Chapter 2: Target Locked

7 3 0
                                        

May ibang klase sa pakiramdam kapag narinig mo ang pangalan mo mula sa bibig ng target. Hindi pangalan bilang estudyante. Hindi “Kael.” Hindi “Reyes.” Kundi ang pangalan ko bilang Eclipse, pangalan na dapat ay kilala lang ng mga nasa loob ng Project Umbra.

At ngayon, may ibang tao na nakakaalam.

Napatigil ako sa paghinga. Nanigas ang mga daliri ko habang hawak ang edge ng vent. Sa loob ng anim na taon kong pagsunod sa bawat utos, never pa akong naka encounter ng intel leak na ganito kalapit sa akin.

“…delikado ‘yan. Kung totoo ngang buhay pa siya” ulit ni Villar sa kausap niya sa comms. “Eclipse doesn’t miss.”

Hindi ko narinig ang sagot ng kausap niya. Scrambled na ang linya. Pero sapat na ang narinig ko para tumibok nang mas mabilis ang puso ko. Hindi dahil sa takot, hindi ko na kilala ‘yon. Kundi dahil sa isang tanong na matagal ko nang tinataboy sa isipan ko.

Bakit ako kilala ng kalaban?

Kinuha ko ang maliit na recorder chip mula sa strap ng glove ko at inactivate ang silent scan mode. Nakaprograma itong kunin ang buong dialogue ng usapan ni Villar sa loob ng room. May risk, pero hindi ko kayang umalis nang wala ‘tong impormasyon.

Nag slide ako pababa mula sa vent at nag landing sa likod ng cabinet. Sa mga mission na ganito, isang maling hakbang lang, tapos ka na. Pero kalmado ang kilos ko. I moved like breath. Silent, precise.

Naglakad ako papunta sa console habang nakatalikod si Villar. Isa. Dalawa. Tatlong hakbang. Binunot ko ang tactical blade mula sa thigh sheath. Hindi ko pa pinapagana. Hindi ko pa siya kailangan saktan, kung kaya kong tapusin ito nang walang dugo, mas maganda.

Bigla siyang lumingon.

“Tang—”

CRACK.

Mabilis kong tinapik ang nerve sa ilalim ng leeg niya, kaya nawalan siya ng malay. Nahuli ko siya bago pa siya bumagsak sa sahig. Marahan. Walang tunog. Dahan dahan kong ibinaba ang katawan niya sa upuan.

"Pasensya na, lolo" bulong ko, habang kinokonekta ang flash drive sa system niya. Kung anong file ang naglalaman ng impormasyon tungkol sa akin, kailangan ko ‘yon.

Habang naglo load ang data, napatingin ako sa mukha ni Villar. Hindi siya mukhang matapang. Hindi rin siya mukhang kasindak sindak. Isa lang siyang matandang lalaking tumaba sa pera ng iba. Pero paano siya nakarating sa pangalan ko? Sino ang nagsabi?

Ding.

“Download complete.”

Inilagay ko ang drive sa compartment ng suit ko at mabilis na umalis mula sa opisina, pabalik sa vent. Habang paakyat ako, isang icon ang lumitaw sa heads up display ng lens ko.

INCOMING TRANSMISSION: ARES.

“Eclipse, confirm extraction. Status?” tanong niya.

“Target unconscious. Intel secured. Extraction in progress” sagot ko habang sinusuri ang hallway. Clear.

“Copy. Meet at rooftop point 3 in 90 seconds. May movement sa building perimeter.”

“Understood.”

Tumakbo ako sa roof access habang ini scan ang paligid. Ang hallway na dati kong dinaanan, may dalawang guards na ngayon. Hindi ko sila napansin kanina. Baka may nakahagip sa security. Compromised na.

Humugot ako ng dalawang smoke caps mula sa utility belt at itinapon sa corridor. Pagbagsak ng unang usok, sabay akong umikot sa gilid ng hallway. Narinig ko ang ubo ng mga guwardya, sabay ang kanilang baril na naghahanap ng target sa dilim.

Di nila alam, ako ang dilim.

Nag slide ako sa pagitan nila, isang sipa sa tuhod ng una, sabay hampas sa leeg ng pangalawa. Parehong bagsak bago pa nila ma realize kung anong nangyari. Walang patay. Just neutralized.

Pag akyat ko sa rooftop, nandoon na si Ares, nakaabang sa black stealth drone na hovering above the edge.

“Tumaas ang alert level” sabi niya habang inaabot ang kamay ko para isakay ako.

“May leak” sagot ko habang sinasara ang zipper ng suit ko. “Si Villar, binanggit ang codename ko.”

Napatingin si Ares. Unang beses kong nakita ang bahagyang pagkabigla sa mukha niya.

“Impossible ‘yan. Classified ang lahat ng identities. Walang access ang kahit sinong outsider.”

“Baka hindi outsider.”

Tahimik siya. Bihira kaming magkaroon ng mga pag uusap na ganito. Sa Project Umbra, hindi uso ang trust. Hindi rin uso ang loyalty. Pero si Ares, kahit papaano, parang may konsensiya pa.

“Sino pa ang may access sa mga file natin?” tanong ko.

“Konti lang. Command tier lang. Baka... baka may mole.”

Hindi ko sinabi nang malakas, pero iyon na rin ang nasa isip ko. May taong nagtaksil. At kung alam nila ang codename ko… baka hindi lang ako ang target.

Pagbalik namin sa base, tumuloy ako sa quarters ko, pero hindi ako nakatulog.

Pinanood ko ang file mula sa nakuha kong flash drive.

File Name: PROJECT ECLIPSE_001

At sa loob ng file, may mga larawan.

Isa sa mga ito, kuha ng batang babae. May dugong dumadaloy mula sa sugat niya sa pisngi. May tali ang mga kamay. At sa likod ng litrato…

May pangalan.

Kaelina Reyes – Subject: ECLIPSE.

Code Name: EclipseDonde viven las historias. Descúbrelo ahora