salita niya kaagad galing sa mic ang maririnig ng buong basketball court, baka pati nga din sa labas ay rinig eh.
"Hannah ano ba 'yan, ayusin mo naman ang lakad mo." reklamo niya sa babaeng kasunod ko lang. Accountancy ata ang nirerepresenta niya. Nakita ko sa mukha ni Hannah na parang nahihirapan talaga siya, nahihirapan ba siya sa heels?
Nang mapansin niyang nakatingin ako ay medyo inayos na niya ang porma niya kaya napabaling kaagad ako sa harap kung saan sumisigaw ang tatlo kong kaibigan. Simula nung nagsimula na kaming mag practice para sa pageant ay araw-araw nadin silang nandito sa loob ng basketball court. Pero may oras rin na wala sila dahil class hours palang.
"Okay good everyone! Break time na muna!" anunsyo ng organizer naming bakla kaya naman ay pagod akong lumakad patungong backstage para tanggalin na ang heels na suot ko.
Pagkatapos kong maiayos ang sarili ko sa loob ng backstage sinuot ko kaagad ang tsinelas ko bago lumabas. Nakasalubong ko pa nga si Justin pagkalabas ko ng backstage kaya tinapik ko lang ang malapad niyang braso at ipinagpatuloy na ang paglalakad. Simula kasi nung nag practice na kami para dito ay nakakapag usap nadin kami, medyo hindi na siya awkward.
"Ganda mo!" salubong na sigaw ni Cheska nang mapansin akong papalapit sa kanila.
"Ang ingay nyu." reklamo ko agad pagkaupo ko sa tabi ni Josh.
"Hala oh, 'di niya na a-appreciate ang support natin." at nag pouty lips kaagad si bakla.
"Amaw!" tugon ko agad.
"By the way.. tomboy ba 'yang si Hannah?" tanong bigla ni Fiona kaya napabaling kaagad kami sa kanila.
"Hindi no, hindi lang talaga siya mahilig sa mga ganyan." sagot ni Cheska.
"Oh ba't siya yung pinili?" singit ko.
"Kasi.. matangkad siya, maganda at kurba ang pangangatawan tapos matalino pa." sagot agad ni Cheska. Tumango kaagad ako bilang pag sang-ayon sa kaniya dahil totoo naman din talaga. Na insecure tuloy ako.
Mag to-twenty minutes na siguro akong nasa tabi ng mga kaibigan ko. May chinika lang sila about sa ganap nila nung nag pa-practice pa ako. Ang dami nilang napagdaanan sa labas ng basbetball court habang ako pa ika-ika pa kung maglakad dahil sa heels ko. Pwede naman din sanang maliit lang na heels ang susuotin pero sabi ng organizer na mas maganda kung nasa four inch ang haba para daw sosyal. Sosyal sa iyang mata!
"Maayos din naman pala si Justin no? Akala ko kasi nung una suplado ang isang yun." wala sa sarili kong tinanong.
"Kita nga namin." sagot din ni Josh.
"What do you mean?" tanong ko.
"Haler.. kitang-kita kaya dito kapag nag-uusap kayo sa gilid o hara--"
YOU ARE READING
Sa'yo Lamang (Heart Strings Series #1)
RomanceIn the midst of uncertainty, Zaylee found herself drawn to Chane's enigmatic presence. As they explored the depths of their connection, they discovered that love is a journey, not a destination. But will their hearts find a way to synchronize?
