Chapter 1: Shadow Routine

8 3 0
                                        

Tahimik ang mundo ko kapag gabi. Sa mga oras na ‘yon, hindi ako estudyante, hindi ako anak, hindi ako tao, ako si Eclipse. Isang anino sa dilim, walang pangalan, walang damdamin. Sa mundo naming mga katulad ko, bawal ang emosyon. Emosyon ang nagpapatalo. Emosyon ang pumapatay.

Tumunog ang discreet alarm sa comms chip na naka embed sa likod ng kaliwang tainga ko. Isang mahinang “ping” halos hindi maririnig kung hindi ka sanay. Bumangon ako mula sa kama na parang hindi ako natulog. Sanay na ako. Anim na taon na akong ganito. Gumalaw ako sa dilim na parang multo, alam ang bawat hakbang sa kwarto ko. Hindi ko kailangang magbukas ng ilaw. Kahit nakapikit, kabisado ko ang galaw.

Sinuot ko ang black compression suit mula sa ilalim ng kama. Walang logo, walang design. Pangkaraniwan sa mata ng di marunong, pero para sa katulad ko, ito ang pananggalang. Heat resistant. Blade resistant. Lightweight. Sa loob ng limang minuto, ready na ako.

Isang pitik sa hidden panel sa pader at bumukas ang maliit na compartment kung saan nakatago ang ear-comm, contact lens na may night vision overlay, at tactical blade. Isinuot ko lahat sa loob ng ilang segundo. Saka ako tumayo sa harap ng salamin. Tiningnan ko ang sarili ko. Wala si Kaelina. Wala ang matalinong estudyante na kinikilala bilang top of the class. Ang nasa harap ko ngayon ay ang sinanay na mandirigmang walang pangalan.

Ako si Eclipse.

Lumabas ako ng bahay sa likod na pader na ako mismo ang gumawa ng daan. Walang CCTV na makakakuha sa akin. Ilang building lang mula sa amin, may abandoned warehouse na ginawang ops base ng unit ko. Unit 07. Hindi alam ng magulang ko, ni ng mga guro ko. Wala ni isa sa mundo ang nakakaalam ng totoo kong buhay.

Nang dumating ako sa base, naroon na si Ares, ang field lead namin. Mas matanda siya sa akin ng apat na taon pero pareho kaming nilikha ng organisasyon. Pareho kaming produkto ng Project Umbra, isang programa na naglalayong lumikha ng “ideal human weapon.”

“Late ka ng 38 seconds” malamig niyang sabi habang tinatapos ang pag assemble ng firearm sa mesa.

“Traffic sa bubong” sagot ko nang walang emosyon, habang inaayos ang gloves ko. Hindi ko na kailangang tumingin sa kanya para maramdaman ang bahagyang pag angat ng kilay niya. Alam niya, joke ‘yon. Kung baga sa amin, friendly banter na ‘yun.

Naglakad ako sa main screen kung saan nakaproject ang mission briefing.

Target: Councilman Renato Villar.
Age: 56.
Primary: Corrupt government official, suspected liaison to Eastern Black Syndicate.
Objective: Infiltrate. Extract intel. Eliminate if compromised.

Simple lang dapat. Pero ang mga simpleng mission ang kadalasang may patibong.

“Solo ka ulit” sabi ni Ares. “Perimeter monitoring lang kami. Ikaw ang papasok.”

Tumango ako. Wala na akong tanong. Sanay na ako sa gano’n.

Pero habang inaayos ko ang gear ko, may kakaibang kirot akong naramdaman sa dibdib. Mabilis lang. Parang pamilyar na pakiramdam, takot? Hindi, imposible. Matagal ko nang pinatay ‘yon. Baka pagod lang.

Sa rooftop ng government office kung saan madalas magtagal ang target, naka position na ako. Mula sa taas, tanaw ko ang lawak ng syudad, mga ilaw na parang bituin sa lupa. Walang ibang tunog kundi ang malamig na ihip ng hangin. Sa lens ko, kita ko ang galaw sa loob ng building. Tatlong bantay. Isang PA. At si Villar, nasa loob ng opisina, mag isang naglalakad.

Tumalon ako mula sa rooftop, gumamit ng grappling wire para bumaba sa ika limang palapag. Diretso ako sa ventilation shaft, lumusot nang parang wala lang. Limang taon ko ng ginagawa ‘to. Sa una, takot. Sa ikalawa, kaba. Sa ika lima, kalyo na lang sa damdamin.

Bumaba ako sa dulo ng vent, binuksan ang panel nang hindi gumagawa ng tunog, at sumilip. Si Villar, nasa harap ng malaking screen, may kausap sa comms.

“…siguraduhin mong walang sablay. Ang Eclipse na ‘yan, delikado. Kung totoo ngang buhay pa siya.”

Napatigil ako. Anong—?

“Bakit biglang may alam sila tungkol sa akin?” bulong ko sa sarili. “Confidential ang buong existence ko…”

Hindi na ako nakagalaw agad. Sa dami ng mission ko, ngayon lang may target na may alam sa pangalan ko. At hindi lang codename. Tila may personal na alam si Villar.

Mabilis ang tibok ng puso ko. Unang beses ko ‘tong naramdaman muli. Hindi dahil sa takot. Dahil sa tanong.

Sino ako talaga?

Code Name: EclipseWhere stories live. Discover now